"Sam, pasensya ka na pero hindi ako sang-ayon sa nais mo." wika iyon ni Brix bago hinaplos ang pisngi ni Samantha. Pinahid niya ang mga luha nito. Hindi ito agad nakatugon sa kanya sa kanyang sagot. Walang ginawa si Sam kundi ang lumuha lang. "Sam..." Niyakap ni Brix si Sam pagkatapos ay hinaplos ang likod nito. "Patawad, pero hindi kita kayang ilayo sa tungkulin mo, lalong lalo pa sa mga magulang mo. Hindi ko gagawin iyon dahil sa nagmamahalan tayo. Hindi sagot ang bagay na iyon para takasan kung anong pinagdadaanan mo ngayon. Makakasakit ka lang, tayo.. dahil maraming tao ang umaasa sa atin, sa paglilingkod natin. Anong mangyayari kapag umalis ka ng palasyo lalo na sa panahon ngayon na napakaraming kinakaharap ng Salinlahi?" Sinalubong ni Sam ang mga tingin ni Brix. "Alam ko, naiint

