CHAPTER 5

1034 Words
Tumayo si Jewel at nagpunta sa lamesa, hindi na naman niya mapigilan ang pagtalak sa kanyang mga nakitang mga pagkain at tinaasan ng kilay si Jacob. "Ano 'tong mga to? Dog food? Dugyot lang naman ang kakain ng mga ganito eh!" pagrereklamo niya. Kinuha ni Jacob ang upuan sa ilalim ng mesa at nagwalang kibo sa kanyang mga naririnig. Nagpamewang si Jewel na nainsulto sa ginawang pag snob sa kanyan ng gwapong binata. "Ang kapal... porket guwapo uma-attitude na. Kukulubot din 'yang mukha mo pag dating ng araw at wala kang pang retoke dahil 'jan sa pride mo!" Umupo si Jewel at tinitigan niya ang mukha ni Jacob na parang walang naririnig. Pumikit ang binata at nagdasal ito sa harapan niya. "Maraming salamat po sa lahat ng blessings na natatanggap ko, ama. Utang na loob ko po sa inyo ang pagkain na nakahain sa aking harapan. Maraming salamat din po dahil tinuruan ako ng aking mga magulang na maging simpleng tao at mapagpasenya. Sana ay mas lalo pang dumating ang mgaraming grasya sa aking buhay. Amen!" taimtim na panalangin ni Jacob. Titig na titig si Jewel sa guwapong mukha ni Jacob at para itong maiihi sa kilig. Pagdilat ni Jacob ng kanyang mga mata, nakita niyang nakatitig sa kanya si Jewel at tumulo ang laway nito sa kanyang bibig. Kinuha naman ni Mr. Diaz ang kanyang panyo at pinunasan ang tulalang babae. Nahimasmasan naman si Jewel at kumuha ng plato niya para kumain. Naalala niya na bawal niyang kulitin si Jacob tungkol sa lupa nito kaya si Mr. Diaz na lamang ang kanyang kinausap. "So, pag nabili na natin itong lupa na ito Mr. Diaz, I am sure na magiging number na ang ating kumpanya sa ating bansa!" "Yes, Ma'am Jewel. Tons of golds worth millions or billions are waiting for us," napalingon si Mr. Diaz kay Jacob. "Kaya lang mukhang mailap ang pagkakataon sa atin, and mapapasabak po kayo s matinding challenge!" Tinaas na naman ni Jewel ang kanyang kilay kay Jacob. "Ano bang pinagsasabi mo diyan? Ako pa ba? I went abroad to study and I would say that I can do it... wala naman sigurong masama kung gagamitin ko ang mga natutuhan ko para mapasaakin ang lupang ito!" Walang kibo pa rin si Jacob at patuloy lamang ito sa kanyang pagkain. Ipinagpatuloy lamang ni Jewel ang kanyang pagpaparinig para mabuwisit ang binata sa kanya. "So, dahil malapit na rin naman natin makamkam ang lupa na ito, ano ba ang magandang gawin para mag celebrate? Pumunta tayo ng beach kasama ang seller? Mag throw ng party kasama ang seller? Or dito mismo tayo magparty kasama ang seller? What do you think, Mr. Diaz?" "Ah... puwede naman, actually kayo pa rin naman po ang masusunod Ma'am Jewel, pero mas maganda sana kung tutulong na lamang tayo sa foundation para kahit sirain natin at kalkalin ang buong lugar na ito, mayroon naman tayong mabuting nagawa sa ibang tao!" sagot ni Mr. Diaz. Napahinto si Jacob sa pagkain at tiningnan niya ng masama si Mr. Diaz. "Kahit pa nangangako kayong i-donate lahat ng pera sa kahit na anong foundation at charities, hindi 'yan uubra sa akin. Lumang taktika na 'yan at kahit pa ilang beses kayong magparinig para masapul ako, waepek din 'yan!" Lumingon si Jacob kay Jewel. "Mautak ka rin eh no? Hindi mo nga ako kinausap tungkol sa lupang ito, pero nagpaparinig ka naman!" Umiwas ng tingin si Jewel kay Jacob at nagwalang kibo ito, gumaganti siya para sa pang i-isnob na ginagawa sa kayan ng guwapong binata. Ngumisi si Jacob na para bang nakaisip ito ng magandang paraan. Tumingin siya kay Mr. Diaz at nagtanong ito. "Paano po kaya kapag nagpatayo ako ng foundation sa labas ng pamamahay ko? Marami kaya ang mga mayayaman na magdodonate?" Natulala si Jewel sa binanggit ni Jacob at nahalata niya na para bang gumaganti ito. Nagpatuloy si Jacob sa kanyang pagsasalita. "Kasi dati ay gusto po talaga namin magtayo ng bahay ampunan para sa aming mga kapos palad na gaya namin!" "Oo naman Jacob, marami ang magdodonate, lalo na si Ma'am Jewel. Kung hindi mo naitatanong, nakagraduate 'yan sa ibang bansa at galante 'yan!" Ngumisi naman si Jacob na para bang nang-aasar. "Sus, alam mo sir wala talaga akong bilib sa mga nakapagtapos ng pag aaral, 'yung iba kasi wala naman mga modo at wala pang respeto. Ako hindi naman sa nagyayabang ako pero magalang akong anak at mahal na mahal ko ang mga magulang ko. Kahit na hindi ako nakapagtapos ng pag-aaral, alam ko na maganda ang ugali ko. Tinuturo po ba ang kagandahang asal sa mga private schools na sosyal ang mga pangalan?" "Oo naman, gmrc ang tawag at values formation sa ibang school!" sagot ni Mr. Diaz. "Talaga po? Eh yung isa kaya dito nakapag aral ba nun? Teka lang, huhulaan ko bumagsak siya? Hahaha!" pang aasar ni Jacob. Medyo nag iinit na rin ang ulo ni Jewel pero pinilit nitong magwalang kibo sa kanyang narining. "Siya nga pala, alam mo sir, itong lupa ng bahay namin, marami ang mga multo dito. Pag nakita niyo po ang mga magulang kong naglalakad sa labas o sa loob, batiin niyo na lang at i-kumusta niyo ako!" "Don't worry Jacob, hindi naman ako takot sa multo. As a matter of fact, hindi nga ako takot matulog mag-isa sa kwarto. Kahit sa puntod ng lolo ko, pinupuntahan ko 'yun ng gabi and so far, wala naman akong nakikitang multo pero 'yung mga babaeng makapal ang make up pag gabi marami!" "Eh yung isang hilaw na kasama mo? Baka mamaya mapasigaw 'yan sa takot. Wala pa naman sasaklolo sa kanya at tsaka mahilig manakot ng maaarte ang tatay ko n'ung nabubuhay pa siya!" Hindi na nakapag timpi pa si Jewel ang tinarayan na naman nito si Jacob. "Hoy excuse me, a ghost is not real. I know for a fact that those so-called ghosts were created by people who benefit from it like 'yung mga ghost hunters!" Muli, hindi na naman pinansin ni Jacob si Jewel at umiwas na naman siya ng tingin sa dalaga. "Pero alam mo Mr. Diaz, kung ikaw ang tatanungin ko, kapag ba mahalaga ang isang bagay sayo, ipagbibili mo 'ba ito sa iba?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD