CHAPTER 2

982 Words
“Sige po.” Bahagya akong nailanga sa lalaki. Katulad ni Eliakem ay pogi rin ito, pero sa tingin ko ay mas appealing si Jacob kaysa kay Eliakem. Marunong din itong ngumiti, hindi katulad ng Boss ko na laging nakasimangot.               Sa loob ng conference room kami kumain. Kahit na masarap ang mga pagkaing nasa mesa ay hindi ako nag-enjoy ng husto. Ang hirap kumain sa harap ng isang gwapong lalaki na ngayon ko lang nakita. Nakaka-tense lumunok!               “Ayaw mo ba sa fast food?” Nagtanong siya pagkatapos niyang mapansin na hindi ako gano’n ka enthusiastic sa pagkain.               “Gustong-gusto ko po pero nakakailang ang mga titig mo sa akin,” prinangka ko na siya at tumawa lang ito ng malakas.               “Joker ka pala. Tawagan mo lang ako kapag tapos ka na at ihahatid na kita sa inyo,” sabi pa niya.               “Huwag na po,” sagot ko.               “I insist,” giit niya.               Hindi na lang ako nakipagtalo pa sa lalaki upang makaalis na ako kaagad mula sa opisina niya. Marami pa akong gagawin at kung hindi ako magmamadali, baka aabutan ako ng hatinggabi.               Mga bandang alas-diyes ng gabi, kung kailan tapos na ako sa lahat ng mga ipinapagawa niya sa akin, ay kaagad na akong tumawag sa kanya upang sabihin na tapos na ako. Ang sabi niya sa akin ay ihahatid daw ako pauwi, pero nag-book lang siya ng grab car para sa akin.               Pagdating ko sa bahay, dumiretso na ako sa aking silid upang magpahinga. Skin care? Next time na lang kasi sobrang napagod ako sa aking trabaho! Sino ba naman kasi ang hindi? Pagsampa ko sa kama, wala pang five minutes ay nakatulog na ako.               Kaya lang…ay biglang  may tumawag at ayaw paawat ng caller!               Kaagad kong naramdaman ang lamig habang kinapa ang aking tumutunog na cellphone. Napagod kasi ako ng husto dahil sa dami ng ipinapagawa ni Boss sa akin kaya’t hindi na kami nagkausap pa ni Karl bago ako natulog. “Hello?” Sabi ko nang sagutin ang tawag. Alam kong si Karl ang tumawag sa akin kasi siya lang ang allowed na disturbuhin ako sa aking pagtulog. “Hi, Honey, naistorbo ba kita? Sorry na,” sabi ni Karl sa kabilang linya. Nang marinig ko ang kanyang boses ay kaagad ng nagising ang aking diwa. Nami-miss ko na kasi siya ng husto. Bumangon ako at sumandal sa headboard ng aking malaking kama at saka binuksan ang lampshade. “Basta ikaw, hon, walang problema. Anytime ay maaari mo akong tawagan at wala akong pakialam kahit inaantok pa ako. Gano’n kita kamahal, eh. Teka, bakit ka nga pala tumawag? Alas-dos na ng madaling-araw, ah!” “Di ba, nabanggit ko sa ‘yo na malapit na ang birthday ng kapatid ko? Birthday niya kahapon kaya nilibre ko siya pati mga kaibigan niya. Nag-inuman kami,” sagot ni Karl. “Pakisabi na lang na happy birthday sa kapatid mo, ilang taon na ba siya?” Nagtanong ako kasi hindi ko pa naman personal na kilala ang kapatid niya. Ilang buwan na kami ni Karl pero hindi pa kami dumating sa punto na ipakilala niya ako sa kanyang mga magulang. “Nineteen,” maikli ang sagot ni Karl at narinig ko ang kanyang malakas na pagbuntonghininga sa kabilang linya. “May problema ka ba?” Kaagad ko siyang tinanong. “Ano kasi, hon, biglang nag-error ang ATM ko at kailangan ko nang magbayad ng bill namin dito sa HIGH FIVE. Baka naman may extra ka pa diyan, pahiram muna at ibabalik ko na lang sa akinse,” sabi niya. Sandali akong tumingala sa kisame dahil hindi na kasi bago sa akin ang paghihiram niya ng pera tuwing may okasyon o di kaya ay emergency. “Ano ka ba naman? Hindi ba at nagkasundo na tayo sa mga ganitong bagay? Pakitanong na lang ang bank account ng HIGH FIVE at ita-transfer ko kaagad,” sabi ko sa kanya. “Okay, saglit lang po honey ko,” sabi niya sa malambing na boses. Makalipas ang ilang minuto ay bumalik ang lalaki sa linya. “Ano’ng sabi?” Tinanong ko siya ulit. “Ang manager lang daw ang tanging nakakaalam sa account at bagong staff lang daw po siya. Hon, ano’ng gagawin ko?” “Kumalma ka muna diyan at mag-iisip ako ng paraan,” sabi ko. “Hmmm pakitanong nga sa mga kasama mo kung may atm ba silang dala at sa kanya ko na lang ita-transfer? Iyong may mastercard na logo ha para di na kailangang mag-withdraw sa labas at delikado,” paalala ko sa kanya. “Saglit lang hon ha at tatanungin ko si Nikki.” Nang marinig ko ang pangalan ng isa sa mga kasama niya, bigla akong naalarma. Alam kong matagal ng magkaibigan ang dalawa pero hindi pa rin ako kampante na lagi silang magkasama.Ewan ko ba ngunit hindi ko bet ang babaeng iyon na lalapit-lapit kay Karl.  “May nahanap na ako hon, i-text ko na lang sa messenger ang account details,” sabi ni Karl at kaagad na tumunog ang aking messenger nang matanggap ko ang mensahe niya. Binasa ko ang pangalan na nakalagay sa card at kaagad ko itong hinanap sa social media. Hindi naman sa nagduda ako pero gusto ko lang na makita ang hitsura ng lalaki. Mabuti na lang at kasamahan lang pala nito sa trabaho. “Magkano ba ang bill mo diyan?” “Nine thousand plus eh,” sagot ng lalaki. “Okay, ita-transfer ko na ang sampong libo sa account niya. Saglit lang,” sabi ko at kaagad na binuksan ang isang app kung saan maaari akong mag-tranfer ng pera sa kahit sino. “Tapos na honey ko.” “Salamat hon ha, sus, kung wala ka, hindi ko alam kung ano kaya ang mangyayari sa akin ngayon. Sigurado na ipapapulis ako. Hon, excuse muna ha, babayaran ko lang sa counter.” “Sige,” sabi ko. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD