7

2374 Words
-into sweet moments muna- ** Catliah ** Isang tapik lang sa pang-upo ko ay nanginginig na akong umalis doon. Kailangang kong maglinis ng katawan, kinakabahan ako sa nangyari. Langya, sarap na sarap ako kanina! Totoo ngang iba kapag ginawa sa aktwal. Tapos, iba rin si Travis. O dahil sa dami ng mga naging babae niya kaya siguradong sanay na? Akala ko nga e... Napailing ako sa iniisip at mabilis na nagpatuyo. Nagsuot lang ako ng ternong pyjama bago lumabas. Tumitig ako sa center table at nakitang malinis na iyon. Hinanap ko ang mga libro at nakitang nakalagay sa medyo mas mataas sa sofa na glass side table. Pinalitan ni Travis ng pagkain at tatlong boxes ng pizza ang sa gitna. Tapos ay tinawag niya ako, medyo nakakahiya nga pero dahil alam kong makapal naman ang mukha nito at alam kong wala lang sa kanya iyon e lumapit na ako. Tumabi ako at kumuha ng pizza, pakiramdam ko sobrang gutom na gutom ako ngayon. Mas nakakagutom. Tiningan ko si Travis na parang kaliligo lang din. Naninibago ako kasi parang mas mabango siya ngayon, lagi ko naman siyang naaamoy dati pero iba ngayon... nakakapanghina ang bango. “Kumain ka, pambawi ng lakas.” Bulong nito nang kinagat ang isang pizza. Nilipat niya sa basketball ang channel kaya napilitan akong sumandal sa upuan. Kumain talaga ako, iyong matinong kain kasi mas nakakadrain pala ‘to kumpara sa paggawa ng plates. “Are you okay? You won’t sleep?” Baling nito sa akin. Umiling ako at kumuha ng dinagdag nitong pagkain. Baka umorder kaninang nasa loob ako, kulang naman kasi ang pizza kung yon lang. Nakakagutom pa rin kahit maubos namin iyan, Tumayo ito kaya nagtatakang sumunod ang mga mata ko dito, dumaosdos ako at bahagyang nahiga sa sofa. Bumalik din naman siya kaagad at nag-abot ng can coke... iyong can na umuusok pa sa lamig. “Ahh shi’t! Ang lamig!” Nanginginig-nginig pa na reaksyon ko nang tinungga ang laman. Humalakhak ito at inayos ako para siguro hindi manakit ang leeg ko sa hindi maayos na pagkakahiga. “Ulitin mo nga, Cat? Nakakalibog,” “Oy! Tapos na ah, tama na yon.” Iling ko, Nagpipigil na naman ito ng tawa, e totoo naman. Tapos na, hindi naman pwedeng lagi akong mainit o siya. Dahil baka magiging akward sa’min lalo na at nasa iisang bahay lang kami. “Uwian natin si Mommy sa weekend,” bulong ko. Tumango ito at hinila ako para maihiga sa kandungan nito. Pigil na naman ang ngiti ko habang nakatutok sa telebisyon. E hindi ko rin naman naiintindihan dahil hindi ako mahilig sa basketball. Tahimik lang kami, walang nagsasalita. Pero ramdam ko si Travis na humahaplos-haplos sa braso ko o kaya ulo. Hinayaan ko na lang, baka ito ang comfort niya pagkatapos ng ginawa. Syempre, lalaki pa rin ito ano. Tinapik niya ako sa braso at sinabihang matulog na, alas dose na pala. Tumango ako at bumangon, kinuha ko lang iyong mga libro ko bago naglakad. Nilingon ko siya, tumango ito at muling nanood. Ni walang kiss? Ah? Naku, Catliah! Wag mong sanayin ang sarili mo. Iba ang relasyon niyong dalawa. Sa sobrang pagod at sa sarap nang ginawa niya kanina ay nakatulog kaagad ako. Kinabukasan maaga rin akong nagising at tumungo sa kusina para maghanda ng almusal para sa amin ni Travis. Maya’t maya ay lalabas din iyon at magdidilig sa likod ng bahay. Ganoon naman lagi, minsan siya pa ang nagba-vacuum. Hindi na rin lugi sa mga ginagawa dito lalo na at totoong siya ang nagsusustento sa pag-aaral ko at lahat ng pangangailangan. Nawalan na rin ako ng sustento mula sa mga magulang pagkatapos na maikasal. Tradition kasi yon ni Mommy, hindi naman siya purong Kristiyano kaya may paniniwalang ganoon. Maya’t maya nga ay talagang bumaba na si Travis, ngumiti lang ito bago tumungo sa likuran. Magdidilig pa iyan, maliban sa dilig para sa mga haliparot... at sa akin? Ay ewan, Tinapos ko lang ang pagluto bago bumalik sa kwarto. Mabilis akong naligo at nagpalit ng uniporme. Pagkalabas nga e tapos na rin pala si Travis, nakabottom down siya ngayon... pormal na pormal. Siguro may ilalakad na deal kaya ganyan. Minsan kasi kapag pumapasok ito sa trabaho ay nakapolo shirt lang at pantalon. “Ihahatid muna kita bago ako pumasok,” Tumango ako at nakihalo sa pagkain. Lagi niya naman akong hinahatid, lalo na at sundo. Parati rin siyang vocal kapag gustong gawin ang mga yon. Tinulungan niya ako sa paghuhugas kaya kumunot ang noo ko at tumitig sa kanya. Madudumihan at mababasa pa ‘to eh! Pwede namang ako na lang dahil sanay naman ako do’n. “Mabuti pa punasan mo na lang ‘to para matuyo kaagad,” tulak ko sa kanya sa gilid. Natawa lang ito at sumunod naman sa inutos. Ilang minuto lang nasa labas na kami at binabaybay ang matraffic na daan. Pakanta-kanta na nga lang ako kasi nakakabagot ang ganito, may mga araw namang maluwang pero syempre dahil syudad ay talagang palagian ‘to. “Cat, gusto mo bang magbakasyon?” Bulong nito, Speaking of! Naalala ko si Lala, oo nga pala gusto nilang isama kami sa bakasyon kasama iyong pinsan niyang laking US. At dahil nauna si Lala iyon ang gusto kong pag-usapan namin ni Travis. “Okay, why not.” Ngisi nito. Tumango ako at ibinaba ang mga mata para magchat sa gc naming magkakaibigan. Lahat ay napasabi ng ‘Yes!’ At kahit sina Dastine at Purple na hindi pa nakakapagpaalam ay gustong sumama na. Nagdrop down kaagad si Lala, iyong gustong puntahan ng pinsan niyang gusto yatang magpaitim. First choice ay Palawan, pero dahil pare-pareho kaming mga estudyante pa ay walang bumoto. Sumunod ay Boracay, kaso nakapunta na kami last year do’n. Last drop ay Siargao. Umoo na kaagad dahil gusto nga ng dalawang mag Foreigner hunting doon. Akala mo naman mga party goer. Sa pag-aaral pa nga lang kulang na kulang na ang oras. “Siargao daw, Trav. Okay lang?” “That’s fine with me, just inform me when. Para makapaghanda tayo.” Tumango ako at sinabing handa na kami. Drop down na lang sa exact date dahil syempre working adult si Travis ay kailangan pa ring mag-advance na magpaalam. Ilang minuto pa ay nasa eskwela na ako. Kinuha ko lang ang tote bag ko pati ilang libro. Nagkatitigan pa kami ni Travis, akala ko nga e hahalikan ako. Ngumiti lang at pinaalalahanan na naman akong wag kalimutan na etext siya mamaya. “Parang may nag-iba,” pagpaparinig ni Purple. Nagsitindigan ang mga balahibo ko nang sinabi niya iyon. Nilabas ko na lang ang libro at kunwaring nagbabasa kahit wala na namang exam. Make up lessons na lang ang gagawin namin sa loob ng dalawang Linggo, tapos bakasyon na kaagad. “Pansin mo Dast? May nag-iba di’ba? Parang mas lalong kuminang.” Mapang-asar na sabi nito at lumapit sa mukha ko pero ang pilyang ngiti ay na kay Dastine. Natawa tuloy si Lala at umiiling-iling na ginawang tubig ang biniling kape ni Dastine. “Oo nga! Siguro nakipagseks no?!” Demonyang tawa ni Dastine. Namimilog ang mga matang hinampas ko siya nitong libro. Saktong dumaan si Sir Gab at napalingon sa amin, akala ko nga e sasawayin kami pero ayon naglakad palayo. “Dumaan yong crush mo, Cat! Hindi ka kinilig! So I assumed, you had a steamy night with Kuya Travis!” “Hoy wala!” Asar na sinapak ko si Purple. Tawa lang ito ng tawa at hinihimas-himas ang braso. Napuno tuloy ako ng tukso. Mainit na ang pisngi kaya mas lalo akong naging tampulan. Pinipiga nila ako at pilit na pinapakuwento. Todo deny naman ako dahil ayaw kong sabihin na totoong nilawayan ako ni Travis. Grabi yon makahigop, parang uubusin pati kaluluwa ko e. Bumalik lang kami sa building nang tumunog ang orasan. Hindi kami sigurado kung may pasok sa susunod na subject, parang ini-indyan na nga kami ng mga prof namin dahil siguro tapos na ang exam. May iba namang pumapasok pa rin. Kinahapunan dahil wala naman kaming ganap na magkakaibigan ay umuwi na muna kami. Nagpapagood girl na rin sina Dastine at Purple para payagan daw sa Siargao. Siguro papayagan naman tulad last year. Ilang minuto lang ay dumating na ang sasakyan ni Travis, marami na namang pasalubong na nakalapag sa dashboard. Kumuha ako ng isang fries at pinapak iyon habang nagbabyahe. Nag-usap-usap lang kami ng kung ano-ano, o kaya minsan ay tungkol sa bahay. Parang goodvibes lang, siguro dahil sa nangyari? I think? Pakiramdam ko nga may nag-iba, Pero syempre given na talagang magloloosen up kaming dalawa dahil sa hindi normal na ginawa. Ganoon talaga, Excited akong umuwi, oo excited ako habang nakatitig sa maraming pagkaing nakasupot. Pakiramdam ko mapapagod na naman ako ngayong gabi... pakiramdam ko ipaparamdam na naman sa akin ni Travis iyong ginawa namin kahapon. Matic naman siguro iyon, Kaya lang nagulat ako noong tinulak niya ako at sinabing magbihis na bago maghanda ng hapunan. Napanguso tuloy ako at sinunod siya, lagkit na lagkit ako mula sa mainit na panahon kaya kailangan ko talaga iyon. Pagkatapos maligo ay nadatnan ko itong naglilinis ng bahay, mas lalo akong nawalan ng pag-asa. Kaya naghanda na lang ako ng uulamin para ngayong gabi. Pinag-uusapan na lang namin ang mangyayari sa Siargao. Naghahapunan kaming yon ang topic buong oras. Nakakapagtaka nga lang na pati sa paghugas ay tinutulungan ako nito. Naglinis nga siyang muli dito sa kusina, kunot na tuloy ang noo ko. Oo nga mahilig itong maglinis, pero hindi ganitong gabi na eh yan pa rin ang ginagawa. Inabutan ako nito ng pagkain at sinabing pumasok na ako sa sariling silid. Umangal ako! Wala akong gagawin dahil wala naman akong plates at kung anong assignment, kung ayaw nitong gawin namin ang kahapon ay syempre manonood na lang ako ng anime. “Please Catliah... get inside your room.” Bulong nito. “Bakit nga?! E wala akong tv do’n, manonood ako ng anime!” “May internet Cat, fast mbps yon siguradong mag-eenjoy ka kahit cellphone lang.” saway nito. Umirap ako at kumuha ng maiinom mula sa ref. Kaso natigilan din ako at masamang tinitigan siyang nilalatag ang mga pagkain sa island counter. May dalawang bote pa ng mamahaling inumin, tapos kumuha rin ito ng dalawang shot glass. Nagdududa ako, hindi ako maaaring magkamali. “Dadalhin mo ulit iyong mga babae mo dito?” Silip ko dito nang lumapit ako. Nanigas ito! Tama nga ako! Magdadala siya ng babae dito, o baka maraming babae? Sanay ako noon! Pero iba na ngayon! Ano yon? Titikman ako pero sa ibang babae magbababad? Ang sarap sakalin nito!! Alam ko naman e na walang feelings involve, I don’t feel anything special for him too. Pero syempre bilang respeto na lang, dapat wala na. Dapat cut off na sa ibang tao. “Mga barkada ko, Cat...” Naniningkit lalo ang mga mata ko, barkada raw? Hmp! Sure, Inagaw ko ang isang box ng pagkain doon sa gitna ng island counter bago niyakap ang mga dala at pumasok sa kwarto. Walang problema kung sakaling tumagal sila do’n, may cr naman ako sa loob kaya hindi ko kailangang lumabas. May standby din akong tubig dahil tinatamad ako lumalabas-labas at takot din dahil dito ako sa baba. Hindi ko marinig kung anong nangyayari. Pero bahala siya, barkada naman daw. Abala rin ako sa panonood ng anime. Mag-aalas onse na nang nakarinig ako ng katok. Tumayo ako at sinuot ang tsinelas bago sumilip. Kaso nagulat akong nandoon si Travis, medyo lasing na nga. Sumilip ako sa labas at totoong mga barkada niya iyon! Si Kuya Geoff, Kuya Allen, Kuya Harold at Ate Bingkay... may dalawang babae lang na nahalo sa grupo na hindi ko kilala. Parang mga haliparot and I’m sure hindi girlfriend ng isa man sa mga nabanggit ko. “K-kailangan mo ng foods?” Silip nito sa loob. Parang lutang, di ko alam kung nababaliw na ba ‘to o ano. Sinilip ko ngang muli ang likod at gusto sanang magpapansin sa mga kasama niya kaso diniin niya iyong dalawang palad sa magkabila kong pisngi bago hinalikan ng malambing itong labi ko. Dampi lang naman iyon pero natulala talaga ako. “Maglock ka ah? Wag mong bubuksan. Wag ka ring maninilip.” “Ha? Bakit?” Siya itong kumatok pagkatapos pagbabawalan ako? “Baka hindi mo magustuhan ang makikita.” Lasing na sabi nito. Kumunot tuloy ang noo ko, bakit? Ano ba yon? “Teka! Ano ba yon?” Umiiling itong bumulong kaya namimilog ang mga mata kong napasilip sa likod. “Ang baboy mo!!” Iritang sinara ko ang pintuan. Ano daw? Pagtutulungan nila iyong dalawang babae? Putik! Wag dito! “Hey,” tawag nito, padabog na hinampas ko sa gitna ng mesa itong hawak kong plato. Nabasag iyon. Wag niya akong kausapin dahil baka sa mukha niya maibasag ko itong hawak kong panibagong plato. “Catliah! Ano bang nangyayari sa’yo?!” Naputol din ang pagtitimpi nito. Sinamaan ko ito ng titig, tumulo ang luha ko sa sobrang galit! Ang baboy nito! Mukha pa lang nito parang ang sarap ng basagin. “Hey,” nagulat ito at lumapit sa akin. Nandidiring umiwas ako at umatras. Naikuyom niya ang kamay at nakatitig pa rin sa akin. “M-maaga ba silang nakauwi?” Nanginginig ang boses na tanong ko dito. “Ha? Pardon?” Nabibingi yata ito, o nagbibingi-bingihan? “Maaga ba silang umalis? Iyong mga babaeng binaboy niyo!” Iritableng sigaw ko dito. Litong-lito itong nakaawang ang labi. Parang ewan, may amats pa rin ba siya hanggang ngayon kaya ganyang ang reaksyon? “Calm down, Cat... ano bang pinagsasabi mo? Do I look like we had visitors last night?” Nilahad nito ang kamay sa buong paligid. Napakurap ako at lumingon-lingon. Sa sobrang linis ng bahay parang hindi nagamit kagabi. “Nakonsensya ako kaya hindi ko na pinatuloy ang mga kaibigan kagabi, I’m sure they would have brought whores with them. Respeto ko na lang sa’yo Cat...” Napabuga ako ng hangin, medyo nahiya... ano ba yon? Panaginip. “I think you’re mistaking your bad dreams into reality. Napapraning ka lang... halika nga dito,” hinila niya ako at ako naman dahil maliit e mabilis na nabunggo sa dibdib niya. “Grabi, ang bango-bango mo Cat... nakakainit.” Tawa nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD