10

2063 Words
Tumawag si Travis at hindi ko naabutan. Masaya kaming naghahabulan sa mababaw na bahagi, nag-uunahan pa sina Purple at Lala sa paglangoy. Samantalang si Dastine ay patawa-tawa habang nasa tabi ko. Si Claire ay pinili na lang na magsunbathing. Gustong-gusto nito ang mababad talaga, medyo masakit na nga sa balat ‘tong init at namumula na rin ako. Pero si Claire pangiti-ngiti at nakasun glasses pa habang nakadapa sa buhangin. “Di ko gusto yang Claire na yan, pasintabi kay Lala...” bulong ni Dastine. Nagulat ako at napatitig sa kanya. Hindi ko maintindihan kung bakit di nito gusto yong tao. E honestly, magaan ang loob ko doon. Tsaka napakapalakaibigan niya. Parang walang pili sa tao. “Bakit naman? Mukha naman siyang mabait,” “Ewan ko,” kibit nito. May mga tao talagang ayaw sa isang tao, kahit wala pa namang ginagawa. Yon siguro ang nararamdaman ni Dastine kaya noon ko lang din napansin ang pagiging distant niya sa isa. Palangiti nga ito, hindi rin tulad namin na kung tumawa ay wagas. Natatawa naman ito, pero iyong malapad ang ngiti tapos ay nawawala ang mga mata dahil sa pagkakabinat ng pisngi. Yon lang. Tapos tumunog ulit ang cellphone ko kaya sandali akong umalis. Himala, tinatawagan ako ngayon. Ano kayang nakain? O baka nahimasmasan na kaya ngayon parang wala lang nangyari. “Cat,” bungad nito. Napahugot ako ng hininga, araw-araw kaming nagkikita sa bahay pero dahil sa nangyari ay parang hindi kami magkakilala. And honestly, I missed Kuya Travis. Ang sweet moments nito at minsang pag-aalaga sa’kin. “Gusto kong sumunod,” bulong nito. Naglighten ang mood ko pagkarinig sa sinabi nito. Hindi yata nakatiis, kaya ngayon ay gustong sumunod dito. Tatlong araw lang naman kami dito, bukas nga ay bibisita kami sa isang batis pagkatapos sa last day ay magtatry ng canyoneering, as requested by Claire. “Okay, bibigyan kita ng instruction papunta dito.” “Yeah... and Cat?” Bulong nito. “Hm?” Nagtataka ako kung bakit ang lungkot ng boses nito, nasesense ko na parang may problema siya. O dahil pa rin sa nangyari kaya ganito? “I’m sorry for what happened,” Tama nga ang hula ko, okay naman na ako do’n. Siya lang ang iniisip ko kasi alam kong disappointed siya sa nangyari. Kahit ako, okay lang naman sa’kin kahit gawin namin yon... pero kasi, yong katawan ko na ang sumuko. I don’t know why it’s hurt... But I had a slight idea. Bumalik kaagad ako sa loob at sinabihan silang susunod si Travis. Tinukso ba naman ako at nakita ko pang ngumisi si Claire. Natutuwa yata dahil makikilala niya na sa wakas ang husband ko. “Samahan na kita,” tayo ni Claire nang sinabi kong bibili ako ng pagkain para kay Travis, magmamadaling araw na ito makakarating. At alam kong gutom na siya no’n. “Sige po,” Nakasabit sa braso ko ang kamay nito, nanliliit ako kasi totoo namang maliit talaga ako, umabot lang yata ng 5 ft itong taas ko eh. Samantalang itong katabi ko parang nasa 5’6 yata. Basta matangkad, pangmodel ang height. “What time will he be here?” Tanong nito habang tinitingnan isa-isa ang mga pagkaing nakadisplay sa glass counter. “Madaling araw daw eh, ano pa lang... alas sais pa lang ngayon. I’m not sure kung anong oras ang departure niya. Sigurado namang tatawag iyon.” Sagot ko at inabot ang ilang sukli sa kahera. “Gusto mong samahan kita?” Alok nito, Ngumiti ako at sinabing may kinontrata na sa isang staff dito sa resort. Tinuro ko kay Ate ang isang slice ng cheesecake at pinabalot. Bumili na din ako ng ilang minatamis para sa amin, para may makain din ako mamaya. Balak kong magpuyat habang naghihintay kay Travis. Kinlaro ko na rin sa kanya na nagbook na ako ng isang silid. Gusto ko sanang... makitulog sa kanya. Pero pagkatapos ng nangyari, I don’t think that’s right. “Uhm, Cat?” Agaw pansin ni Claire. Nakaupo ako sa isang kama, magkatabi kaming tatlo, si Purple at Dastine... sa kabila sina Lala at Claire. Pero si Claire ang nasa kaliwa ko. Nakahiga na yong ilan, kami lang ni Claire ang nakaupo at nanonood. Dapat nga sana ay magnanight out kami ngayong gabi, kaso dahil minor ako at gusto nilang sa mas matured na Club pumasok ay ipinagpaliban na lang muna. “Maghihintay ka?” Alangan na tanong nito. Tumango ako, tumango rin siya at sinabing, “I’ll wait too...” Pero sa tingin ko hindi nito iyon kayang panindigan. Alas dos ng tumawag si Travis at tulog na tulog na ang mga kasama ko. Inabot ko lang mula sa pagkakasampay sa isang upuan ang ekstrang jacket at lumabas. Matao pa rin ang lugar kahit mag-uumaga na. Pero syempre mas marami ang banyagang halata na lasing na lasing at galing pa sa kung saang bar o restobar. “Nasa’n ka?” Tanong ko habang lumilinga-linga at nilalamig. May sinabi siyang pangalan ng Hotel, nasa likod lang nitong mas murang Hotel at naalala kong nadaanan namin iyon kanina. Tumango ako at pinatay saka nilakad ang daan hanggang sa lumiko at nakita ko siya roon nakatayo at may dalang travel bag. Maliit lang yon kumpara sa mga naging dala ko. Napangiti ako at kinalabit siya. Ang lapad ng pagkakangiti ko pero heto siya at seryosong nakababa sa akin ang mga mata. Sumimangot ako, ang suplado ah?! Masama ang gising? Nagsusungit e! Parang tinutupak. “Dito ka, diyan lang ang room namin.” Tinuro ko ang opposite na wall at tinuro ang ikatlong pinto mula sa katapat na silid ng binook na room ko kanina. “Sige, matulog ka na...” sabi nito habang binubuksan ang pintuan. Pero hindi ako nakinig at sumunod sa kanya papasok. Namimilog ang mga mata nito sa gulat. I mean, gusto ko lang icheck kasi wala akong time kanina at hindi ko nakita ang loob. “Catliah...” malumanay na tawag nito kaya napalingon ako sa kanya na nilalapag sa ibabaw ng kama ang dalang gamit, “You should sleep...” pakiusap ulit nito. Totoong inaantok ako kanina, kaso parang bula ring naglaho yon ng nakita ko siya. Siguro nagiging attached na ako sa kanya pagkatapos ng mga nangyari. Ganoon naman yata ang mga babae lalo na kung nilawayan na ng lalaki. Para sa mga lalaki, iyong pisikal wala lang naman, walang feelings involve. Samantalang sa babae ay parang may feelings na nag-iivolve. Which is alam ko namang hindi ganoon kalalim pero nagiging attach. “Tinitingnan ko lang,” defensive na sabi ko at tumalikod. Bumalik ako sa kwarto at nakitang nagising si Claire. Nakaupo na lang ito at ngumisi nang nakita ako. “You didn’t wake me up! Is he here now?” Tumango ako at gumapang sa tabi niya at unti-unting ginupo ng antok. Hindi ko na kayang makipagkuwentuhan dito dahil ngayon tumama ang antok. Gusto ko na lang matulog dahil siguradong aantukin din ako bukas. Pagkagising ko ay nakita kong tinatapik ako ni Dastine. Nakaligo na silang lahat. Ganoon din si Claire na nakabikini sa suot nitong manipis na romper. Ang ganda-ganda na naman niya at basang-basa pa ang buhok kaya nadikit sa pisngi. Naglalagay siya ng make up habang nakatitig sa whole body na salamin sa gilid lang ng Bathroom. Gusto ko pa sanang maligo pero siguro mamaya na lang sa batis, tsaka naligo na rin naman ako kagabi. Kaya naglinis na lang ako ng katawan at naghanda. Dala ko iyong tote bag ko na may laman na mga importanteng gamit. Lumabas na kami at nauna lang ako ng kaunti. Kinatok ko si Travis, baka kasi hindi pa gising at pwede namang ako na lang ang maghintay. Pauunahin ko ang mga kaibigan dahil nakakahiya na pati sila e makikihintay. Kaso nagulat akong makita na nakaputing t-shirt si Travis. Bakat na bakat ang katawan, tapos medyo bakat din ang u’tong nito. Nagulat akong mapansin ang ganda ng katawan nito. Nakataas pa ang sunglasses nito sa ulo at nakaHawaiian shorts siya. Bakasyunista. Bumaba ang titig niya at pinasadahan ako ng tining. Bumulong nga at nag-init ng sobra ang pisngi ko. “Nakikita ko ang katawan mo, Catliah...” Para naman akong nakahubad kung makasabi ‘to. Nag-iinit tuloy ako, haha. “Kuya Trav,” kaway naman ng mga kaibigan ko. Ngumiti siya sa mga ‘to pagkatapos napansin niya si Claire. Nakatitig lang siya dito, wala namang kakaiba kaya hindi ako kinabahan. “Hi Travis!” Ngisi ni Claire pagkatapos ay nilahad ang palad, “I’m Claire, Lala’s cousin.” Tinanggap ni Travis at ilang segundong binawi. Hindi na nga nagpakilala kaya medyo off itong ugali niya. Nagsusuplado! Ewan ko dito may dalaw yata at tinutupak. Tapos ay inakbayan niya ako kaya gumilid ang strap ng suot kong panloob. Tumitig siya sa akin at ngiting kinurot ang strap at binalik sa dati. Nag-init na naman ang pisngi ko. Kinilabutan sa biglang paghaplos ng daliri nito sa balikat ko. Mabuti na lang nakashaul akong manipis at hindi masyadong expose lahat. Baka makita niyang pinaninindigan ako ng balahibo. Kasi naman eh... Sumakay lang kami ng tricycle. Dahil anim ay kumuha pa kami ng isa at tigtatatlo sa bawat isa. At dahil parang tuko ‘to si Travis at ayaw akong bitawan ay kaming dalawa sa isa. Sinamahan lang kami ni Claire. Sa likod siya at dalawa kami ni Travis sa harap. Tumigil na siya sa pag-akbay kaya medyo nakahinga na ako pero mas malala pa pala. Pagkasingit ng braso at kamay nito sa ilalim ng bewang ko e pumisil kaagad. Napatalon ako sa gulat at naglean pagilid para mabulungan siya. “Gago, nag-iinit ako.” Saway ko. Bumaba ang mga mata nito at kunot noong tumitig sa akin. At di ko mawari kung bakit ngumisi siya ng bahagya at bumulong din. “We’re not doing anything more than this, Cat. And you should behave.” Nag-init na naman ang pisngi ko at siniko siya. Kung makasabi ‘to parang ako lang? Nakakaewan. “What are you two talking about?” Biglang singit ni Claire. Pamatay sa biglang barahan naming dalawa. Thank you Claire! “Wala naman Claire, ah...” di ko alam kung anong sasabihin pagkatapos. “Ah, privacy. Okay lang,” simpleng ngiti nito. Isiningit nito ang mukha sa pagitan namin ni Travis. Nakatitig siya sa akin. “Sweet naman pala kayo,” ngiti nito. Ilang na ilang ako dahil hindi ko alam kung anong sasabihin pagkatapos. Oo nga medyo sweet ‘tong si Travis pero iba rin kapag tinupak ng kalandian. Kung sino-sinong babae ang dinadala sa bahay. Sweet ba yon? Oo maalaga siya, pero nakakadisappoint na marami itong babae... at harap-harapan pa niyang dinadala. Ni wala ngang balak na ipakilala sa akin. Hindi ko maalala ang mga pangalan kung sakaling may nabanggit noon. I understand, mga flings niya lang iyon. Hindi rin tumatagal at pawang kalandian lang. Pero kasi... “I heard that you’re an Engineer by profession?” Baling nito kay Travis. Pansin ko parang napaatras si Travis. Nagtataka akong bakit ganoon ang reaksyon niya. Tapos sa kalahati pa ng mukha nito e parang kunot ang noo at magkasalubong ang kilay. “Yeah,” walang ganang sagot nito. “That’s nice,” tuwang sabi ni Claire. Ni hindi pa rin umaatras at nakabaling pa rin kay Travis. “Mas gwapo ka pala sa personal.” Huling sinabi nito bago umatras. Kumunot ang noo ko at naibaba ang mga mata. Pagkatapos ay hinigit ako ni Travis kaya nawala ako sa pokus. “May sinasabi ka ba sa kanya, Cat?” Bulong nitong muli. Bigla akong ginapangan ng nerbyos at napaangat ang mga mata. Hindi naman ganoon kalala, ipinakita ko lang ang picture pero parang ang labas ay ako pa ang guilty. “W-wala, nagtanong lang siya. Ipinakita ko yong pictures nating dalawa.” Sagot ko. Pabulong pa rin. Hindi ako sigurado kung naririnig ba kami ni Claire. Halos nakadikit na nga ang mga labi namin sa bawat tenga para makabulong nang maayos. Umiling ito at hinigit pa ako palapit. Nagtataka ako kung bakit ganito ang ginagawa ni Travis at kung bakit ganito ang reaksyon niya. Mali bang ipakilala siya? Interesado lang naman yong tao. Wala akong intensyon na manakit o ano, o mang-apak o magpahiya. Kasi gusto ko lang na makilala si Travis ng kung sino mang magiging mga kaibigan ko. Ayaw ko kasing nagtatago, kahit papel lang ‘to... ayaw kong isekreto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD