Prologue: Feliciano's word and realization
Laura, hindi ko mabilang kung ilang beses mo 'kong napapasaya kahit na may mga bagay na dapat akong malungkot, ang tanging nararamdaman ko ay hindi ko 'to maunawaan sapagkat kakaiba ito.
Hindi lang basta tuwa kapag pinapatawa mo 'ko, masaya ako dahil kasama kita na tila ba'y nakalimutan ko na ang mundo -ang problema ko sa mundo.
Ikaw ang madalas kong solusyon, ikaw lamang ang nagbigay ng saya sa'kin ng ganito.
Ngunit sa kabila ng kaligayahan na yun ikaw din ang naging dahilan ng kapanglawan na nararamdaman ko, alam ko na sinira ko, sinira ko ang isa sa mga pangako, iyon ay ang protektahan ka.
Kung maaari ko lamang balikan ang nakaraan gagawin ko, ngunit hindi ito maaaring maganap, pinagsisihan ko lahat. paumanhin kung ako ang dahilan ng pagkawala mo, aking Laura.
Feliciano.
Nagdadalawang isip akong pumunta kung nasaan ka, Laura, pababa na ang araw ng makita kita.
"Sana nakikita mo rin ito." bulong ko sa sarili.
Malalim na buntong hininga ang aking ginawa upang labanan ang nagbabadyang luha na kanina ko pa pinipigilan pero hindi ako nanalo sa emosyon na ito.
Hindi ko maiwasan na sisihin ang sarili sa nangyari, sa pag kawala mo, Laura. Alam ko naman na ako ang may kasalanan, hindi ko nagampanan ang responsibilidad na dapat kung gawin. Nilagay ko ang paborito mong bulaklak na daisy, malapit sa picture frame kung nasaan ang 'yong larawan.
"Napakaganda mo, bagay na bagay saiyo ang bulaklak na iyan." sabi ko habang inaayos ang mga bulaklak.
Napangiti na lamang ako ng maalala ko nang lumabas tayo upang panoorin ang paglubog ng araw, at kuhaan ito ng litrato.
[FLASHBACK]
"Ang ganda!" manghang sabi ni Laura dahil pinakita ko sa kanya ang litratong kinuha ko.
"Kuhaan mo nga rin ako ng litrato dito." Dagdag pa nito.
"Sige, pwesto na." Payag ko habang inaayos ang kamera ko.
Kinuha ni Laura ang daisy na binigay ko sa kanya bilang decorations sa magiging litrato niya, naramdaman ko na namula ang aking pisngi dahil sa ginawa niya.
"Ready na ba?" tanong sa'kin nito.
"Oo, ngiti ka." Ngumiti naman siya, lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko para itong kakawala.
Napagod na rin si Laura sa pagpapakuha ng litrato, niyaya niya muna akong umupo sa tabi niya para namnamin ang pagbaba ng araw.
"May sasabihin ako." biglang sabi ni Laura at nabasag ang katahimikan bumabalot saming dalawa.
Tinignan ko lamang ito, at hinihintay na sabihin ang nais niyang sabihin.
" Hmmm, salamat sa daisy." pagsasalamat nito sa'kin.
"Walang problema." bilang tugon ko, binalik ko ang tingin ko sa araw, at nakangiting minamasdan ito.
"Feli-Feliciano," utal nitong sabi.
"Bakit?" tanong ko dito.
"Gusto ko k-kita." Naibalik ko ang tingin kay Laura dahil sa kanyang sinabi, nakayuko siya, siguro'y nahihiya kaya tinatago niya ang mukha niya.
Tinignan ako ni Laura, nagtama ang tingin namin pero nagpanggap ako na wala lang ito sa'kin, at nginitian ko lang ito upang hindi niya mahalata na naapektuhan ako sa sinabi niya.
[END OF FLASHBACKS]
Nagising ako sa realidad nang dumampi sa'kin ang ilaw ng buwan. Naramdaman kong humangin ng malamig at katamtamang lakas na nagbigay sakin ng kalmahan.
Pinikit ko ang aking mata upang damhin ito, iniisip ko na nandito ka, Laura, para masabi ko rin ang nararamdaman ko para sa'yo.