3 He started teasing her

2247 Words
Tatayo na sana ako noon nang pigilan niya ako. Muling nagtama ang aming paningin. "Pag-isipan mong mabuti kung itutuloy pa natin 'to. Mas marami pa akong pwedeng gawin sa'yo habang natutulog ka," seryoso ang mukhang sabi niya sa akin. Isang malakas na sampal ang pinakawalan ko sa pisngi niya. "How dare you? Kinuha kita para magpanggap, hindi para molestiyahin mo ako," mariing sabi ko sa kanya. Nangingiti pa si Jared habang nakahawak sa pisngi niya. "Ngayon pa-inosente ka naman? Sa tingin mo maniniwala ako sa inaarte mong 'yan? Can a decent girl really do this dirty stuff? Ang tabihan sa kama ang isang lalaking hindi niya kilala?" Napailing na lang ako. Gaanon pala talaga kaliit ang tingin niya sa akin. "Wala na ba 'tong katapusan, Jared? Talaga bang kailangan mong araw-arawin na ipamukha sa akin kung gaano kamali ang desisyong ginawa ko? Alam ko naman kung anong pwede mong gawin sa akin eh. At hindi ako tanga para hindi bantayan ang sarili ko buong magdamag laban sa'yo. At para lang alam mo, hindi ako interesado sa'yo. Nagkataon lang na kailangan ko ang tulong mo," mariing sabi ko at muli akong nagtangkang tumayo pero nahablot niya ang isang kamay ko at muli akong napaupo. "May gusto nga pala akong idagdag sa rules natin," aniya na noo'y yumakap pa mula sa likuran ko. Tila may boltahe ng kuryente na dumaloy sa katawan ko nang masagi ng labi niya ang tenga ko. Napaupo kasi ako noon patalikod sa kanya. Pilit akong kumakawala sa pagkakayakap niya pero mas lalo pa niya iyong hinihigpitan. "Stop it, please," nanginginig na ang boses na sabi ko. "Stop what?" sarkastikong sabi niya na noo'y sinisimulan na akong halikan sa leeg. Mas lalo pang gumapang ang kuryente sa buo kong katawan at tuluyan na akong napaiyak. "Stop it! " sigaw ko. Bigla namang tumigil si Jared sa ginagawa at unti-unting bumitaw sa akin. "Ngayon alam mo na kung gaano kabigat itong kalokohang pinasok mo? Kaya kong mag-take advantage sa'yo, anytime I want to. Kaya hindi mo dapat isinusubo nang ganito ang sarili mo. Mag-isip-isip ka na,  habang nagiging mabait pa ako sa'yo," sabi niya sabay pisil sa baba ko. Hindi ko alam kong paalala ba iyon o pagbabanta. Pero aaminin kong nakaramdam ako ng takot sa mga sandaling iyon. Patakbong lumabas ako ng kwarto. Abot-abot ang kabog ng dibdib ko noon. Hindi ko akalaing magiging ganoon kahirap ang lahat. Para makapag-de-stress ibinaling ko ang atensiyon ko sa mga halaman, gaya nang lagi kong ginagawa kapag mabigat ang loob ko. Katulong ang hardinero namin, pinagpalit-palit namin ang pwesto ng mga halaman na nasa paso atsaka ako nagpunla ng mga bagong binhi. Medyo relax na ako noon nang bumaba si Jared. Nagulat na lang ako nang abutan niya ako ng towel. Natanaw niya siguro mula sa itaas ang ginagawa ko. Alanganin ang ngiting sumilay sa labi ko. Ang husay niya kasing umarte. Sino namang mag-iisip na hindi kame okay sa ginagawa niyang iyon.  "Gutom na ako, Hon," bulong niya sa akin na tila hindi kami nag-away sa itaas. Pagkatapos noon ay inabot niya pa ang hawak kong paso. Napailing na lang ko. Kung hindi siguro ako masasanay sa mala-roller coaster niyang ugali. Malamang sa mabaliw ako sa kanya. Kasalukuyan na kaming nag-aalmusal  sa may garden nang mapansin ko ang pananahimik ng kasambahay naming si Lisa. Sanay kasi ako na maingay ito at bida-bida. "Lisa, may sakit ka ba? Bakit ang tamlay mo?" tanong ko. Pilit naman itong ngumiti sa akin. "Okay lang po ako, Ma'am Jade. May problema lang po sa bahay," malungkot ang mukhang sagot niya sa akin. "Ano bang problema? Tungkol saan?"  "Nasa ospital po kasi ang bunso ko, Ma'am, eh," nangingilid na ang luhang sagot niya. "Eh, bakit nandito ka? Sino ang nagbabantay sa anak mo sa ospital?" kunot ang noong tanong ko. "Ma'am, hindi po kasi ako pwedeng mag-absent. Lumabas na po kasi ang mga laboratory test ng anak ko kahapon. Kailangan na raw po niyang maoperahan sa lalong madaling panahon. Malaking pera po ang kakailanganin namin," tila hindi na napigilan ni Lisa at tuluyan na siyang napaiyak. Bigla namang bumigat ang loob ko. "Magkano ang kailangan sa ospital?" agad kong tanong. "Pinaghahanda po kami ng Dalawang Daang Libo, Ma'am. Hindi ko naman po alam kung saang kamay ng Diyos ko 'yon kukuhanin," hilam sa luhang sabi ni Lisa. Inabot ko ang kamay niya atsaka ko bahagyang pinisil. "Kailan pa ba 'yang problema niyo na 'yan? Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin?"  "Hindi ko naman po kasi alam na ganoon kaseryoso ang lagay ng anak ko, Ma'am. Akala ko po simpleng lagnat lang." Bahagya kong tinapik ang kamay ni Lisa. "Don't worry. Ako na ang bahala. Pagkatapos mong kumain, ipapahatid kita sa ospital at asikasuhin mo agad ang operasyon ng anak mo." nakangiting sabi ko. Sa sobrang tuwa ay napayakap sa akin si Lisa. "Naku, Ma'am. Maraming salamat po. Hindi ko po alam kung paano ko po kayo mababayaran. Sobra-sobra na po ang naitulong niyo sa amin," sabi niya. "Alam niyo naman na hindi na kayo iba sa akin diba? Pamilya ko na kayo. Kaya kung ano man ang problema niyo, huwag kayong mahiyang ipaalam sa akin," nakangiting sabi ko. Magaan ang loob ko sa tuwing napapagaan ko ang problema nila. Kung tutuusin kasi pera lang iyon, bagay na walang halaga sa akin. Sa estado kasi ng buhay namin sobrang dali ko lang 'yung nakukuha kay Papa. Pero buhay ang katumbas noon sa kanila kaya masaya ako na natutulungan ko sila. Napansin ko ang pag-awang ng mga labi ni Jared nang abutan ko ng pera si Lisa bago ito umalis. Sa tingin ko iniisip niya ring parte 'yon ng palabas ko. "Alam ko 'yang si Kanor, may problema din 'yan eh," sabi ni Manang Fe, na ang tinutukoy ay si Tatay Kanor na halos sa amin na rin nagka-edad. Nakasanayan ko na siyang tawaging tatay dahil madalas, siya ang kumukuha ng report card ko sa school. "Ano naman po ang problema ni Tatay Kanor?" tanong ko. Napangiti si Manang Fe. "Graduation ng anak niya bukas. Wala raw aakyat. Alam mo namang hiwalay din sa asawa ang isang 'yon. Magpapa-alam sana 'yon, baka nakahiyaan na lang din." "Hay, Ano bang nangyari sa inyo? Bakit bigla na lang kayong nangahiya sa akin?" nangingiting sabi ko. dati naman kasi ay agad nilang sinasabi sa akin kapag may problema sila. Hindi umiimik noon si Jared na noo'y nakikinig lang sa amin. "Nahihiya po kami kay Sir Jared, Ma'am. Siyempre po, iba noong dalaga kayo kaysa ngayong may asawa na kayo. Nakakahiya naman po kung po-problemahin niyo pa ang mga problema namin gaya noon," sagot ni Kuya Paul, ang hardinero namin. Nagulat ako nang ngumiti si Jared. "Huwag niyo ho akong alalahanin. Hindi naman ho kailangang magbago kung ano kayo noon kay Jade. Masaya po ako na natutulungan po kayo ng asawa ko," sabi niya na kinabig pa ako papalapit sa kanya. Ang galing niya talagang  umarte. Natural na natural  kasi ang pagkakasabi niya nun. "Bagay po talaga kayong dalawa, Sir. Parehas po kayong mabait," nakangiting sabi ni Kuya Paul na halatang nauto ni Jared. Ngumiti pa si Jared sa kanya bago tumingin sa akin. Nang makabalik si Tatay Kanor agad ko siyang pinatawag sa balcony, kung saan ako nagpapahinga. "Ma'am, pinapatawag niyo raw po ako?" anito nang bumungad sa akin. "Graduation daw po ng anak niyo, Tay?" nakangiting tanong ko. "Alam niyo na po pala, Ma'am,"  aniya na napayuko  pa na tila hiyang-hiya. "Bakit naman po kasi hindi niyo sinabi agad, Tay. Sana po nakapagpa-parlor pa kayo para gwapong-gwapo kayo bukas," nakangiting sabi ko.  Napakamot siya sa ulo. "Naku, Ma'am, gastos lang po, 'yon," nangingiti pang sabi niya. Natawa na lang din ako. Noon pa man kasi hindi na siya mahilig sa ganoon. Kahit pa nga ilibre ko siya ay tinatanggihan niya noon. Inabutan ko siya ng sobre para panggastos sa panghanda at regalo na rin sa anak niya atsaka ko siya pinauwi. Tuwang-tuwa si Tatay. Hindi lang dahil sa perang inabot ko, kung hindi dahil sa pagkakataong ibinigay ko sa kanya na makasama niya ang anak niya sa importanteng araw na 'yon. Hindi ko maiwasang mainggit sa anak ni Tatay nang makita ko ang laki nang pagkakangiti niya nang payagan ko siya. Ang ngiti na iyon...priceless... at hindi matutumbasan ng kahit na ano. "Hindi ba nauubos ang pera mo sa ginagawa mong 'yan?" tanong ni Jared na bigla na lang sumulpot mula sa likuran ko. Katatalikod lang halos noon ni Tatay Kanor. "Maliit na bagay lang 'yon. Kumpara sa pagmamahal na ibinigay nila sa amin ni Papa," hindi lumilingong sagot ko. "Paano kung abusuhin nila ang kabaitan mo?" tanong niya na noo'y naupo na sa katapat ng upuan ko. Ngumiti  ako atsaka umiling. "Kung aabusuhin nila ako, dapat noon pa. Bata palang ako sila na ang kasa-kasama ko sa bahay. Mga anak nga nila halos ang kalaro ko noon." wala sa loob na kwento ko. Napangisi naman si Jared. "Writer ka ba?" tanong niya. Napakunot ang noo ko. Obviously, iniisip na naman niyang naghahabi lang ako ng kwento. Napailing na lang ako atsaka ako tumanaw sa malayo. Muling humirit si Jared. "Tigilan mo na 'yang pagpapakitang gilas mo sa akin. Pati na 'yang pagbabait-baitan mo, dahil hindi ako naniniwala. Sigurado ako kinasabwat mo sila para rito. Hindi naman ako naniniwala na bibigyan mo ng ganoong kalaking halaga si Lisa," natatawa pang sabi niya. Napatiimbagang ako. Sobra na kasi ang panunuya niya sa akin. Ang giliw niya kanina habang kaharap ang mga ito pero lahat pala iyon bahagi lang ng pag-arte niya.  Napakuyom ang  kamay ko. "Iyan ba ang ganti mo sa akin dahil na-trap kita sa sitwasyong  'to? Ang araw-araw na tuyain ako?" matalim ang tinging ipinukol ko sa kanya. "Oo, at hindi ako mapapagod na iparamdam sa'yo ang galit ko," aniya na bahagya pang inilapit ang mukha sa akin. Tila unti-unti na rin akong nasasanay sa pangha-harass niya sa akin kaya hindi na ako natinag nang ilapit niya ang mukha niya sa akin. Nginitian ko lang siya atsaka ko pinisil ang baba niya gaya nang ginagawa niya sa akin. Kitang-kita ko ang pamumula ng mukha niya na halatang naapektuhan sa ginawa ko. "Oh, ano ka ngayon?"   Kumunot ang noo niya at akmang hahalikan ako nang bigla naming marinig ang boses ni Papa. "Maghanda kayong dalawa, may party tayo mamayang gabi." Kapwa kami napalingon kay Papa na noo'y nagpatuloy na sa paglalakad papunta sa kwarto niya. Hindi na ako nagtanong  kung para saan 'yung party na 'yon, sanay na kasi akong um-attend ng pa-party sa company. Hindi na rin naman sinabi ni Papa ang iba pang detalye kaya kampante ako na isa lang din iyong karaniwang salo-salo na dinadaluhan ko noon. "Para saan 'yung party?" tanong sa akin ni Jared nang makalayo si Papa. Nagkibit-balikat lang ako. Wala naman talaga kasi akong ideya kung para saan ang party na sinasabi ni Papa.   Pagdating namin sa hotel na sinabi ni Papa, nagulat kami nang may sumalubong sa amin. Dinala kami ni Jared sa isang VIP room na pina-reserve raw ni Papa para sa amin. At sa loob ng room na iyon nandoon ang damit na susuotin daw naming dalawa. Lalo pang napakunot ang noo ni Jared. "What's this?" tanong niya sa akin.  Pero napailing lang ako. Hindi ko kasi talaga alam kung bakit kailangan pa naming magsuot ng magarang damit sa okasyon na iyon.  Pansin ko ang mga nakaw na tingin ni Jared habang inaayusan ako. At hindi sa pagyayabang, alam kong nabighani siya sa akin sa mga sandaling iyon. Inilugay kasi noon ang buhok ko na lampas balikat. Bihira kong gawin 'yon dahil ayokong mapansin ako ng mga lalaki noon. Palagi lang nakapusod ang buhok ko gaya ng pang karaniwang babae. Bumagay sa akin ang pulang damit na ipinahanda ni Papa, mas lalo kasing tumingkad ang kaputian ko. Sa gilid ng mga mata ko, nakikita kong nakatingin sa akin si Jared. Mukhang naakit na sa akin ang loko. Sa mga sandaling iyon nagkaka-ideya na ako kung ano ba talaga ang mayroon nang gabing iyon. Pero ayoko pang ipaalam kay Jared hanggat hindi ako nakakasiguro. Baka kasi bigla na lang toyoin ang loko. Napansin ko kasing medyo relax na siya habang pinapanood ako. Hindi bumibitiw si Jared sa akin noon na tila isang butihing asawa. Napakahusay niya talagang umarte sa harap ng maraming tao. Kinainggitan tuloy ako ng ilang kababaihan na naroon. Ang swerte ko raw dahil nakapangasawa ako ng katulad ni Jared, na gwapo na, mapagmahal pa. Kung malalaman lang nila ang tagong kasutilan ni Jared, malamang kabaligtaran ang sabihin nila sa akin. Hindi na ako komportable noon sa pagkakahawak ni Jared sa baywang ko habang umiinom kami ng wine. Masyado na kasi siyang nakadikit sa akin. Pero kahit anong bulong ko na bitiwan na niya ako, hindi pa rin siya bumibitaw sa akin. Tila nasisiyahan kasi siya sa thought, na asawa niya ang nag-iisang anak ni Don Armando Chua, ang kilalang business tycoon. Puros papuri kasi ang natatanggap niya nang gabing iyon. Maya maya pa narinig namin ang pagtunog ng mikropono, hudyat na magsisimula na ang party. Kaya ibinaling namin ang paningin sa platform kung saan nakatayo ang baklang host. "Good evening, Beautiful Ladies and Handsome Gentlemen. Tonight we are going to welcome our newly wed, Mr. Jared dela Vega and his Beautiful Wife, Mrs. Jade Chua. Let's give them a warm of applause."  Nanlalaki ang mga matang nagkatinginan kaming dalawa ni Jared habang umuugong ang palakpakan. "N*lintikan na," narinig kong sambit ni Jared.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD