Chapter 3

2145 Words
Lexa's POV BUMALIK na naman siya sa bar nang mag-isa, last time na kasama niya si France ay nasabon siya ng sermon. And besides she was looking for someone, she wasn't his name. "Arggh! What his name again? Norman? Norlan?" Bahagya niya pang kinurot ang kaniyang pisngi. Lately she was dreaming about this man na nakilala niya noong pumunta siya rito noong nakaraang linggo. She was drunk that time at nagising na lang siya na nasa kuwarto na niya at pinapagalitan ni France. Sa panaginip niya she and that mysterious man having an intimate moment they were making out for heaven sake... Gusto niyang makita muli ang lalaki at itatanong kung they really made out that night or no... perp napatigil siya nang na-realise ang naisip, nakahihiya! NAPAIGTAD siya nang narinig ang galit na sigaw ng kaniyang ama, malayo na naman ang narating ng isip niya. Saglot niya pang nakalimutan na may malalang problema pala siyang.dapat ayusin. “What is this, Lexa!" galit na sigaw ng ama ni Lexa na si Alston De Salis. Buong buhay ni Lexa ngayon lang siya na sinigawan ng kaniyang ama. Kalmado lang ito palagi pero ngayon, kitang-kita niya ang galit sa mga mata nito. Napatingin si Lexa sa inilapag ng kaniyang ama na diyaryo. It was her scandalous picture. Sa isang column sa entertainment section may picture niya na may kahalikang babae. Dinampot ng kaniyang ama ang News paper. "FD and LIS owner and designer is a lesbian." Naikuyom ni Lexa ang kaniyang palad. Pilit niyang pinipigilan na umiyak sa harap mismo ng kaniyang ama. "Ano ito? Ha? After your b*stard ex, may bago na namang kahihiyan, Lexa?" galit na sigaw, ng kaniyang ama. Namumula ang buong mukha ng kaniyang ama, halos hindi niya ito matingnan sa mga mata. Dinaig pa ni Lexa ang pinutulan ng dila. Kapag ganitong galit ang kaniyang ama, mas gugustuhin niyang manahimik na lang. Tatlong buwan na ang nakalipas nang hiniwalayan niya si Denver. Her father was devastated upon hearing the news, katakot na sermon ang inabot niya. Embes na magmukmok ipinagpatuloy niya ang kaniyang buhay, trabaho-condo ang naging routine ni Lexa sa loob ng tatlong buwan, minsan na lang siya umuuwi sa bahay nila. She wanted to be strong like his father, kung paano nito katapang na hinarap ang hamon ng buhay nang nawala ang kaniyang ina. Busy rin ang kaniyang ama sa negosyo nila sa Italy at ngayon na kauuwi lang nito may panibagong eskandalo na naman. Masama ang loob ng kaniyang ama na iniwan siya sa loob ng private office nito sa bahay nila. After a few minutes, dumating si France halata sa mukha nito ang pag-aalala. Napansin niyang may pasa ito malapit sa siko pero dahil masama ang loob niya at malaki ang kaniyang problema hindi na niya naitanong kay France kung saan nito nakuha ang pasa. "Are you okay?" France asked her. Halata sa boses nito ang pag-aalala, minsan nagi-guilty na siya kasi inuuna pa ni France ang kaniyang kapanan bago ang sarili nito. Alam niyanh may inaayos din ito sa buhay. Umiling si Lexa. "Galit na galit si papa." Napayuko si Lexa para maiwasan ang nag-aalalang tingin ni France sa kaniya, kapag ganoon ito tumingin sa kaniya pakiramdam niya ang hina-hina niyang nilalang. Ayaw niyang palaging nakadepende na lang sa kaniyang pinsan. "I already talked to the publishing company, the picture it was from anonymous sender," imporma ni France, sa kaniya. Napaangata ng tingin si Lexa bigla kay France, napakaseryos ng mukha nito habang nakatingin sa kaniya. "Hiningan ko na rin ng footage ang bar na pinuntahan natin last week, unfortunately walang naka-install sa loob ng bar na ‘CCTV’, medyo mahirapan tayong malaman kung sino iyon. At sinadyang pinalabo ang mukha ng babae sa picture na kasama mo," dagdag pa ni France. "Sino naman ang may lakas na loob na i-set up ako sa napaka-childish na paraan?" naiinis na tanong ni Lexa. "Hindi natin masasabi kung sino... pero sa hinala ko hindi kaya ang ex. mo ang may pakana nito?" pagdududa ni France. Napasabunot si Lexa sa kaniyang buhok. "That scumbag!" "Mas maging maingat ka ngayon sa mga ikinilos mo at sa tingin ko hindi lang ito ang pasabog ng kung sino man," paalala ni France sa kaniya. Matapos ang pag-uusap niya at ni France ay nagpaalam na rin umalis si France dahil may aasikasuhin pa raw ito. Malaki ang pasasalamat ni Lexa kay France, nag-iisang pinsan niya ito sa mother side, ulilang lubos na rin si France. Parang kapatid na rin ang turing nila sa isa at isa. Madalang lang manatili sa Pilipinas ang kaniyang ama nitong nakaraang taon dahil sa negosyo nila sa Italy na siyang ilang taon na rin na sinasabi ng kaniyang ama na siya ang mamahala roon. Hindi namalayan ni Lexa na nakatulog pala siya sa sobrang pag-iisip kung ano ang dapat niyang gawin sa problemang kinakaharap ngayon. Naalimpungatan si Lexa sa ingay ng kaniyang cell phone. Pupungas-pungas na bumangon siya at tiningnan kung sino ang tumatawag. France is calling... Namatay ang tawag at nakita niyang may sampung missed call na ito, tatawagan sana ni Lexa si France nang nag-ring ulit ang cell phone niya. "Hello," sagot ni Lexa sa tawag na namamaos pa ang sakit ng kaniyang lalamunan mukhang lalagnatin pa yata siya ngayon. Napapikit siya nang sumidhi ang sakit ng ulo niya. "Another bad news and problem," seryosong turan ni France sa kabilang linya. "Ha?" naguguluhang sambit, ni Lexa napasabunot pa siya sa kaniyang sariling buhok gamit ang kaliwang kamay. "Buksan mo ang ‘TV’, watch the news right now," utos ni France sa kaniya. Sinunod ni Lexa ang sinabi ni France. Isang press conference ang bumungad kay Lexa pagkabukas niya ng ‘TV’. Pakiramdaman ni Lexa umaakyat sa kaniyang ulo ang dugo niya. Halos mandilim ang paningin niya sa nabalitaan. Dinampot ni Lexa ang nabitiwan niyang cell phone. Trending ngayon sa social media ang announcement ni Denver na engaged-to-be-married na ito ngayon kay Lariza Vallegas, isang fashion designer katulad niya. Lariza Vallegas is the owner of well-known L&V Apparel, ang mahigpit na karibal/kakompetensya ng FD and LIS Apparel, na pagmamay-ari ni Lexa. Halos panawan ng ulirat si Lexa sa isang nabasang article. "The rising fashion designer is a plagiarizer." Ito ang nabasa niyang naka-headline sa isang fashion article. May naka-attach na mga design picture. She recognized those designs. "L&V Apparel released thier official statement about the plagiarizing issue, their legal team will file a case against, FD and LIS owner and designer." Nanlulumong napaupo sa sahig si Lexa. Hindi pa man nakabawi sa lumabas na balita, humahangos at galit na galit na pumasok sa kaniyang kuwarto ang kaniyang ama. Hindi naituloy ng ama ni Lexa ang sasabihin nito nang nakita siyang tumutulo ang luha. "Princess," sambit ng ama ni Lexa, dinaluhan siya nito at niyakap. "Papa." Humagulhol si Lexa. "I didn't plagiarized her designs," umiyak na dagdag ni Lexa. "Fix yourself and we will talk," utos ng ama ni Lexa. Bumitiw na ito sa pagkayakap sa kaniya. Walang paalam na lumabas ito ng kaniyang kuwarto. Halos nabingi si Lexa na sinabi ng kaniyang ama. "Sa ayaw at sa gusto mo... sasama ka sa akin pauwi sa Italy, oras na para hawakan mo ang kompanya natin doon. Hindi na ako bumabata, Lexa, puro kahihiyan lang naman ang inabot mo sa passion na sinasabi mo!" Napahawak pa ang kaniyang ama na si Alston sa dibdib nito. Biglang kinabahan si Lexa alam niyang mahina ang puso nito. Alam ni Lexa na desidido ang kaniyang ama na isasama siya pabalik sa Italy, kaya lang naman siya nito pinagbigyan sa gusto niya, because her mother was a former famous fashion designer gusto niyang maging kagaya ng kaniyang ina na hindi niya naabutan. Her mother died tatlong araw pagkatapos siyang ipinanganak nito. Her father is fluent in Filipino, kaya kapag nasa Pilipinas ito madalang itong magsalita ng French. Nanlulumong lumabas si Lexa sa loob ng private office ng kaniyang ama sa loob ng mansyon nila. "Hindi ako papayag na marungisan ang pangalan ko, kapag sumama ako kay papa, paano ko mapatunayan ang binibentang sa akin? I need to convince papa na huwag akong isama sa Italy," mahabang litanya ni Lexa. "Tito Alston is a conservative man," turan ni France. Para namang may umilaw na bombilya at nagkaroon ng ideya si Lexa nagkatingan pa sila ni France na para bang pareho ang naisip nila. "Saan naman ako kukuha ng lalaking magpapanggap na boyfriend o fiance ko at magiging asawa?" problemadong sabi ni Lexa. Noon pa man matagal ng gusto ng ama ni Lexa na umuwi sila ng Italy napurnada lang dahil kay Denver. Nakita ng ama ni Lexa na masaya at mahal niya si Denver kaya hinayaan siya nito na manatili sa Pilipinas. Tuwing bakasyon lang ito umuuwi ng Pilipinas dahil sa negosyo nila sa Italy. Bago namatay ang kaniyang ina, hiniling nito sa ama niya na rito siya palakihin sa Pilipinas. France suggests na dapat mahuli siya ng kaniyang ama na may katabing lalaki sa kama. Knowing how conservative her father, may chance na ma-delay ang pag-uwi niya ng Italy at may oras at panahon siya para linisin ang kaniyang pangalan. At naalala ni Lexa ang usapan niya at ng kaniyang ama noon. Kung ayaw niyang pamahalaan ang kompanya nila maghanap siya ng lalaking na may alam sa negosyo na mayroon sila at siyempre dapat mahal din niya ang lalaking papakasalan. Habang nangangalumbabang nakadapa sa ibabaw ng kaniyang kama, may iniabot na rectangular gold and black business card si France sa kaniya. "RNJ Services. Find your ideal husband." Basa ni Lexa sa naka-engrave. Nagtatanong na tiningnan ni Lexa si France. "They offer a husband for hire," paliwanag ni France. Natawa si Lexa sa narinig." What? Are you serious France? At kanino mo naman nakuha itong business card na ito?" usisa ni Lexa kay France. "Old friend," maiksing sagot ni France. "Don't worry lahat ng transaction sa pagitan ng kliyente at RnJ ay highly confidential. Kaysa magbayad lang tayo ng kung sino riyan sa tabi-tabi, trust me Lexa, this may help your problem," paliwanag ni France. Nahulog sa malalim na iniisip si Lexa. Ang reputasyon na iniingatan niya nasira sa isang iglap. She needs to clear her name. "Husband? Hindi kaya magtaka si papa niyan? I need someone to pretend as my boyfriend at ipakilala kong fiance saka natin gawin ang plano para si papa na mismo ang magtutulak sa amin na ikasal," mahabang litanya ni France. "You can hire a husband at ipakilala mong boyfriend o fiance mo... later on maging asawa mo na rin," sagot ni France. "What?" malamig na bulalas ng ama ni Lexa. "Please... Papa, ayaw kong umalis at umuwi ng Italy. I need to clear my name from those malicious scandal," pagsusumamo ni Lexa. Napahilot ang kaniyang ama sa sentido nito. "Your reputation was already ruined! Pinagbigyan na kita noon pa man, naiintidihan kita dahil mahalaga rin sa akin ang alaala ng iyong ina... but this is too much Lexa, alam mo ang ayaw ko, sa ayaw at sa gusto mo sasama ka sa akin!" Walang pagpipilian si Lexa kundi ang magsinungaling sa kaniyang ama. Naluluhang tiningnan ni Lexa ang kaniyang ama sa mga mata nito. Hindi siya sanay na nagsisinungaling dito pero wala siyang pagpipilian. "I c-can't go with you, Papa," mahinang sabi ni Lexa. Bago pa makapag-react ang kaniyang ama inunahan na niya ito. "I-I..." nag-aalinlangan sambit ni Lexa. Lexa hates to lie but she doesn't have a choice. Nang nakita niyang naghihintay ang kaniyang ama sa kaniyang sasabihin ay nilakasan ni Lexa ang kaniyang loob kahit hindi siya sigurado kung papatulan nito ang kaniyang kasinungalingan. "I-I have a b-boyfr—fiance." Sinalubong ni Lexa titig ng kaniyang ama. Biglang pumasok sa isip niya ang magandang mata ng lalaking nakilala niya noong nakaraan. Napakagat-labi siya. At sinuway ang sarili. "A-and we already slept together," dagdag ni Lexa. Napakagat-labi si Lexa nang nakikitang nanlalaki ang mga mata ng kaniyang ama. Even her father is an Italian, lumaki ito sa pangangalaga ng stepmother nitong Filipina. Alam ni Lexa ang kahinaan ng kaniyang ama, very vocal ito sa kung ano ang pinakaayaw nito sa lahat. Kung sa iba napakababaw sa kaniyang ama ay isang sagradong bagay iyon. "Iharap mo ang lalaking iyon sa akin!" galit na sigaw ng kaniyang ama. Napaigtad si Lexa sa pagkagulat, pulang-pula ang buong mukha ng ama niya. Humigpit ang pagkakuyom ni Lexa sa kaniyang palad. "Baka ma-highblood ka papa kapag maabutan mo akong may katabi sa kama," sa isip ni Lexa. She dialed France number nang nakalabas siya sa opisina ng kaniyang ama. Tatlong ring pa lang agad na sinagot ni France ang tawag. "He wants to meet the man who popped my cherry," kagat-labing imporma ni Lexa, kay France. "Your imaginary fiance?" si France. "I need to hire a husband urgent!" excited na kinakabahan na aniya, kay France. "RnJ Services is the answer," sagot ni France.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD