Gigil na gigil ako noon sa kanya pero hindi ko siya magawang sapakin dahil hindi pa rin inaalis ni Lola ang tingin sa amin. Inabot na nga yata ng pagkalanta ang halamang itinatanim niya sa kapapanood niya sa amin. Mabuti na lang at may napadaang kapitbahay at nakuha ang atensiyon ni Lola. Naglakad si Lola papunta sa gate at nakipagkwentuhan. Sinamantala ko ang pagkakataon at pinagsasapak ko sa dibdib si Jared. Natatawa namang hinuli niya ang mga kamay ko. "Kapag hindi ka tumigil hahalikan ulit kita," nangingiting sabi niya. Agad ko naman siyang bitiwan. Mahirap na kasi baka totohanin pa niya. Naupo ako malayo sa kanya habang nakatanaw ako kay Lola na noo'y naglalakad na pababalik. "Gusto mong pumunta sa farm, Hon?" biglang tanong niya. "Talaga? May farm kayo?" nangingislap ang mga mat

