Tanghali na noon nang ipatawag ako ni Papa sa company. Lumabas na kasi ang resulta nang pag-iimbestiga ng taong inutusan niya. Noon lang nalaman ni Papa na baon na pala sa utang sa kanya ang company nila Jared. Sobra-sobra, para ma-acquire niya ang company nila. Wala naman palang alam gawin ang taong nagmaniobra ng kompanya kung hindi mangutang lang nang mangutang. Ginagamit nila ang business permit ng company para makautang sa labas. Bukod pa 'yon sa inuutang nilang materyales sa kompanya namin. Si papa rin kasi ang supplier ng mga construction materials. Pinapaluwagan kasi niya noon ang maliliit na construction firm nagsisimula palang sa negosyo. Napangiti ako habang binabasa ko ang report. Hindi naman pala mahirap bawiin ang kompanya. Isang pirma lang ni Papa, talsik na agad sila ro

