CHAPTER 3

1046 Words
Sinaraduhan niya si Jewel ng pinto at rinig ang lakas nito sa kotse kung saan masayang pinagmamasdan ni Mr. Diaz ang pambabara ng gwapong lalaki kay Jewel. Hinampas ni Jewel ang pinto ng malakas. "Hoy, buksan mo 'tong pinto, hampaslupa ka! Hindi pa tayo tapos mag-usap sinaraduhan mo na ako kaagad ng pinto!" Lumapit si Mr. Diaz para awatin si Jewel. "Ma'am, we can do it some other time, wala pong mangyayari sa pag-uusap ninyo dahil mainit parehas kayong ayaw magpatalo!" "Shut up, don't lecture me Mr. Diaz kung ayaw mong sayo ko ibuntong ang galit ko sa lalaki na 'yun!" Nanggigigil na sabi ni Jewel. Patuloy na hinampas ni Jewel ang pinto pero at patuloy ito sa pagtalak, ngunit hindi na lumabas ang gwapong lalaki. "HOY, LUMABAS KANG HAMPAS LUPA KA! WAG MO AKONG BABASTUSIN!" "Ma'am, puwede naman po tayong pumunta rito next time! Mas maganda po kung palipasin muna natin ang araw na ito!" Pag-aawat ni Mr. Diaz. Napagod si Jewel at sumunod na lang ito sa sinabi ni Mr. Diaz, subalit bago umalis, nagsalita muli si Jewel. "Tandaan mo lalaki, hindi ako titigil hanggat hindi ka pumapayag na ibenta ang lupa na ito, hu! Wala akong bagay na hiniling na hindi ko nakuha, tandaan mo 'yan!" Biglang bumuhos ang malakas na ulan at tila ba ay ayaw nitong paalisin sila Jewel at Mr. Diaz sa lugar. Hinubad ni Mr. Diaz ang kanyang corporate attire at pinahiram kay Jewel na ginamit pang cover ng kanyang ulo para hindi ito mabasa at sumakay sila sa sasakyan. Pagbalik nila ng office ay kaagad na nakipag video call si Jewel sa kanyang mga magulang. "I'm sorry, Ma! I failed to fulfill my promise!" "It's okay, dear! There is nothing to apologize!" Sambit ni Selena sa anak. "Why did you fail?" Tanong ni Brent. "He told me that his house is not for sale, that stupid land was her parent's last legacy so refuse to sell it!" Paliwanag ni Jewel. "I see, why don't you try to go to Mayor Olivarez and talk to him? Who knows if he could do something to convince the owner of the house?" Payo ni Selena. Nanindigan si Jewel na hindi siya hihingi ng tulong sa ibang tao para makuha ang inaasam asam nilang lupa. "Nope, I have another way to deal with this problem, just like what I have promised, I am gonna get that house because I want you to be proud of me!" "Okay dear, we've got your back! Basta kailangan nating makuha ang lupa na 'yon sa lalong madaling panahon!" Pagsuporta ni Selena sa anak. "Basta, if you need anything nandito lang kami ni Mommy mo!" Sabi ni Brent. "Okay, thank you, Mom and Dad! Stay safe there, bye!" Pagpapaalam ni Jewel. Nanatiling malungkot si Jewel. Wala itong ganang kumain at lumabas sapagkat nahihiya ito makipagkita sa ibang tao dulot ng kanyang kapalpakan. Kinabukasan, muli siyang nagtungo sa tahanan ng gwapong lalaki dala ang kanilang ipinamiling mga damit, sapatos, at grocery nila Mr. Diaz. Nadatnan nila ang binata na naglalaba ng damit sa labas at wala itong pang itaas na suot. Lumapit sila dito at nang mapansin sila ng binata, tumigil ito sa paglalaba at nayamot sa kanilang pagdating. "KAYO NA NAMAN?" Malakas na sigaw ng binata. "I am sorry kung nagalit ako kahapon, ako nga pala si Jewel!" Pagpapakilala ni Jewel sabay abot ng kanyang kanang kamay para makipag handshake. Tinanggihan ng gwapong lalaki ang kamay ni Jewel pero nakipagkilala ito. "Ako si Jacob, pero hindi ko kayo gustong makita!" Ibinigay nila Mr. Diaz at Jewel ang kanilang mga pinamiling mga damit, sapatos, at grocery sa binata ngunit tinanggihan niya pa rin ito. "Sa tingin niyo ba masisilaw ako sa mga ibibigay ninyo sa akin? Sorry, hindi ako pinalaki ng magulang ko na maluho sa buhay, Makakaalis na kayo!" Pagsusungit ni Jacob. "Sir, hindi niyo po ba nais na maiangat ang buhay ninyo? Sigurado ako na kung nabubuhay pa rin ang mga magulang ninyo, gugustuhin nilang ibenta ang bahay na ito! Pumayag na kayo, sir Jacob!" Mahinahong pakiusap ni Mr. Diaz. Pinabulaanan naman ito ni Jacob. "Sigurado ka ba? Kasi mas kilala ko ang mga magulang ko kesa sayo kaya alam ko na hindi rin sila papayag na ibenta itong lupa!" Nagtinginan sila Mr. Diaz at Jewel sapagkat sila ay dismayado sa pagmamatigas ng binata. Sinenyasan naman si Jewel si Mr. Diaz na bumalik na lang ito sa sasakyan at siya na ang bahala makipag usap kay Jacob. Sumunod naman si Mr. Diaz at dinala niya ang kanilang mga pinamiling mga sapatos, damit, at groceries. Nang makaalis si Mr. Diaz, kinulit ni Jewel si Jacob at tinanong niya ulit kung ano ang maaari niyang gawin para makumbinsi ito na ibenta ang kanyang lupa. "Ano ba ang gusto mong gawin ko para lang ibenta mo ang lupa?" Mahinanong tanong ni Jewel. Tiningnan ni Jacob ang mga legs ni Jewel at napalunok ito na para bang gusto niyang idampi ang kanyang mga dila sa kanyang nakikita. Hindi pinansin ni Jewel ang malisyosong tingin ni Jacob sa kanyang legs, bagkus ay inulit ulit nito ang kanyang tanong. "Please tell me what should I do to convince you, Jacob?" Tumingin si Jacob sa mukha ni Jewel at tila ay lutang ito. "Ha? May sinasabi ka, Miss?" Hinabaan lamang ni Jewel ang kanyang pasensya at inulit na naman nito ang pagtatanong sa binata. "Ang sabi ko, ano na ang dapat kong gawin para makumbinsi ka?" Umulan na naman ng malakas at nabasa si Jewel at Jacob na nagmalasakit sa dalaga. "Bagamat hindi mo ako makukumbinsi, gusto ko pa ring magpaka gentleman kaya sumilong ka muna sa bahay! Madulas ang daan at mahihirapan kayong makauwi dahil madulas sa daan." Dumating si Mr. Diaz at pinayungan nito si Jewel at inayang umuwi. "Tara na, Ma'am Jewel. Baka magkasakit pa po kayo!" Pag-aalala ni Mr. Diaz. Sumama si Jewel kay Mr. Diaz at bumalik sila sa sasakyan para umuwi. Subalit nagkaroon ng landslide sa hindi kalayuan at wala na silang ibang daan na maaari nilang daanan para makabalik sa office. "Ma'am, ano po ang gagawin natin? Wala pong alternate route pabalik sa office at wala rin pong malapit na hotel na puwede natin matuluyan pansamantala!" Sambit ni Mr. Diaz na hindi alam kung anong gagawin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD