** Catliah ** I need to breath, at sa ilang minuto na yon ay pakiramdam ko nasasakal ako sa mga natuklasan. Kailangan ko pang isipan nang malalim kung totoo ba ang sinabi ni Travis. N-na... buo pa ako at walang nawala sa akin. Napilitan akong lumiban sa klasi at bumyahe patungong City Jail. Kailangan kong makausap si Lito at magtanong na rin kung bakit hindi nito nilinis ang pangalan. Kung sana’y naisip niya iyon noon pa man matagal na sana siyang nakalaya. Litong-lito ako sa sitwasyon at ganoon din kay Lito. Kung bakit kasi noong una pa lang sana ay naging totoo ‘to. “Ah, ma’am...” napakamot batok ang Chief na kaibigan ni Travis. Hanggang ngayon ay hindi ko alam ang pangalan nito. And I don’t think I need that. Titig na titig ako kay Lito na nakatitig din sa akin. Wala yatang balak

