1
“Catliah!”
Pucha! Ang sarap-sarap sanang kumain habang malakas ang volume ng tv. Ayaw ko kasing marinig iyong parang pusang daing ng kasama niyang babae. Catliah naman ang pangalan ko, tunog pusa... pero hindi ganoong halos manginig ang buong bahay sa lakas ng hiyaw.
“Ano na naman?!” Padabog na inakyat ko ito.
Ngiting hilaw ang binungad nito sa akin habang nakasilip ang kalahati ng katawan mula sa pintuan.
“Bili mo’ko ng condom, please? XL...” nagpapacute na abot nito sa sariling wallet.
Binato ko nga ng couch pillow bago inis na hinablot ang wallet nito. Mabuti na lang paglabas e nasa harap kaagad ang isang convenience store.
Ngumingiwing inabot ng nakatukang kahera ang isang pack ng condom. Lagi namang ganito ang reaksyon nito kapag bumibili ako sa kanila.
“Grabi naman kayo Ma’am, talagang walang pahinga?” Simangot na habol pa nito.
Napangiwi rin ako at umiiling na lumabas. Bumungad kaagad ang maalinsangang panahon. Ang init-init pero iyong dalawa nagpapainit naman sa itaas! Sana nga lang parehong masunog.
“Akin na,” turo ko sa couch pillow na nasa paanan ng pintuan.
Ngumingisi siyang binato yon nang marahan sa akin. Simangot na binato ko rin iyong wallet at condom na pinabili niya sa akin. Bumaba kaagad ako kasi nakakatakot tumambay sa itaas, mas malakas ang halinghing doon... kaso pesti naman oh!
“Ay hihihi... ahhyy! Hihihi... ang saraaappp...”
“Travis!!! Please lang pakihinaan niyo!!” Highblood na highblood na sigaw ko.
Simangot na sinusubo ko ang pagkain. Hindi ako nagsasalita habang naglalampungan ang dalawa sa mismong harapan ko. Parang kinulang yata sa oras kaya nandito at talagang kung makalingkis ‘tong babae niya eh kulang na lang magpalit ng mukha.
Ginawang motel ang bahay!
Siguro nakakapagpahinga lang ako kapag weekdays at kung nandito ang mga magulang namin. Pero kapag nasosolo namin ang bahay, walang araw na hindi nababakante ang silid niya. Doon niya dinadala lahat ng mga naging babae niya para lang bombahin! Grabing mahilig ‘to... sarap kurutin pati itlog.
“Goodbye Travis... next time ulit ah?”
Girl! Wala ng next time para sa’yo. Parang damit lang yan kung magpalit ng babae. Kaya wag ka ng umasa.
Pero syempre hindi ko na sasabihin dahil busy ako sa panonood ng One Piece Anime. Ipinagluto ko ng meryenda ang sarili kanina kaya ito ang pinapapak ko habang tutok na tutok sa telebisyon.
Naalibadbaran lang ako noong tumabi siya sa akin at dumukot din ng pagkain. Dali-dali kong iniwas at hinuhusgahang tinitigan ko ang ginamit nitong kamay. Bago mariin na tinitigan ang mukha niyang mukhang nakajackpot kasi ang lapad ng ngisi.
“Saan mo ginamit yan?” Tanong ko,
Binuklat niya ang palad at nagtatakang tumitig doon. Kaso dahil alam ko namang hindi siya kasing inosente ng pinapakita niya ngayon ay pinalo ko ang kamay niya.
“Ipinanghilod mo iyan sa katawan ng babae mo kaya bawal kang makikain. Magluto ka ng sa’yo.”
“What?” Halakhak nito.
Inirapan ko pa lalo at tinabi sa akin ang pagkain.
“Pahingi nga,” pilit na abot niya. Mas lalo kong iniwas.
“Sabi ng magluto ka ng para sa’yo...” sinipa ko ito sa binti.
Tawa-tawa naman siyang umiwas at gumilid para hindi ko maabot.
“Saka magdamit ka na rin, please lang...” paalala ko.
Mas lalo itong natawa at tumayo bago umakyat. Hinayaan ko na lang at hindi nagpatinag kaso noong naamoy ko ang bango ng niluluto niya. Parang... parang mas gusto ko yata yon.
“Palit tayo...” bungad ko dito nang silipin ko sa Kusina.
Mas lalo siyang natawa at naghanda ng dalawang mangkok. Isa sa akin at isa sa kanya. Tapos sabay na naman kaming nanood. Tahimik lang ako kasi nasa labanan na part na, saka ayaw ko ring magpaistorbo.
“Are you done with your plates? Do you still need my help?” Bulong nito.
Magbibingi-bingihan sana ako eh kaso para talaga akong nabingi nang narinig iyong term na plates.
“Oh shoot! Hindi pa! Patulong please...”
“Sure!”
Kaya buong gabi akong gising na gising. Hindi na ako nagtaka kung kinabukasan ay panay ang hikab ko habang nakasakay sa sasakyan ni Travis at yakap nang mahigpit ang Canister. Pinagpuyutan ko ‘to kahit si Travis naman ang halos gumawa.
Pagkababa ay papikit-pikit pa ang mga mata ko at nagulat na dinamba ako ni Dastine, muntik pa kaming nagpagulong-gulong sa damuhan.
“Kinulang ka sa kape, libre ko na...”
Tumango na lang ako habang nakasunod sa kanya. Doon na rin namin nadatnan sina Lala at Purple... tulad ko e ginagapang namin ang pag-aaral. First year pa nga lang parang pasan na namin ang buong mundo... ginusto namin ‘to kaya paninindigan. Saka parang nakakatamad na rin magshift ng course. Gusto ko na lang gumraduate at mawala sa landas ni Travis. Purgang-purga na ako sa pangbabae niya...
“Kumusta naman ang married life, Cat?” Nanunuksong tanong ni Purple habang sumisimsim ng kape.
Sinamaan ko ito ng titig, mas lalong naningkit tuloy ang mga mata kong parang sa pusa nga raw. Kaya siguro yon ang ipinangalan sa akin ni Mommy kasi mukha talaga akong kuting. Kaya siguro kuting din ang tawag sa’kin nina Mommy at Daddy... baka kasi doon ako pinaglihi ni Mommy kaya ganoon?
“Kalbaryo! Mahilig sa babae... this week nga e nakatatlong babaeng naiuwi sa bahay. Sana nga lang magkasakit...”
Nabilaukan si Lala at tatawa-tawang sumenyas malapit sa counter. Namilog tuloy ang mga mata ko at napatalikod sa hiya. Mabuti na lang talaga malayo kaya siguradong hindi naman narinig ni Sir Gab iyon... I wish lang talaga.
“Tiklop ka kaagad eh... crush na crush mo talaga iyang gurang na iyan no? Bakit Cat? Mahilig ka ba sa exotic? Ang pangit niyan ah...” mapanglait na dagdag ni Dastine.
Ngumiwi ako at hindi na nagdahilan. Naiintindihan ko kung bakit taliwas sila sa ideyang nagkacrush ako sa isang Prof na totoong hindi naman gwapo. I mean, hindi rin average looking, talagang exotic ito. Malapad ang ilong, maitim at marami sigurong tigyawat noong kabataan niya kaya baku-bako ang pisngi. Kaso ang gwapo kasi ng tindig ni Sir Gab... lakas maka-Lee Min Ho...
Nabilaukan ulit si Lala at tinuro na naman ang labas ng cafe. Kanina pa ito, ewan ko kung hindi pa napupurga sa kakabilaukan.
“Tss,” irap ko at binaliwala ang nakitang view. Malayo ‘to sa pinagtatrabahuan niya at may kasama siyang babae... mukhang katrabaho. Kaya nagtataka ako kung bakit dito pa?
Minsan nagtataka ako kung bakit napakaseryoso niya pagdating sa mga babae niya ngunit pagdating sa akin para lang siyang nakikipaglaro. O baka dahil lagi kong binabara kaya ganoon?
“Dapat mga ganoong mukha ang magustuhan mo Cat! Wag yong mukhang parang ilang beses nang nalaglagan ng Durian.” Halakhak ni Purple.
Sumimangot ako at uminom ulit ng Kape. Nawala ang antok ko at nagrereview na lang para sa long quiz mamaya. Kailangan ko talagang gumapang dahil napakalaking pagkakataon nito na makalaya ako sa kasal na yon.
Atleast, masasabi kong kaya ko... at hindi ko kailangan ng tulong ni Travis.
“Maling sukat ang ginawa mo Cat... kaya ka bumagsak...” sabi nito pagkatapos na pinareview ko sa kanya ang kuha ko sa isang subject. Lumong-lumo ako dahil pinagpuyatan ko ang mga isinagot ko riyan. Bagsak din pala sa huli.
“Kailangan kong magreview ulit,” sabi ko habang nililigpit ang mga papel.
Hinawakan niya ako sa palapulsuhan at sinabing siya na raw ang bahalang magturo sa akin. Ayaw ko nga sana kaso no’ng huli halos tumama ang lahat ng sagot ko kaya naigapang ko ang ilang unit. Magaling kasi talaga itong magturo, may presentation pa na sabi nga niya ay drafts sa ilang projects na natapos niya.
“Nakikinig ka ba Cat?” Bulong nito,
Napadilat ako at dali-daling humigop ng kape, kaso...
“Aw!!” Napaso ako!
“Naku kang bata ka... bakit ka ba natataranta? Patingin nga.” Pinisil pa nito ang baba ko at pilit na inaaninag ang paso sa dila.
“I’m fine!” Tulak ko sa kanya.
“Yeah, you’re fine. Baba lang ako...”
Kumibit ako at pilit na iniintindi ang sulat nitong stroke talaga ng isang engineer. Maliliit pero maayos at malinis. Pointed ballpen yata ang ginamit kaya ganoon at parang hinulmang pantay-pantay.
“Let me see...” pisil ulit nito sa baba ko kaya napilitan akong ngumanga... may nilagay lang siyang ointment, pampawala raw ng hapdi. Nakakadiri nga kasi malagkit ang laway ko ngayon at parang sinulid na sumama sa daliri niya noong tapos na. Mabuti na lang malapit lang din ang bathroom nito kaya doon siya naghugas. Tapos bumalik na kami at nagreview. Antok na antok na ako pero pinilit kong dumilat. Kailangan kong maintindihan iyon kung ayaw kung bumagsak ngayon.
“There you go, I’m sure you’ll be fine and ready for exams.” Tapik niya sa balikat ko.
Tumango ako at dumukdok para makatulog na. Unang pikit pa lang ay bagsak na bagsak na ako. At di na ako nagulat kung kinabukasan ay nakahiga na ako sa malambot na kama. Baka nilipat niya ako kagabi kaya nandito na ako... baka nga. Madalas din naman niyang ginagawa iyon kapag nakakatulog ako dahil sa sobrang antok at pagod.
Naghilamos at naglinis lang ako sandali ng p***y dahil talagang yon naman ang routine ko. Ayaw ko kasing napapanghian iyon lalo na pagkatapos na umihi.
At pagkababa nakita ko na naman si Travis, may kalampungan na ibang babae. Diring-diri ako habang nakikita iyong pagbuka ng labi niya para lang mahalikan iyong babae. Nasusuka akong ganoon kaagad ang bungad, umagang-umaga.
“T-trav...” mahinang ungol noong babae.
Ngumiwi na nga lang ako at dali-dali pumasok ng kusina. Tinulungan ko ang sariling maghanda para sa almusal kahit dinig ko iyong daing ng babae. Mas mahinhin ‘tong ngayon kesa sa mga lumipas.
Hindi ako lumabas, pansin ko kasing biglang parang may nag-iba sa sala. Takot din akong manilip. The last time I remembered, muntik ko nang masumpa ang bahay na ‘to kasi kitang-kita ko kung paanong nangintab iyong long stick ni Travis. Tapos kitang-kita ko rin iyong pwet ng babae. Pucha! Nasusuka ako kapag naaalala iyon.
“Can we join?” Tapos na yata ang dalawa at pangiti-ngiting nakatitig sa mga inihanda ko.
Mabuti at patapos na ako kaya hindi nakakainis na kailangan ko nang tumayo roon at umalis. Hindi ko kayang pakisamahan ‘to, mandidiri lang ako.
Maaga akong nakaalis ng bahay, gusto pa nga sana akong ihatid ni Travis kaso inirapan ko ito at tinuro ang babae nitong nakasuot ng long sleeve na I’m sure isa sa mga damit niya. Prenting nakaupo ito sa harap ng tv habang nilalantakan ang itinabi kong chips no’ng isang araw. Baka binigay ni Travis kaya siya ang nanginginabang ngayon.
“Text mo’ko kung pauwi ka na. Susunduin kita,”
Syempre hindi ko ginawa, nag-Arcade muna kaming magkakaibigan. Naglaro hanggang sa parang pasara na ang Mall. Pagkalabas ay madami namang sasakyan kaya nagbook na lang ako ng Angkas at naghintay pa ng ilang minuto bago nakaalis.
Kaya lang, bigla akong natakot na makitang nakapamaywang si Travis doon sa labas ng bahay at nanlilisik ang mga matang nakatitig sa akin.
“I told you to call or text me, Catliah!!”
Hiyang-hiya ako nang nahagip ng mga mata ko iyong napadaang nagske-skateboard na kaedaran ko lang yata. Nakakahiya na masigawan dito sa labas at pinagtitinginan.
“P-pwedeng sa loob na lang, K-Kuya Travis?” Hinigit ko ang braso nitong naninigas sa sobrang galit. Kulang na lang sakalin ako nito. Alam kong galit siya, hindi ako nakapagpaalam. Sinadya ko man o hindi, dapat nagtext ako sa kanyang magagabihan. Hindi ito sanay na hindi ako nagpapaalam kaya pinapagalitan ako ngayon.
“You’re still underage, Cat... sinabihan na kita noon na wag matigas ang ulo. Inulit mo na naman...” bulong ng bulong ito habang papasok kami.
Nakagat ko tuloy ang pang-ibabang labi. Oo nga underage, ikinasal sa ibang relihiyon at sumaktong tumigil na ang K-12 kaya nasa kolehiyo kahit hindi pa nag-18.
“Sorry Kuya...”
“Ganyan ka naman, kapag alam mong mali ka, doon ka lang rumerespeto... gusto mo yatang isumbong kita sa Mommy at Daddy mo. Para naman hindi lang ako ang nagagalit.”
“Sorry na nga eh...” ngiwi ko at hinila ang dulo ng t-shirt nito.
“Anong sorry? Dapa! Papaluin kita...” halakhak nito.
Siya tuloy ang napalo ko. Hindi ko gusto ang ideya nito. Parang ang pangit naman yata...