CHAPTER 4

1495 Words
"For sure akong naisip mong bumalik sa bahay ni Jacob! Kesa naman sa ma stranded tayo sa lugar na ito sa kalagitnaan ng ulan, mas maigi pang bumalik tayo sa bahay niya!" Seryosong sabi ni Jewel. Iniliko ni Mr. Diaz ang sasakyan at bumalik sila sa bahay ni Jacob na nakasara. Kumatok si Mr. Diaz at agad naman siyang pinagbuksan ng pinto ni Jacob. "Puwede ba muna kaming makituloy? May landslide kasi sa labas at gusto lang sana namin sumilong! Wag kang mag-alala, hindi naman ako maselan. Pero yung kasama ko-" "Excuse me, sa tingin mo Mr. Diaz maselan ako? Wala naman akong nakikitang mali kung dito muna tayo mag stay habang hinihintay ang pagtila ng ulan," pagpuputol ni Jewel sa pagsasalita ni Mr. Diaz sabay pasok sa loob. "Saan ang kwarto mo, Jacob? Sa sahig ka muna matulog, ayaw ko ng katabi!" "Siga ka ba? Hindi ka pwedeng matulog sa kwarto ko, ikaw ang dapat sa sahig matulog!" Pagtutol ni Jacob. Natawa na lang si Mr. Diaz sa away ng dalawa na parang aso at pusa. Tiningnan ni Jewel ng masama si Jacob at tinaasan niya ito ng kilay. "Basta wag kang makulit, hindi ba't gusto mong maging gentleman kanina? O pwes, patulugin mo ako sa kuwarto mo!" "Sa tingin mo ba hanggang gabi uulan? Mamaya din, uuwi kayong dalawa at baka kung ano pang kababalaghan ang gawin ninyo dito sa pamamahay ko!" "May landslide na diba? Kung tumila man ang ulan, sa tingin mo ba kakayanin ng mga rescuer na tanggalin ang gumuhong lupa sa loob lang ng isang araw! Basta, dito muna kaming dalawa ni Mr. Diaz!" Napakamot sa ulo si Jacob sa pagtataray ni Jewel sa kanya kaya nagpatalo na lang ito. "Sige na, puwede kang matulog sa kwarto ko! Pero dapat mong sundin ang alituntunin sa pamamahay ko. Rule number one, maraming lumilipad na insekto, ipis, at daga dito. Mga alaga ko sila at hindi mo sila puwedeng patayin! Rule number 2, wala kang pakikialaman na gamit sa lugar na ito, sa oras na mahuli kita, papaalisin ko kayo kaagad ng walang sabi sabi! Rule number 3, kung ano ang ihain kong pagkain, hindi ninyo puwedeng tanggihan, baka nakakalimutan mong nasa pamamahay kita at bilang respeto, dapat tanggapin mo lahat ng ialok ko! At rule number 4, linisin ninyo ang mga kalat ninyo dito sa bahay, and the last rule, ayaw kong pag-usapan natin ang tungkol sa pagbebenta sa lupang ito kasi wala kayong magagawa para magbago ang isipan ko!" "Okay fine, maliit na bagay lang 'yan kung tutuusin! Ihatid mo ako sa kwarto mo at pahiramin mo ako ng damit!" "Wow, boss na boss ka nga talaga! Parang pinapasahod mo ako sa tono ng pananalita mo eh!" "Wag mo nang sayangin ang oras ko, kapag nagkasakit ako sisiguraduhin kong ipakukulong kita!" Pananakot ni Jewel. "Halika, sumama ka sa akin!" Sambit ni Jacob. Inihatid ni Jacob si Jewel sa kwarto nito at nagpasensya ito sa mga kalat na nadatnan ni Jewel sa kwarto niya. "Pasensya ka na, magulo talaga ang kwarto ko kasi hindi ako nakapaglinis!" Nandiri si Jewel sa itsura ng kwarto ni Jacob at hindi siya nahiyang magbigay ng opinyon patungkol rito. "Iw, your room is filthy!" "Ano 'yung filthy? Parang masarap pakinggan eh!" Tanong ni Jacob. "Filthy means dirty!" Sabi ni Jewel with an American accent. "Hindi naman kita pinipilit eh! Mukhang maselan ka talaga kagaya ng sinabi ng kasama mo!" "No, I will sleep here and you're gonna clean up all the mess!" "Clean? Bakit hindi mo gawin, ikaw ang nakaisip!" "Ganyan mo ba itrato ang mga bisita mo? Or should I say, ganyan ba ang tinuro ng parents mo sayo? I'm very sure they would tell you exact thing if they were here!" Napakamot na naman sa ulo si Jacob at ayaw na nitong makipagtalo pa. "Sige na nga, lumabas ka muna! Pagbalik mo dito, wala ka ng germs na makikita, Madam!" "No, titingnan ko kung paano ka maglinis, baka mamaya lagyan mo ng ipis ang ilalim ng higaan ko eh!" "Ano ako bata? Nakakagigil ka nang babae ka! Ang arte arte mo, parehas lang naman tayong dumudumi at umiihi at parehas din na kabaong ang hihigaan natin kapag namatay tayo!" "Yeah, but still, I wanted to stay here! So stop blabbering and just clean this entire room!" "Eto na nga po Madam eh!" Linggid sa kaalaman nilang dalawa, palihim silang kinukuhaan ng video ni Mr. Diaz sa bintana. Ganitong ganito kasi sila ng kanyang asawa bago sila noong sila ay magsama kaya nakikita niya ang sarili niya kay Jacob. Umabot ng mahigit isang oras ang paglilinis ni Jacob sa kanyang kwarto dahil sa dami ng kalat dito. Pinalitan din niya ng bagong punda ang unan at inilabas ang bagong sapin sa kasama. Binigyan din niya ng damit si Jewel na nagpalit sa C.R. Maya maya pa ay lumabas si Jewel suot ang damit ni Jacob at inutusan na naman niya ang nagpapahingang binata. "Ipagluto mo nga ako ng pagkain!" "Wow, ano ako robot na walang pahinga?" Pagrereklamo ni Jacob. "Hindi naman ako magrereklamo sa iluluto mo eh! Pero siyempre dapat masarap para wala kang marinig na negative sa akin!" "Pinalaki ka sigurong spoiled at tamad ng mga parents mo kaya ganyan ka umasta!" Naiiritang sabi ni Jacob. "Whatever, babae ako at dapat nagpapaka gentleman ka! Sige ka, kapag may niligawan kang babae sasabihin ko ang totoong ugali mo!" Tumayo si Jacob at tinanong si Jewel. "Nasaan na ang grocery na dala mo kanina? Ayun na lang ang lulutuin ko!" "Wow, napaka gentledog mo talaga! Pumunta ka sa labas at tanungin mo si Mr. Diaz!" Agad na itinigil ni Mr. Diaz ang pagkuha ng video at humarap kaagad kay Jacob. "Yes, sir Jacob!" "Okay ka lang ba? Bakit parang nakakita ka ng multo diyan!" Tanong ni Jacob. Humingi ng paumanhin si Mr. Diaz sa kanya. "Pasensya na po kayo, ano pong kailangan ninyo?" "Pinapakuha ni Senyora ang mga pinamili ninyong mga grocery-" Lumabas si Jewel at pinutol ang pagsasalita ni Jacob. "FYI, ikaw ang nagsabi na ang grocery ang lulutuin natin!" "Wag na kayong mag-away jan! Ganyang ganyan din kami ng asawa ko dati noong nagsama kami sa isang bahay. Sige kayo, baka kayo ang magkatuluyan jan!" Nakangiting sabi ni Mr. Diaz. Magkaiba naman ang reaksyon ni Jacob at Jewel. "Iw! Mas gugustuhin ko pang mag-asawa ng kapwa ko lalaki kesa jan sa maarteng babae na 'yan!" Nandidiring sabi ni Jacob, "eh kahit na 'yan siguro ang natitirang babae sa mundo, mas gugustuhin ko na lang mamatay na virgin eh!" "No comment!" Maikling sagot ni Jewel na namumutla. "Tara sa labas," pag aaya ni Mr. Diaz. Nagpayong silang dalawa ni Jacob para kuhain ang grocery na kanilang ipinamili. Pagbalik nila ay tumulong si Mr. Diaz na magluto ng instant pancit canton, hotdog, tocino, at instant noodles. Samantalang walang kibo si Jewel na umidlip sa sofa. 30 minutes ang nakalipas, ginising na ni Jacob si Jewel. "Gising na po, Senyora! Luto na ang pagkain natin!" Agad na nagising at bumangon si Jewel ng marinig ang "Sayang, akala ko hindi ka na magigising!" Pagbibiro ni Jacob. "Sorry ka! Malakas akong kumain ng carbonara kaya alam kong mahaba ang buhay ko!" "Nakahain na ang pagkain, kayo nalang ang hinihintay!" Pagputol ni Mr. Diaz sa asaran nila Jacob at Jewel. Bumangon na si Jewel at kitang kita sa mukha nito ang pandidiri sa mga pagkain sa lamesa. At nakita ito ni Mr. Diaz kaya pinagaan niya ang loob ng dalagang hilaw. "Tiis lang po tayo, Ma'am Jewel! Bukas na bukas din, bibili tayo-" "Wag kang mag alala, naisip mo na 'yan Mr. Diaz!" Pangbabara ni Jewel sa kanya. Kumain silang tatlo ng tahimik at pagkatapos ay dumiretso si Jewel sa kwarto na parang aso. "Pagpasensyahan mo na si Ma'am Jewel, alam kong kanina ka pa napipikon sa inaasal niya!" Nahihiyang sabi ni Mr. Diaz kay Jacob. Nagsuplado naman si Jacob na binara si Mr. Diaz dahil pakiwari niya ay mayroon itong ibang intensyon. "Alam ko na 'yang taktika mo! Kukuhain mo ang loob ko para mabili niyo itong bahay!" "Hindi naman po sa ganoon, sir Jacob! Sorry, ginagawa ko lang naman ang trabaho ko," mahinanong sabi ni Mr. Diaz. Binilisan ni Jacob kumain sapagkat naiinis siyang makipag usap kay Mr. Diaz. "Hugasan mo 'yan at pagsilbihan mo ang maldita mong boss!" Umalis si Jacob at kinuha nito ang kanyang banig sa cabinet at inilatag sa sala na malapit sa lamesa. "Dito ka matutulog sa sahig at ako sa sofa! Bukas na bukas, ayaw ko nang makikita ang pagmumukha ninyo at ng kahit na sino sa kumpanya ninyo!" Hindi umimik si Mr. Diaz, bagkus ay iniligpit na lamang nito ang mga plato at kubyertos para hugasan. Sa kabilang banda naman, ka chat ni Jewel ang kanyang mga magulang at ikinukuwento nito na na stranded sila at pansamantala munang nakikituloy sa bahay ni Jacob. Inudyukan naman siya ng kanyang ama na gumawa ng hindi kanais nais sa bahay ng gwapong binata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD