"Tay, hindi ako papayag na gawin mo iyan, na bahiran mo ang kamay mo ng isang kasalanan na maaaring ikapahamak mo, hindi ko hahayaan na mag-buwis ka ng buhay ng dahil sa akin." pigil ni Sam sa kanyang ama. Hinawakan niya ang kamay nito at pinisil iyon, "Wala na akong magagawa pa kundi ang pumayag sa nais nila. Na kung tutuusin iyon naman ang aking kapalaran hindi ba?" tanong ni Sam sa kanyang mga magulang kaya hindi napigilan ni Cecilia na yakapin siya ng mahigpit. "Ayoko anak," wika pa ni Agos. "Hindi ko kayang gawin iyan sa iyo, na labag sa loob mo." wika pa nito at tumango si Cecilia na ngayon ay lumuluha na rin. "Tay, simula pa lang alam ko ng mangyayari ito. Una pa lang alam ko nang ganito ang magiging kapalaran ko. May itinakda man o wala alam kong ipagkakasundo rin ako ng Sali

