Nang mga sumunod na araw inayos na ni Papa ang pagbawi sa company ni Daddy Jacob. Tinulungan ni Papa si Dad na ipakulong ang mga taong nasa likod ng pagpapabagsak ng kompanya. Pinabukas din ni Dad ang kaso tungkol sa pagkamatay ng Mama ni Jared dahil biglang may lumutang na testigo, isa sa kasabwat nila na gustong ma-abswelto sa kasong isinampa sa kanila. Naging maayos at smooth ang buhay namin ni Jared. Ang kulang na lang talaga ay ang pag- amin namin sa pamilya namin sa ginawa naming kasunduan noon. Matagal na kaming nagbabalak umamin ni Jared para na rin sa ikakatahimik ng konsensiya namin at para maging totoo at legal na talaga kaming mag-asawa. Iyon lang kasi ang basbas na kailangan namin para malaya na talaga naming gawin ang bagay na ginagawa ng totoong mag-asawa. Pero hindi pa ka

