Chapter 2

1512 Words
Karsen’s POV Pagod na ibinagsak ni Karsen ang kaniyang katawan sa malambot na kama. Kababalik niya lang galing Italy. He visited his father, halos isang taon niya ring hindi nabisita ito. Napangiti siya nang naalala ang napag-usapan niya at ng kaniyang ama. "Good job son! I am very proud of you!" Mahigpit na niyakap siya ng kaniyang ama. "Mana lang ako sa iyo," aniya. "Thank you son for fullfiling my favor," dagdag pa ng kaniyang ama. Naputol ang pagmumuni-muni ni Karsen nang tumunog ang kaniyang cell phone. Tumaas ang kilay ni Karsen nang nakita kung sino ang tumatawag. Hinubad muna ni Karsen ang suot na jacket saka tiningnan kung sino ang tumatawag sa kaniya. La Diva is calling... Embes na sagutin ay pinatay niya ang kaniyang cell phone. Bumangon si Karsen at pumasok sa banyo, habang tinatanggal ang sinturon at hinubad ang suot na pantalon para maligo. Na miss niya ang Pilipinas, halos dalawang linggo lang naman siya sa Italy. He grew up here in the Philippines, sa pangangalaga ng kaniyang butihing lola na ina ng kaniyang ama sa Laguna. Noong una pinagtawanan niya ang pabor na hiningi ng kaniyang ama. He can't believe that his father was a former husbando of RJN Services. RNJ is a private corporation that owns several business entities that acts as the "front" or face of RNJ. RNJ gave him a fake identity and front job, na hindi naman nalalayo sa totoo niyang propesyon. He's a certified and licensed chef, he owns a restaurant and hotel outside the country. RNJ saved his father life and business before, kaya ganoon na lang kalaki ang utang na loob ng kaniyang ama sa RNJ. After he heard his father story, hindi na siya nag-alinlangan sa pabor na hinihingi ng kaniyang ama. Binabayaran ang serbisyo nila bilang isang husbando hindi basta-bastang bayaran na lalaki, their service is very expensive. Na-enjoy ni Karsen ang pagiging husband for hire niya sa RNJ. Physically, mentally he was trained by the expert. Hindi naging madali ang pinagdaanan niya para maging isang husbando. He was really amazed by the rules and regulations, kaya napamahal na rin siya sa kaniya ang pagiging husbando. RNJ is protecting his real identity and safety, sisiw lang din para kay Karsen ang pagpanggap na ibang tao o gumamit ng ibang katauhan. Napatayo si Karsen sa kaniyang kinauupuan sa isang sulok ng ng bar nang napansin ang isnag pamilyar na pigura ng babae. Pasuray-suray itong naglalakad patungo sa comfort room habang inaalalayan ng kasama nito. Pasimpleng umalis siya sa kaniyang puwesto at kunwaring pupunta sa CR. "Lasing ka na!" saway ng kasama ng babae. "Nakainom lang ako, France hindi pa ako lasing!" paglilinaw ng babae. Napailing si Karsen nang biglang natipalok ang babae, narinig ni Karsen na napamura ang kasama nito. Medyo hindi maingay sa parte kung saan ang CR, kaya malinaw na narinig niya. "Just wait me here, Lexa, sasagutin ko lang itong tawag ni tito," bilin ng kasama nito. Natatawang umoo ang babae at mabilis na umalis ang kasama. Pumasok na rin si Karsen sa loob magkatapat lang naman ang pambabae at panlalaking CR, kahit hindi naman siya naiihi. Saktong paglabas ni Karsen sa CR ang siyang paglabas ng babae. Malutong na pa itong gamit ang ibang lengguwahe. Pasuray-suray na naglakad ito, parang kidlat na nakalapit si Karsen sa babae nang muntik na itong masubsob sa sahig. "Be careful," bulalas ni Karsen nang muntik na namang matumba ito. Pilit na inaaninag ng babae ang kaniyang mukha. Namumungay ang mga mata nito dahil sa kalasingan, napalunok si Karsen ng wala sa oras nang napatingin siya sa namumulang labi mg dalaga. “Who are you?" tanong ng dalaga sa kaniya. "Norlan," sagot ni Karsen sa babae. Second name niya ang Norlan. "I think... kilala kita b-but..." naputol ang sasabihin nito sana nang may biglang tumawag dito. Binitiwan niya ito nang muling humakbang ang dalaga muntikan na namang natumba ulit ang dalaga, mabilis na hinila ni Karsen ito at aksidenteng sumayad ang labi ni Karsen sa labi ng dalaga, at pareho pa silang natigilan. "Lexa!" Mabilis na inilayo ni Karsen ang katawan ni Lexa. "France," sambit ni Lexa sa pangalan ng kasama. "What happened?" nag-aalalang tanong ng kasama nito. "Muntikang natumba," paliwanag ni Karsen, kumunot ang noo ni France na tila kinikilala siya nito. Of course France knew him. He's not Karsen Rodrigues right now, he's Karsen Norlan Ricci. Bago siya pumunta ng Italy binalik niya ang tunay na kulay ng kaniyang buhok which is blonde na namana niya sa kaniyang ina at wala rin siyang suot na contact lenses ngayon kaya malabong namumukhaan siya ni France. At first time rin ni Karsen na nakalapit nang malapitan kay Lexa. France is working as call agent in RNJ, hindi niya man personal na kilala pero nakita na niya ito roon. Walang paalam na umalis ang dalawa. Nanatiling nakatayo si Karsen habang pinagmamasdan ang dalawa na papalayo sa kaniya. Nang tuluyang nakalayo ang dalawa saka lang nakahinga nang maluwag si Karsen. Para siyang teenager na pinansin ng kaniyang crush, nakangiti na parang sinapian. Napakunot ang noo ni Karsen nang may dalawang babae na lumabas sa CR, nagtatawanan ang mga ito habang may tinitingnan sa cell phone. Napatingin pa ito sa kaniya, na nang-aakit. He ignored them at mabilis na bumalik sa kaniyang puwesto. Sa hindi kalayuan nakita niyang sunod-sunod na tinungga ni Lexa ang laman ng baso nito. "Why she's drinking like that?" sa isip ni Karsen. Naputol ang pagtingin ni Karsen sa babae nang naramdaman niyang nag-vibrate ang kaniyang cell phone. Karsen cursed silently when he saw La Diva is calling. He rejected it. Wala siyang panahon na makipaglaro sa babae. He knows La Diva very well sa halos apat na taon niya sa RNJ, alam na niya ang galawan ni La Diva, na-challenge yata ito sa kaniya. He's the only husbando as far as he knows na hindi nagkaroon ng s****l attraction kay La Diva. He's s****l orientation is demisexual; he's only attracted sexually to someone that he has a deep connection/affection or romantic feelings sa isang babae, but he can have s*x without being sexually attracted to someone kung gustuhin niya. Nag-vibrate ulit ang cell phone ni Karsen but this time it was not from La Diva. A text message from his best friend. "Bud, good news for sure matutuwa ka." Nakakunot-noo na basa ni Karsen sa text ni Lenard. "What's the good news?" he asked. "Your crush is now single." Basa ni Karsen sa reply ni Lenard. Awtomatik na lumipad ang paningin ni Karsen sa babae na kanina pa niya pasimpleng binabantayan ng tingin. "Stop pulling a prank Lenard! Baka masapak kita!" reply ni Karsen sa kaibigan. "Trust me bud, one of my woman is your crush model, and she said, 'my boss is now single'." May kasama pang evil emoji ang reply ni Lenard sa kaniya. Part of him he's happy pero nang nakikitang pasimpleng pinunasan ng babae ang mga mata nito, Napatiimbagang si Karsen. Hindi na niya ni-reply-an si Lenard, mabilis na inubos ni Karsen ang kaniyang inumin. When he's about to stand up, napatigil siya nang nakikitang inaalalayan ng kasama babae na paalis sa mesa ng mga ito. He followed them secretly, nang nasiguradong safe na nakasakay ito sa kotse, sumakay na rin si Karsen sa kaniyang kotse. Kung noon wala siyang lakas na sundan ito, iba ngayon lalo na at alam niyang hiwalay na ito sa fiancè nito. Nang na sigurado niyang safe na nakapasok sa building ang dalawa, pinaharurot ni Karsen ang kaniyang sasakyan pauwi, at maaga pa siya bukas. He needs to report, dalawang linggo lang ang bakasyon niya sa trabaho. He's eager to finish his contract, para magawa na rin niya ang kaniyang gusto lalo na single na ngayon ang babaeng matagal na niyang gusto. The first time he saw Lexa, nakuha ng babae ang kaniyang atensyon. Hindi niya nakaporma sa babae dahil alam niyang taken na ito at isa pa wala sa plano niyang ma-involve sa isang seryosong relasyon lalo na sa trabaho na mayroon siya para iwas problema. Palagi siyang present tuwing may fashion event ang babae, nagmumukha tuloy siyang stalker nito, but he knows his limitation. Kung may pagkakataon lang naman saka siya pumupunta. One time naidaldal niya kay Lenard ang pagkaroon niya ng ‘crush’ kay Lexa. Nang nakarating si Karsen sa kaniyang condo, mabilis na tinawagan niya si Lenard. Agad naman na sinagot ng kaibigan ang tawag niya. "Hindi ka nagbibiro?" bungad na tanong ni Karsen sa kaibigan. Humalakhak naman ito. "Hindi ka pa rin naniniwala? Tatlong buwan na siyang single, hindi natuloy ang kasal nila.. Don't ask me kung bakit hindi natuloy. Alam mo naman na masyadong pribado ang buhay ng crush mo." Pinagdiinan talaga ni Lenard ang salitang 'crush'. "At ito pa..." pambitin ni Lenard. "I saw her ex. with someone," pagpapatuloy ni Lenard. Pinatay na ni Karsen ang tawag, ayaw niyang may marinig tungkol sa lalaking iyon. Napailing siya sa kaniyang reaksyon. Kung tutuusin kahit anino niya hindi kilala ng babae. Halos hindi siya nakatulog sa kaiisip sa aksidenteng paglapat ng labi niya sa dalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD