"Walang pag-asa, hindi ba itay? hindi ko siya matatakasan?" tanong ni Sam kay Agos at napa-iwas ito ng tingin. Alam niya na hindi kayang sagutin ng kanyang ama ang kaniyang tanong. Muling bumuhos ang mga luha niya at umalis ng silid. Tumakbo siya, hanggang sa hindi inaasahan na dalhin siya ng kanyang mga paa sa silid na nasa pagitan ng silid. Pagkabukas niya non ay nakita niya si Brix. Naninigarilyo ito roon, bakas ang gulat sa mukha nito ng makita siya at akmang papatayin sana ang sigarilyo ng kunin iyon ni Samantha at mabilis na hinithit. Nang maubos ang isang sigarilyo ay muli siyang nagsindi ng isa. Pinakatitigan siya ni Brix ng halos i-isang hithit niya ang pangalawang sigarilyo. Akmang magsisindi na siya ng pangatlo ng kunin na iyon ni Brix. "Sam.." sambit niya sa pangalan n

