CHAPTER 1

1274 Words
"Kailan ka magpapakilala ng lalaki sa amin na magtatagal sa iyo?" "Kailan ka magpapakasal?" "Hindi umuurong ang edad mo kaya kailangan mo nang maghanap ng makakasama sa buhay!" Iyan ang paulit-ulit na naririnig ko sa aking mga kaibigan. Sino ba naman ang hindi gusto na magkaroon ng makakasama sa buhay, pero anong akala nila, madali lang maghanap ng taong kaagapay mo? Sa gaya ko na dumaan sa mga lalaking manloloko, mga lalaking magaling sa salita wala naman sa gawa,hindi ko alam kung wala na ba akong tiwala sa mga lalaki o takot na akong magmahal ulit. Idagdag mo pa ang trabaho na meron ako. Hindi biro ang pagiging Accountant sa isang malaking kumpanya. Sandamakmak na paperworks ang kailangan kong atupagin lalo na kapag biyernes. Pagdating kasi sa mga accounts payable, ayaw ng Boss ko na may pending kami sa kahit sinong contractors. Every Friday po namin ipo-forward sa Finance ang mga p*****t request kaya kailangang mag-double time. Sa totoo lang ay nakakainggit ang buhay ng aking mga kasamahan sa EC Brokerage lalo na sila Kylie at Lorena. Starbucks dito, movie doon. Kain dito, gala doon. Napabuntonghininga na lang ako habang nakatitig sa aking relo. Malapit ng mag-alas tres ngunit hindi pa rin tapos si Mikaela sa kanyang ginagawa. Si Mikaela ang isa sa mga accounting clerks ng kumpanya at naka-assign sa kanya ang pagpi-prepare ng mga requests na ire-review ko at aprubahan bago ipasa sa in-charge ng check preparation. Five minutes before three o’clock, nagdesisyon na akong puntahan si Mikaela sa desk niya. Una sa lahat, ayoko sanang pagala-gala sa opisina kapag oras ng merienda kasi mapipilitan akong ngumiti sa mga kasamahan kong lalaki na makakasalubong ko. Hindi naman talaga ako suplada. Naiinis lang ako kapag walang kwenta ang pag-uusapan, lalo na kung tungkol sa love life. Ano’ng pakialam nila sa love life ko? Nang makita ko si Mikaela na abala sa cellphone, kaagad na tumaas ang BP ko, kaya nilapitan ko siya kaagad. “Hindi ka pa ba tapos sa ginagawa mo?” Nagulat ang clerk nang bigla akong dumating sa harapan niya. Sino kaya ang kausap niya at parang hindi niya ako nakitang paparating? “Tapos na ako, Natalia. Ihahatid ko na sana ‘to sa office mo eh pero biglang tumawag ang anak ko,” sagot ni Mikaela. Single mom si Mikaela at dati ko siyang kaklase sa college. Matagal rin ang panahon na hindi kami nagkita kaya nagulat na lang ako nang makita siya sa kumpanyang pinagtatrabahuhan ko. “Akin na,” sabi ko sa kanya upang hindi na siya maabala. “Saglit lang,” tugon ni Mikaela at inilagay sa isang long brown envelope ang mga printed na p*****t requests. “Pwede kaya akong mag-undertime ngayon, Natalia? May problema kasi ang anak ko, eh.” Sandali akong nakatingin kay Mikaela. Sa totoo lang ay gusto ko siyang pagalitan sa ginawa niyang pagsisinungaling. Ten minutes ago pa niyang na-print ang mga payables at kung sana ay ibinigay niya sa akin kaagad ang mga requests, malamang na may natapos na ako. Gusto ko siyang pagalitan at murahin, pero hindi naman ako gano’n kabastos. “Magpaalam ka sa Manager,” mungkahi ko sa kanya. “Ang bait mo talaga, Natalia!” Ngumiti lang ako sa kanya ngunit hindi ko siya sinagot at kaagad na akong bumalik sa opisina ko. Dalawang oras na lang ang at mag-aalas singko na ng hapon. Matatapos ko kaya ang lahat bago mag-alas singko? Isang malakas na buntong hininga ang lumabas mula sa aking bibig habang hinarap ko ulit ang aking computer. Sisimulan ko na ang checking, at sana ay kumpleto ang attachments sa mga payables upang mas mabilis kong maaprubahan ang lahat. Thirty-minutes bago ang uwian ay naipasa ko na sa in-charge sa paggawa ng tseke ang mga requests for payments. Hindi nagustuhan ni Guinevere na sobrang late kong binigay sa kanya ang mga request. Kagaya ni Mikaela ay isa ring single mom ang babae ngunit ibang-iba ito kay Mikaela. “Sa lunes mo na gawan ng mga tseke ‘yan, tutal, wala rin naman si Ma’am ngayon,” sabi ko sa kanya upang pawiin ang simangot sa kanyang mukha. Thirty minutes na lang kasi at more than one hundred checks ang kailangan niyang i-prepare. “Hay, mabuti naman kung ganun. Ayaw mo ba talagang sumama sa amin mamaya? Pupunta kami ng gay bar,” bulong ni Guinevere sa akin. “Gay Bar? Diyos ko naman, ano’ng gagawin natin doon?” “Hmmm iinom at makipag-usap sa mga daks,” pagbibiro ni Guinevere. “Kayo na lang muna. Inimbita nga ako nina Kylie at Lorena kanina, eh.” Syempre, tumanggi ako. “Puro ka na lang trabaho, Natalia. Mag-enjoy ka naman paminsan-minsan,” giit ni Guinevere. “Paano ka magkaka-boyfriend kung lagi kang busy?” “May boyfriend na ako,” sagot ko. “Sana nga ay matino ang nobyo mo ngayon. Dios mio, walang kwenta iyong nobyo mo dati,” sabi niya. “Sana nga. O sige na at babalik na ako sa office ha, may tatapusin pa kasi ako,” nagsinungaling ako sa kanya. Mag-shutdown na sana ako ng computer nang biglang nag-pop up ang pangalan ng Boss ko. May email siya kahit malapit ng mag-alas singko kaya kinabahan ako. Sandali akong nakatitig sa monitor habang iniisip kung sa lunes ko na lang bubuksan ang email niya nang biglang tumunog ang telepono. “Accounting office,” pagbati ko sa caller. “Nabasa mo na ba ang email ko?” “Mr. Chavez, ikaw pala. Magandang hapon po. Bubuksan ko pa lang po, sir.” “Urgent ‘yan, Natalia. Please expedite,” utos ng lalaki sa kabilang linya at hindi man lang ako binigyan ng pagkakataon na tumanggi. Habang binabasa ko ang email ni Mr. Chavez sa akin, bigla kong napagtanto na masama pala talaga ang magsinungaling. Kanina, nagsinungaling lang ako kay Guinevere na may gagawin ako, at nagkakatotoo nga! Sandamakmak na reports ang kailangan kong tapusin para sa Boss ko at walang silbi sa akin ang paghingi niya ng paumanhin dahil nakalimutan niyang sabihin sa akin kaagad. As expected, hindi ulit ako makakauwi ng alas-singko sa bahay! Habang nagtitipa ako sa keyboard ay tumunog ulit ang telepono sa desk ko. Ayoko sanang sagutin dahil alam kong si Mr. Chavez ang nasa kabilang linya. Tuwing may ipapagawa itong urgent na reports ay hindi rin kasi uuwi ang lalaki. Iyon lang ang pogi points niya sa totoo lang. “Sir,” sabi ko nang sagutin ko ang tawag. “Punta ka dito sa office mga 7 PM at sabay na tayong kumain,” utos niya at kaagad ding ibinaba ang telepono. Buti sana kung masarap ang mga pagkaing ipapa-deliver niya, kaya lang ay hindi, eh! Istrikto sa diet ang Boss namin at hindi sekreto sa amin na hindi siya kumakain ng mga hindi healthy. For sure, salad at boiled eggs lang ang madadatnan ko sa office niya! Pagsapit ng alas-siyete ay kaagad na akong nagtungo sa office niya dahil ayokong masabihan na sinadya kong magpa-late. Tutal ay inaasahan naman niya ang aking pagdating ay hindi na ako kumatok at diretso ang pasok. “You must be the Accountant,” sabi ng nakangiting lalaki sa akin nang makapasok ako sa opisina. Tumango lang ako pero hindi ko siya kilala, although, medyo kahawig niya ang Boss ko. “Pinapunta ako rito ni Mr. Eliakem Chavez,” sabi ko. “Nabanggit nga niya sa akin. Maupo ka, Natalia at ihahanda ko lang ang dinner natin,” sabi niya. “May emergency ang kapatid ko kaya ako na muna ang magiging Boss mo for the meantime. I’m Jacob,” pakilala ng lalaki pagkatapos nitong magpaliwanag kung nasaan si Eliakem Chavez.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD