Nangingiti namang nagmulat ng mga mata si Jared. "Naaksidente ka na, puro kalokohan pa rin iyang alam mo," mariing sabi ko. Ngumiti lang siya at lumabi na parang bata. "May binili akong pagkain baka nagugutom ka na," sabi ko atsaka ko siya tinalikuran. Kinuha ko ang binili kong pagkain atsaka ako naupo sa gilid ng kama, sa tabi niya. Ibinuka naman niya agad ang bibig na tila nagpapasubo sa akin. Pero sa halip na subuan ko siya iniabot ko sa kaliwa niyang kamay ang kutsara atsaka ko siya nginitian na tila nang-aasar. Nakatulis pa ang nguso niya habang sinisimulan niyang kutsarahin ang pagkain na noo'y hawak ko. Tiniis ko siyang huwag subuan noon, para kahit papaano'y magantihan ko siya. Napansin kong sinasadya niyang pahirapan ang sarili sa pagkuha ng pagkain kaya nilakihan ko siya ng mg

