Tahimik lang ako habang nagbibiyahe kami papuntang Batangas. Kinakabahan kasi ako. Hindi ko kasi alam kung ano ang madaratnan ko doon. Siguro ganito talaga ang nararamdaman ng mga babae, sa first time na pagdalaw sa pamilya ng lalaki. 'Yung feeling na parang excited ka na may kahalong kaba. Ang weird lang din kasi hindi naman kami totoo, pero nararamdaman ko 'to. "Tulog ka muna." sabi ni Jared nang lumingon sa akin. Ibaba niya sana nang bahagya ang sandalan pero tumangi ako. "Hindi ako inaantok," sabi ko. Sa maikling panahon na magkasama kami ni Jared nakikita ko naman ang good side niya. Hindi ko nga lang maintindihan kung bakit parang gustong-gusto niya akong binu-bully. Sa haba ng biyahe, hindi ko na namalayan na nakatulog na rin pala ako. Naalimpungatan pa ako nang bahagyang ibab

