19

2155 Words
Di ko maalala kung paano ako naiuwi. Hindi yata sa inumin ako nalasing kundi sa mga sinabi ni Travis. Hanggang ngayon nanunuot pa rin sa alaala ko ang mga sinabi nito. That sometimes gusto ko na lang magpatianod. Kaso alam ko kung anong kasalanan ang ginawa ko. At alam ko rin na hindi lang sa mga gano’ng pag-amin mababago ang lahat. May lamat na kasi at mahirap nang tibagin dahil ilang buwan ko ring binuo yon para maging malaya ako at maramdaman ko man lang na hindi lang sa isang mali matatapos ang buhay ko. Ang hirap kasi, na gusto kong ipaliwanag sa lahat pero ang mga taong mahahalaga sa akin ay ayaw naman akong pakinggan. Tulad ni Mommy na alam kong wala nang pakialam sa akin. May prinsipyo itong pinanghahawakan. At naniniwala rin siya sa isang beses na kasal... at higit sa lahat ay yong ideyang dapat na pure at malinis ang babae at natatangi lamang para sa asawang lalaki. Ito nga ang mahirap eh. Lumaki tayo sa ganitong environment, na sa tingin ng lahat once na nakipagtalik ka sa iba’t ibang lalaki ay isa ka ng maruming babae. Gusto ko mang baliin ang paniniwalang yon ay parang napakahirap. Lalo na kahit ako ay iniisip na gano’n din akong klasing babae. “Cat, sorry ha? Hindi ko sinasadya, I went overboard.” Sabi ni Purple. Tahimik lang akong binabasa ang context ng dala kong libro. Hindi ako makapag-isip ng matino lalo na at si Travis lang ang pumapasok sa isipan ko. Nawala na nga ang pagtatampo ko kay Purple no’ng isa pang araw kaya nagulat na humihingi ito ng tawad ngayon. Sino ba naman ako para hindi magpatawad? Nagsimula ulit ang mga normal na pamamalakad ko. Pumapasok ng maaga at umuuwi ng gabi, hindi dahil nauubos ang oras ko sa mga kaibigan kundi gusto ko lang iwasan si Mommy. Kahit nga hindi ako nakatitig sa kanya ramdam ko pa rin ang bigat ng trato nito sa akin. Galit pa rin siya. Hindi simpleng galit iyon... kundi galit na galit. Gusto ko sanang kausapin ito tungkol kay Dariah ngunit siguro dahil may agam-agam sa akin ay hindi ko maumpisahan. Hindi ko gusto ang pinaplano nito, ayaw ko sa ideyang mapapalitan ng kalayaan ang dapat ay para sa sariling kapatid. Naranasan ko na kasi iyon... naging tanga ako. Pagkatapos hanggang ngayon ay dala-dala ko pa rin ang kosensya dahil sa mga kagagawan ko noon. Binuklat ko ang isang pahina ng libro at hinanap ang kopya ng mga sinulat ko kanina. Kaso hindi ko mahagilap at kanina pa pabalik-balik ang mga mata ko sa loob ng campus. Baka kasi nalaglag o kaya’y naiwan ko sa desk dahil sa pagmamadali. Sayang pa naman yon at lahat ng pointers ay nandoon. Kailangan ko yon para sa exam at plates. Ngayon? Saan ako mangongopya? Siguradong wala noon sina Lala dahil sure na mangongopya rin ang mga yon sa ibang kablockmate. Paano na? Napakurap-kurap ako at nagdesisyon na pumihit. Baka nandoon lang yon, sigurado namang walang kukuha noon dahil may pangalan ko. Tsaka pagkakainteresan pa ba yon kung hindi naman maiintindihan? Bumuntong hininga ako at mahihina ang hakbang na pumasok sa building. Kaso natigilan ako nang narinig ang isang pamilyar na boses. “Opo, Ma’am. Mga sampung unit pwede na... tuwing hapon lang din naman ako makakapasok.” ** Trav ** I have to earn her trust again. Yon ang tumatak sa akin habang pinifill-up’an ang form ng enrollees. Nagdesisyon akong mag-aral ulit para lang makasama si Catliah. Hindi ko mahagilap ito ngayon, umasa akong matatagpuan ulit siya doon sa bar kaso nakailang balik na ako at kahit anino nito ay hindi ko mahanap. Ngayon, ito na yata ang pinakamalalang ginawa ko. Kumuha ako ng ilang unit at hindi totoong kailangan ko iyon para sa propesyon. Ang gusto ko ay makasama ulit si Catliah. Kahit sabihin pang ilang buwan din kaming walang contact sa isa’t isa. Miss na miss ko na siya. At walang araw na hindi ko sinisisi ang sarili. Ngayon ko napagtagpi-tagpi ang mga maling desisyon nito. Ako ang may puno’t dulo ng lahat kaya tama lang na ako ang sumalo sa lahat-lahat. “Salamat Mr. Agravante. Hanggang ilang buwan lang po ito.” Ngiti ng registrar. Tumango ako at naglakad sa kabilang window para magbayad sa ilang unit. Saka lang ako guminhawa nang natapos na ang lahat. Pwede ko na sigurong silipin si Cat... siguro nando’n pa iyon. Maaga pa naman kaya siguro nandito pa talaga yon. Pumihit ako at pinokus ang mga mata sa kabilang pasilyo. Kaso lang natigilan ako pagkakita kay Catliah na nakatulalang nakatitig dito. Biglang nag-init ang batok ko dahil sa reaksyon nito. Mas lalo siyang gumanda, naging matured na hindi ko inasahan. Mas tumingkad ang kaputian nito. O dahil sa bagong gupit at itim na itim na buhok? Ewan ko, basta ang laki ng ipinagbago niya. Hindi ko inasahan ito noong naulinigan ko siya sa Bar. Halos hindi ko makilala dahil sa dami ng binago nito sa sarili. Mas tumangkad at nagkalaman, hindi tulad noong nasa puder ko siya... payat at parang tinatamad. Siguro nga dahil hindi ko naman siya totoong inalagaan. Yon bang sana ay sa kanya na lang ako nagpokus kesa sa mga babae ko noon. Kahit anong pagsisisi ko alam kong hindi na magbabago pa iyon. Kaya ngayon kung gusto ko siyang ibalik sa’kin dapat gumapang muna ako bago makuha siyang muli. Alam kong mahihirapan ako dito, tanggap ko yon. Dahil ako naman talaga ang may kasalanan. “N-nag-enroll ka?” Tanong nito nang nakalapit na ako sa kanya. Namamalat ang lalamunan ko habang tulala sa nakaawang na labi nito. Hindi ko maiwasang pagnasaan pa rin ang mga labi niyang laging malambot tingnan at namumula. Siguro nga hulog na hulog na ako kay Cat kaya ganito na lang din kalalim ang nararamdaman ko sa tuwing naaalala siya. “Yeah, para sa propesyon.” Ngiti ko dito. Naitikom nito ang labi. Hindi yata natuwa sa sinabi ko kaya walang ngiting gumuhit dito. Napalunok na lang ako sa katangahan ng sagot. Parang laging mali. “Coffee tayo?” Nilakasan ko ang loob at niyaya siyang lumabas. “S-sorry, may gagawin pa kasi ako.” Iling nito at umatras. Napaawang ang labi ko at nagulat sa naging reaksyon nito. Hindi ko inasahang tatanggahin niya ako sa ganitong paraan. Alam ko naman na may mangyayaring ganito ngunit ang sarili ko mismo ang hindi nakapaghanda. “Sige, siguro some other time. Okay lang ba Cat?” Matagal itong nag-isip. Ewan ko at kumakabog ang puso ko sa sobrang kaba. Ganito pala ang pakiramdam na tinatanggihan ka ng taong mahalagang-mahalag sa’yo. Kumikirot at ngayon ko napagtanto na mahina pala talaga ako pagdating kay Cat. Kunting kibot at kunting iling lang mula rito ay nanlalambot ako sa sakit. Alam mo ba yon Cat? Tinatatagan ko na lang ang sarili para makuha lang siya ulit. Gustong-gusto ko si Cat... mahal na nga yata at hindi ko lang maamin. Tulad ng mga nagdaang buwan huli ko na natanto na hindi ko kaya mawala si Cat, nasanay akong inaalagaan siya at ngayon na hindi ko na abot ay parang may puwang sa puso ko at hinahanap-hanap siya palagi. “Titingan ko Trav... alam mo naman na 3rd year na ako at pahirapan na sa Engineering. I hope you’ll understand.” Napangiti na lang ako ng mapait. Halatang ayaw talaga nito. Maaari ko naman siyang tulungan sa mga plates at kung anong mga gusto nitong matutunan. Tulad lang ng dati. Kaso, siya mismo ang umiiwas. ** Catliah ** Gulat na gulat sina Purple habang nakatitig sa kabilang pila dito mismo sa loob ng Cafeteria. Hindi ko sinabing nagkita kami ni Travis, hindi sa ayaw ko... ayaw ko lang kasing magulo ang sistema ko at makalimutang hindi pwedeng matibag ang binuo kong pader sa ilang buwan na naging malaya ako. Hindi ako galit kay Travis, pinatawad ko na ang pambabae nito noon. Ang sa akin lang, gusto kong umahon at makalimutan na ang kinasadlakan ko noon. Kasi kahit sinabi ko nang pinatawad ko na ang sarili. Hindi pa rin maialis sa akin ang katotohanang binigay ko ang sarili sa ibang lalaki. Bangungot na sa akin iyon at habang buhay kong pagsisihan. “Anong ginagawa ni Kuya Travis dito?!” Lumapit ang mukha ni Purple sa akin. Nasa tapat ng labi niya ang nakatalikod na kutsara. Wala ng laman iyon at sinubo niya kanina habang tulala sa kabila. “Sabi, mag-aaral ulit.” Nalaglag ang panga ng mga kaibigan ko at tulala sa akin. Na hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang mga naging reaksyon nila. Klaro iyong sinabi ko at mag-aaral nga ulit si Travis. Bakit gulat na gulat sila? “H-hindi ba ikaw ang pinunta niyan dito?”akusa ni Lala. Napangiwi ako at mabilis na umiling. Bakit ako? Oo nga may mga sinabi si Travis na kami lang din ang nakakaalam pero imposible namang dahil sa akin. “Oo baka ikaw talaga,” ngisi ni Purple at ininguso ang gilid ko. Napaangat ang balikat ko sa gulat at kinilabutan nang nakitang nakaupo na sa tabi ko si Travis. Hindi ko matitigan ng matagal at tulala ako sa dala nitong tray. “Patabi ako, Cat...” bulong nito. Napabuntong-hininga naman ang mga kaibigan ko na nginitian ni Travis. Alangan pa ang ngiting balik ng mga kaibigan ko. Halatang naiilang sa katabi ko. “Busog ka na?” Bulong pa nito at nilagyan nang nakapack na sandwich ang malinis na parte ng dala kong tray. Napaawang ang labi at sumilip sa kanya. Ngumiti siya sa akin at yumuko para makakain na. Nanginginig ang daliri ko habang inaabot ang nilagay niya doon. Ibinalik ko sa kanya dahilan kung bakit natigilan siya sa pagsubo. “A-ah,” ilang na ilang na tawa nito, “Babalatan ko para sa’yo.” Suminghap ako at mabilis na umiling. Hindi yon! Totoong ibabalik ko sa kanya dahil busog na ako. At lalong ayaw kong tanggapin dahil galing sa kanya. “Please Cat? Kumain ka pa,” pagsusumamo nito. Hinugot ko ang natitirang tapang at dinutdot sa gilid ng tray niya ang sandwich. Tinanggap ko pero ibinalik ko rin sa kanya. “Cat?” Mahinang-mahina na tawag nito. Kinagat ko nang mariin ang pang-ibabang labi. Naluluha ako pero kailangan kong maging malakas. Wala nang balikan ‘to kahit umamin na siya doon sa Bar. Kapag kasi hinayaan ko pareho lang kaming masasaktan. Kilala ko ang sarili at hirap na hirap pa rin akong umahon. “Please Cat?” Ulit pa nito. Lumunok ako at pinaglaruan ang labi. Noon naman ako natigilan at natulala kay Sir Gab na biglang tumalim ang mga mata. Pinangilabutan ako sa klasi ng titig nito sa akin. Hindi lang sa akin kundi kay Travis... at doon ko na napagtanto ang lahat. Ang resemblance at pagkumpirma mula sa kanya mismo. “Hindi ko mapapatawad ang mga kagaya mong maruruming babae! Dahil sa’yo nakulong ang anak ko at sa tingin mo makakatakas ka sa ginawa mo? Na pati iyang lalaki mo na dinala mo pa mismo dito sa eskwelahan? Maganda ka lang iha... pero marumi ang budhi mo.” Mas lalo akong nalugmok. Hindi lang kay Travis ako may kasalanan at ganoon din kay Lito. Sana pala hinindian ko na lang iyon bago nangyari. Alam kong maiintindihan iyon ni Lito... ngayon, pakiramdam ko pasan-pasan ko ang problema. Na pakiramdam ko ang bigat-bigat na. Dahil sa katangahan ko ay maraming nadamay. Gagawin ko ang lahat para matapos na ‘to. Kahit maging lugmok ako at maging madumi sa mata ng ilan. That I can swallow my pride... at kahit maging plastik kay Travis. “Cat?” Tulalang bungad sa akin si Travis. At kahit maging marumi ulit... ngunit gulat na gulat si Travis habang dinadama ako sa ilalim. “C-cat? Anong ginawa ng Doctor sa’yo last time? Paano ka niya pinag-aralan? I saw the result... may pinasok ba sa’yo?” Kabadong-kabado na bulong nito. Ang bigat-bigat nang paghinga nito na pati ako ay kinakabahan na rin. Kaya kong tumihaya at hayaan ang sariling maging kabayaran ngunit sa reaksyon ni Travis ngayon parang magkakaproblema pa yata ako. “C-cat? Be honest with me, may nangyari ba talaga sa inyo ni Lito? Because, I can tell by now... even if, it’s just my finger... Cat? Pinaglaruan mo lang ba ako?” Sunod-sunod na lunok nito at binawi ang daliri mula sa pagkasuksok nito doon sa ilalim. Napaawang ang labi ko. Pinaglaruan?! Oo ngayon! Pinaglalaruan ko siya dahil gusto kong makalaya si Lito at mawala na sa isipan ko ang konsensya’ng nararamdaman. Pero ang sabihin niyang niloko ko siya noon? That I lied about losing my virginity?! Hindi ako ganoon. “Catliah, stop playing games with me. I know what I did from the past... I know I became an asshole. I bedded a lot of girls, I fcvked them and I let you saw those. But please... stop lying to me.” Disappointed na sabi nito at lumayo sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD