NAPAMULAT ng mata si Zai nang maramdaman niya ang pagpisil sa kanyang pisngi. Bumungad sa kanya ang nakangiting mukha ni Dice na agad namang nakapangiti sa kanya. Hindi niya namalayang nakatulog na pala siya habang nakasandal sa balikat ni Dice dahil sa kakaiyak niya kanina. Naroon pa rin sila sa may dalampasigan. Iyon nga lang ay gabi na noong mga sandaling iyon. Inilibot kasi siya nito kanina sa kabayanan sakay ng motorsiklo nito para daw mawala sa isip niya ang problema niya. Nang maikot na nila ang kabayanan ay nagpasya na silang magpahinga sa may dalampasigan kung saan sila nag-usap. "Naku, pasensya ka na. Naabutan tuloy tayo ng gabi dahil nakatulog ako." Iniayos niya ang sarili at itunuwid ang pagkakaupo. "Okay lang.Maayos na ba ang pakiramdam mo?" Humarap ito sa kanya at ngin

