Nakisali sa usapan si Jewel at nagpatawag kaagad siya ng meeting sa conference room at agad nagpunta ang mga Board of Directors na sila Mr. Alvarez, Mr. Ignacio, at Mr. Dela Fuente. Hindi naman nahuli si Mr. Diaz, na isang Vice President. Sumali rin sa usapan ang kanyang mga magulang na tahimik na nanood sa video call. Nakatayo si Mr. Diaz at ipinapaliwanag nito ang kanilang pinaplanong malaking proyekto gamit ang powerpoint.
"Our research team has spotted a place where tons of gold are engraved and of course, we will earn a lot once we get those golds!"
"As you see, the major problem is what you see! Mayroong nakatirik na bahay sa lupain na 'yan which is an eyesore!" sambit ni Mr. Diaz na inilipat ang slide.
Nagmaldita na naman si Jewel at nagvolunteer ito na siya ang gagawa ng paraan para maayos ang kanilang problema. "May I interrupt your nonsense report! Let me handle that issue, if you don't mind!"
"But we did everything we could to talk to that Jacob but until now, ayaw niyang pumayag sa mga offers namin." Malungkot na sabi ni Mr. Diaz.
"It's because you are incompetent, Mr. Diaz! You are no different from the stupid old freak guy who can't even kill an insect, I am a different person and there is nothing I want that I did not get! I will get this land by any means necessary!" Patuloy na pagpapahiya ni Jewel.
Hindi naman umimik ang kanyang mga magulang, bagkus ay hinayaan lamang nila si Jewel sa pambabastos nito.
"I wanted to go there personally para makilala ko ang hampaslupang Jacob na yun and I promise to get rid of him!"
Natahimik si Mr. Diaz na halatang nayayabangan kay Jewel.
"Ibigay mo ang address ng mga 'yan at bukas na bukas din, wala na tayong problema!" Pag uutos ni Jewel kay Mr. Diaz sabay walk out. Pinatay na rin ni Brent ang videocall nilang mag-asawa at agad na pinatay ni Mr. Alvarez ang kanyang laptop, naupo si Mr. Diaz at naglabas ito ng sama ng loob sa mga Board of Directors na sampung taon na niyang kaibigan.
"Napakayabang umasta ni Jewel, palibhasa kasi sinanay ng mga magulang na maging spoiled at bastos. Naging hobby niya tuloy ang mamahiya ng ibang tao!" Nanggagalaiting sabi ni Mr. Diaz.
Nagbigay naman ng munting payo si Mr. Ignacio sa kanya, "Pagpasensyahan mo na pre, natiis naman natin ang pag-uugali ng mga magulang niya sa mahabang panahon. Hindi naman siguro imposibleng mapakisamahan din natin siya!"
Sumangayon naman dito si Mr. Dela Fuente. "I agree, totoo nga ang kasabihang, kung ano ang puno, siya rin ang bunga! Matagal ko na nga rin gustong umalis sa kumpanyang ito, kaya lang feeling ko kasi wala naman tatanggap sa akin na ibang work at kahit papaano, malaki pa rin ang utang na loob ko sa pamilya Montreal."
"Mga lahi sila ng gahaman at mapang-api, kung tutuusin nga, hindi pumayag ang mayor ng Alabasta na mag mina sa lugar na 'yon pero alam niyo namang tinakot sila nina Madam kaya napapayag sila!" Pagsisiwalat ni Mr. Diaz.
"Wala naman tayong magagawa sa ganyang mga bagay, malaki ang kinikita natin dahil sa kanilang mga iligal na ginagawa, lunukin lang natin ang pride natin hanggat kaya natin! Pasasaan pa't may karma talagang dadating sa buhay ng mga 'yan!" Sambit ni Mr. Dela Fuente. "Sayang, magandang babae pa naman siya at saka seksi!"
"Saka na tayo mag-usap, baka mahalata tayo eh!" Natatakot na sabi ni Mr. Diaz.
Kinabukasan, ipinagmaneho ni Mr. Diaz si Jewel at nagtungo sila sa Alabasta para kausapin ang nakatira rito. Kumatok si Mr. Diaz sa pinto ng ilang beses. Nainip si Jewel itinulak niya si Mr. Diaz.
"Tumabi ka nga jan, Mr. Diaz, hintayin mo ako sa sasakyan!" Pag-uutos ni Jewel.
Sumunod kaagad si Mr. Diaz na nagpunta sa sasakyan at pag-alis niya, kumatok si Jewel at maya maya pa ay may yapak ng paa siyang narinig galing sa loob at bigla itong nagsalita.
"Sino 'yan?" Tanong ng isang lalaki galing sa loob ng bahay.
"Please open the door!"
Halos huminto ang mundo ni Jewel ng makita niya ang napaka gwapong lalaki. Moreno siya at matangos ang ilong, maganda ang kanyang pangangatawan at malagkit siya kung tumingin. Makapal ang kanyang mga kilay napaka disente niyang tingnan sa kanyang gupit. Nang magsalita ito, nakita ni Jewel ang kanyang mga magagandang ngipin na nagtatago sa kanyang mapupulang labi na masarap halikan.
"Sino po sila?" Tanong ulit ng lalaki.
Nagpacute si Jewel na para bang inaakit ang lalaki sa kanyang mga tingin. "Hi, ang gwapo mo naman! Hindi ka bagay tumira sa ganitong lugar, wala kang future dito, ibenta mo na itong bahay at ibibili kita ng condo!"
Biglang sumimangot ang lalaki dahil may kutob ito na empleyado ang babae ng minahan na kumukulit sa kanya. "I am sorry, hindi ko po ipinagbibili ang bahay na ito ano man ang mangyari!" Pagmamatigas ng lalaki.
Naging pabebe ang boses ni Jewel at hinawakan nito ang mga balikat ng binata at inilapit ang kanyang mukha rito. "Ang sungit sungit mo naman, hindi ka ba nagagandahan sa akin?"
Tinanggal ng lalaki ang mga kamay ni Jewel sa kanyang balikat at nayamot ito. "Alam mo, umalis ka na lang dito kasi kahit anong gawin mo, hindi mo ako makukumbinsi na ibenta ang bahay ko. May titulo ako ng lupa at malakas din ang kapit ko kay Mayor!"
Nairita si Jewel sa pambabastos sa kanya pero naging kalmado muna ito at ginamit niya ang salapi sa pag aakalang papayag ang lalaking gwapo sa kanya. "You name the price, bibilhin ko itong bahay mo sa kahit na anong halaga!"
"ANG KULIT MO MISS, MAGANDA KA PERO PARA KANG SIRANG RADYO NA PAULIT ULIT! HINDI KO NGA IPINAGBIBILI ANG BAHAY NA ITO SA KAHIT NA ANONG HALAGA, ITO LANG ANG PAMANA NG MGA MAGULANG KO BAGO SILA MAWALA AT MAGIGING ISANG KAHIHIYAN AKO KAPAG IPINAGPALIT KO ITO SA SALAPI!" Paninigaw ng gwapong lalaki kay Jewel.
Hindi na nakapagtimpi pa si Jewel at ipinakita nito kung gaano siya ka maldita. "ABA BASTOS KANG PESTE KA! HOY BAKA HINDI MO ALAM KUNG ANONG BINABANGGA MONG KUTONG LUPA KA!"
"AYAW KO NG GULO MISS, IKAW ANG UNANG NAG ISKANDALO RITO! UMALIS KA NA LANG!" Pagpuputol ng gwapong binata sa pagsasalita niya.
Ipinakita naman ni Jewel na wala itong nararamdamang takot sa binata. "KITA MO, HINDI PA AKO TAPOS MAGSALITA PERO SUMASABAT KA NA, TAPOS SASABIHAN MO AKO NA BASTOS EH IKAW RIN NAMAN!"