“Masarap naman,” tatango-tangong sabi ko kay Lito.
Kakatapos lang naming kumain ng pananghalian, we both decided to try this famous ‘merienda’ restaurant. Sabi ni Lito masarap daw ‘to pero dahil hindi ako gaanong fan ng matamis ay hindi ko sobrang nagustuhan. Kinain ko pa rin dahil libre ni Lito, saka nagmamadali rin ako dahil may hinahabol kaming oras para sa isang palabas sa sinehan.
Pagkatapos ay bumalik kami sa harapan ng sinehan at bumili na rin si Lito ng popcorn at softdrinks. Hinawakan niya ulit ang kamay ko kaya hinigpitan ko. Maganda naman ang palabas, nakakaantok lang. Mukhang natutuwa ang kasama ko habang nakatutok doon, okay din naman pero hindi ko gaanong naenjoy.
“Nagustuhan mo ba?” Bulong nito.
Kahit hindi ay tumango ako, natuwa yata dahil sa mga simpleng sagot ko at pagkalabas ay kumain ulit kami. Buong hapon akong busog na busog at buong hapon din mainit ang puso ko. Buong araw na hindi binitawan ni Lito itong kamay ko. Pakiramdam ko ayaw niya akong mawala kay napaflattered ako sa mga simpleng ganito niya.
“Thank you so much, Cat. Sana bago ang pasukan ay maulit ulit ‘to.” Ngiti nito.
Tumango ako at niyakap siya nang mahigpit. Nagulat yata kasi alangan pa no’ng una ngunit sa huli ay gumanti rin ito. Tapos hinalikan pa ako sa labi na ikinagulat ko. Pero dahil nakangiti siya ay binaliwala ko na lang. Naghiwalay na lang kami do’n malapit sa sakayan.
Magbobook na sana ako ng masasakyan kaya lang nagulat akong pumarada sa harap ko itong sasakyan ni Travis. Alam kong kanya dahil araw-araw akong sundo niyan noon.
“Cat,” silip nito mula sa loob.
Tumango ako at pumasok. Tinitigan ko ang mga naiwan mula sa kinain namin kanina ni Lito. May isang hindi ko naubos kaya inabot ko sa kanya. Kaso mabilis itong umiling at inabante ang sasakyan.
Bumuntong hininga ako at nilapag sa dashboard ang walang bawas na inumin. Doon lang ako nakaramdam ng sobrang pagod sa buong araw. Puro lakad at kain ang ginawa namin buong araw, maliban sa sine. Kaya ngayon na nakaupo na ako at hinehele nang mabagal na byahe ay doon ko naramdaman lahat.
“How’s the date, Cat?” Basag nito sa katahimikan.
“H-huh?” Nag-aalalang baling ko dito. Hindi ko naalalang may sinabi akong date yon. Pero para matanong niya ngayon?
“Yong date niyo, kumusta?” Lunok nito.
Pinamulahan ako, hindi ko inasahang malalaman niya. Dapat nga sekreto lang kasi mali, pero sa tingin ko ay wala na akong takas ngayon.
“S-sorry, I had to lie.”
“Okay lang... I don’t mind Catliah but you should have dated someone your age.”
Alam niya! At ngayon ay tinutulak naman ako sa kaedaran ko raw. Mukhang okay lang sa kanyang makipagdate ako kahit kanino.
Disappointed ako sa reaksyon nito...
Ngayon ko naiintindihan, na kasal lang kami sa papel. Kung nangyari man yon noon, yong hindi dapat... out of frustration lang siguro.
“Okay naman si Lito, he’s a gentleman.”
Tumikhim ito, “Mas matanda sa’yo Cat... you’re still a minor.” Paalala nito.
Naitikom ko nang mariin ang labi. Ayaw kong magdahilan o kung ano... dahil doon pa lang alam kong wala na akong laban. Bakit kasi ipinanganak akong huli na? Gusto kong magmadali, gusto kong umabot sa kaya ko na ang sarili. Dahil alam ko ngayon, napakaimposible pa noon.
Buong durasyon ng byahe ay walang nagsasalita. Wala na rin naman akong sasabihin pa, tinapos nito sa katotohanan na isa akong menor de edad. Ang bata-bata ko pa raw, hindi nga dapat kasal ako ngayon. Dapat nasa school, dapat nakikipagdate muna, dapat wala pa sa mundo ng kamunduhan.
Pero putik! Kaya nga ako nafufrustrate dahil sa kanya.
And I want out...
Pagkarating sa bahay at nauna akong bumaba, pumasok ako sa loob at binuksan ang gate. Nakita ko siyang nakatayo sa labas ng sariling sasakyan, I can sense na gusto nitong siya ang magbukas. Pero dahil inunahan ko ay wala ring nagawa kundi pumasok ulit sa sariling sasakyan para matapos na.
Iniwan ko siya roon, nagmamadali na rin naman ako at lalong nag-init ang ulo ko nang naamoy ang pabangong pambabae.
Ang sama-sama nang pakiramdam ko. Parang naulit na naman, parang yon pa rin. Parang walang pagbabago kay Travis.
Sabagay, bakit kailangan niyang magbago? Sakit niya na yan!
Naghubad na kaagad ako at naligo, nanlalagkit ako kahit na buong araw na nasa loob lang naman kami ng mall. Ganito naman talaga ako e, tuwing napapatagal sa labas pakiramdam ko e ang dumi-dumi ko na. Lagi kong nakakasanayang maligo pagkatapos ng buong araw. At kahit dito sa bahay, naliligo pa rin ako.
“Cat?” Napatalon ako sa gulat. Kaagad na napabaling ang mga mata ko roon sa pintuan.
Muntik pa akong nadulas sa kakamadali. Sinigurado kong nakalock ang pintuan bago sumagot.
“A-ah, wala... naiwan mo lang yon wallet saka inumin mo. Iwan ko na lang dito.”
“S-sige, salamat.”
Pagkabalik sa ilalim ng shower ay nagmamadali na ako. Ilang minuto lang ay tapos na ako, doon ko rin napansin na nilapag niya sa study table ko ang sinabing naiwan ko raw kanina.
Nagbihis lang ako, nagblowdry sandali. Pagkatapos ay nilabasan ko si Travis na naghahanda para sa uulamin ngayong gabi. Kaya lang obvious na hindi nito alam kung anong gagawin sa mga nilabas na.
Tumabi ako at tinitigan ang mga inayos niya. Ramdam ko ang pagkailang niya sa pagpwesto ko rito. Siguro nahihiya o ano.
“Anong lulutuin mo?” Iginilid ko ang ulo para makita kung anong magiging reaksyon niya.
Kaso parang ilang na ilang itong ngumiti sa’kin. Napakamot batok pa, doon ko naisip na hindi ito sigurado sa iluluto. Kaya umayos ako ng tayo at tiningna isa-isa ang loob ng bowl.
Inutusan ko siyang magpakulo ng tubig, dapat mainit na mainit. Para mamaya pwede ko na lang isalang ang karne kasama ng patatas.
Alas sais nang nag-umpisa kami at natapos ng alas 7:30... pagod ako at gutom na gutom habang tinitingnan ang umuusok na pot. Amoy ko na kaagad ang aroma at pakiramdam ko natatakam na rin si Travis. Kaya di na ako nagulat kung nag-uunahan kami.
Natawa ito, napangiti na lang ako at kumuha ng kanin bago naupo sa itaas ng highchair. Parang paborito ko na ang maupo rito at dito kumain kesa sa mismong dining. Mas naeenjoy ko kasi ang pagkain, kaya di na nakakagulat.
Tahimik akong sumusubo, wala naman kasi akong sasabihin kay Travis. Mas mabuting ganito para maenjoy ko ang pagkain. Saka isa pa, wala talaga akong sasabihin kay Travis. Pero mukhang iba ang plano ng isa...
“Malapit na naman ang enrollment niyo, samahan kita... Cat?” Basag nito sa katahimikan at sa konsentrasyon ko habang kumakain.
“Okay lang naman Kuya kung busy kayo, kaya ko naman eh.” Sagot ko.
Tipid ang ngiti nito nang lingunin ko. Pansin ko ang pagiging tahimik niya ulit, para bang napipilan siya kaya nagtataka ako kung bakit naging gano’n. Hindi ko napigilang maging kuryuso, at sinagot niya ako ng...
“Ngayon mo lang ako sunod-sunod na tinawag na Kuya, Cat... naninibago ako.” Mahinang bulong nito.
Natigilan ako sa pagsubo, paano ko idadahilan? Kasi yon naman ang dapat? Pero alam ko sa sarili kung bakit, ayaw ko lang aminin dahil... ayaw kong maging lugmok.
“D-dapat naman di’ba?” Kunot ang noong sagot ko dito.
Ngumiti ito, ewan ko pero pansin ko ang lungkot sa mga mata niya. O nag-aassume lang ako kaya ganoon ang nakikita? Kaya ka ganyan Catliah kasi inaassume mo, kahit alam mo at kilala mo si Travis. Kaya ka ganyan, kaya na nagkakaganyan...
“Wag mo sanang masamain, Kuya... I’d been rude to you. I want to change.”
Itinuloy ko ang pagkain, hindi ko hinintay kung anuman ang magiging sagot nito.
Tahimik ulit at parang nagkailangan kaya walang nagsasalita. Natapos na lahat, walang nagsasalita. Kahit noong nanonood na siya ng paborito nitong basketball at ako na sumilip sa likod ng bahay, ay wala na ulit.
Pumasok na lang ako sa sariling silid at tiningnan kung may chat galing kay Lito. May tatlong tawag do’n na hindi ko nasagot... tapos limang chat.
Sinagot ko ang huling chat nito at sinabing nagluto pa kasi kami ni Travis at kumain kaya hindi kaagad ako nakasagot. Nakakaunawa naman ito, pero kasi... I want to talk to him.
Kaya ako ang tumawag at sinagot niya kaagad. Pansin kong nakahiga ito ngayon at mukhang namumungay ang mga mata, siguro pagod o kung ano... pero mukhang hindi naman dahil ang bibo magkuwento.
Tawang-tawa tuloy ako habang sinasabi niyang baka sa susunod pag-iinitan siya ng head teacher dahil sa favoritism, even that he didn’t mean anything. Gusto niya lang daw gawin ang trabaho.
“Hindi ako nagsasawang makausap ka, Cat...” sabi nito ilang minuto pagkatapos ng tawanan.
Ngumiti ako at umayos ng upo, gusto ko lang na titigan siya at kumalma. Pag kasi nasa labas ako, parang lagi akong kinakabahan kahit na hindi dapat.
“Let’s date this week?”
Tumango ako, wala naman akong gagawin noon. Malapit na ang enrollment pero sa pagitan ng mga araw na yon ay wala naman kaming gagawin kundi tumunganga. Mas gusto kong nasa labas ako at maranasan man lang ang makipagdate.
“Let’s sleep na Cat, baka magalit pa yang pinsan mo diyan.” Tawa nito.
Kinaumagahan maaga akong nagising at nilinis ang buong silid. Nagpalit ulit ako ng bedsheet at nilapag lahat sa labahin. Maglalaba ako dahil dumadami na, may lakad pa naman ako ngayong Linggo kaya kailangang dahan-dahan nang nalilinis ang lahat.
Bitbit ko ang mga labahin nang lumabas at nagulat uli na nando’n si Travis at nanonood ng palabas. Nagkatitigan pa kami nang lumingon siya sa’kin at mas lalo pa akong nagulat nang tumayo siya at kinuha sa’kin ang mabigat na buhat.
“Maglalaba ka ba ngayon?”
Obvious ba? Sa halip na mamilosopo ay tinanguan ko na lang ito.
“Tulungan na kita, Cat...”
“Okay lang Kuya... kaya ko.”
Natigilan ito at wari ko ay naoffend sa sinabi ko ngunit dahil totoong kaya ko naman ay pinilit ko pa rin. Kaso nakasunod pa rin sa’kin kahit na nandito na ako sa likod at inihahanda ang washing machine. Binubuhat niya kahit hindi ko inutos. Siya pa ang nagsalin nang nagsimula nang umikot ang tubig na may sabon.
Bumuntong hininga ako at inayos ang mga damit na isusunod ko mamaya. Kaso nakakainis, medyo nakakairita at nakakaubos pasensya na para siyang tuta na sunod ng sunod sa mga ginagawa ko. Na hindi niya naman ginagawa noon.
“Kuya...” tawag ko dito,
Tumigil ito sa pagbuhat ng natapos na higaan. Ililipat niya sa kabila para isampay na lang...
“Kaya ko,” sabi ko at yumuko.
Kaso bingi rin pala! Maliban sa ginawang pagsampay sa mabigat kong bedsheet e kinuha rin ang mga damit ko at isinalang. Nanghihinang napaupo na lang ako sa maliit na upuan at tinitigan ang ginagawa niya. Naninibago ako, dapat magustuhan ko ngunit parang nakakatamad.
“Aside from these, Cat... do you have anything else? Tapusin na natin,” seryosong saad nito.
Mabilis akong umiling at sinilip ang patapos ng unang batch ng mga damit. Kinuha ko yon at nilagay sa gilid para isampay sandali bago kunin mamayang hapon.
“Sinabi ko naman po, kaya ko...” nakasimangot na saad ko at kinuha ang mga pilit niyang isinasalang.
“I know Cat, kaya mo... But—“ bumuntong hininga ito, “— I still want to help you.”
Baliwala nito at kinuha pa ang ilang mga damit ko. Tumalikod ako at mabilis na kumurap-kurap... naiinis ako, at parang sasabog ang puso ko sa sobrang inis. Sana gano’n lang kadali na sabihing okay lang... pero hindi e.
Sa mga nangyari, sa pinaramdam niya sa’kin... do’n ko naisip na para akong nalulunod. At ayaw na ayaw ko sa gano’ng pakiramdam. Para bang napakadilim at walang handang sumalo sa’kin... walang Travis na sasalo sa’kin. Kasi totoo namang ang mga babae ay mahihina... halos mahihina. Isang pakita lang, nagiging depende na... para bang ang lalaki na lang ang nagiging lakas. Yon ang naramdaman ko kaya hindi ko kayang manatiling ganito.
Kasi noon, wala namang Travis. Kinaya ko naman kahit iritado ako sa pangbabae niya.
Ngayon, pakiramdam ko isang maling paasa pa... mahuhulog ako nang tuluyan.