"I think we need to talk to Mr. Brent again, maybe there is much more going on with this than we thought," pagpapatuloy ng babaeng investor.
Nag agree naman ang kanyang ibang mga kasama sa kanyang sinabi.
"Yes, I mean he is really professional in handling this kind of situation, and never did he break any of his promises to me," sambit ng lalaking may Australian accent.
Pinigilan naman sila ni Jewel at humingi ito ng pasensya sa kanyang nagawa. "I am so sorry, investors. I never meant to hurt your feelings, considering na malaki na po pala ang inilaan ninyong pera sa project na 'to. Let us stick to my dad's plans. He is way better than me and honestly, I am still adjusting myself dahil kakagraduate ko lamang po and for a while ako muna ang magiging representative niya!"
Kumalma naman ang mga investors at nagpatuloy sila sa kanilang discussion. Muling nagsalita si Mr. Diaz at naupo si Jewel upang makinig.
"As I was saying earlier, ang ating mga researchers ay nakakita pa ng ibang mga lugar sa ating bansa upang maghanap ng mga possibles sources of gold. Karamahin sa ating mga pinag aaralan ay ang iba't ibang mga bundok!"
"But the downside of that is, ang mga local government units natin. Paano natin sila makukumbinsi na pumayag sa ating gusto?" tanong ulit ng babaeng investor.
"Simple lang, lahat naman ng tao ay may presyo. Sigurado ako na kailangan lang natin silang bigyan ng pera oh hindi kaya ay magdonate tayo sa kanilang lugar para mapagtakpan natin ang ating mga gagawin. Iiwas din tayo sa kahit na anong public appearance until na matapos natin ang ating mga gagawing pagkalkal sa mga bundok. Malaki ang ating ROI kapag nagkataon, lalo na't marami tayong mga chinese buyers. For sure ako na kaya nila ang dobleng presyo ng ating mga ginto!" mahabang paliwanag ni Mr. Diaz.
"Hold on a sec, are you saying that we will bribe those local government units just so we can do whatever we want?" tanong ng australian investor.
"Yes, Mr. Carter. We've been doing this for how many years already, and so far we did not encounter any problems with that. Let us face it, people want money to make their lives happy. Talamak din naman ang ganitong gawain sa ibang mga bansa!" paglilinaw ni Mr. Diaz.
"Yes, I understand your point, Mr. Vice President but I feel like we should focus on donating money on their residence instead of bribing. We are putting ourselves in danger 'cause we are obviously doing ilegal practices," sagot ni Mr. Carter.
Nakisali naman si Jewel sa usapan at pinagtanggol niya ang kanilang kumpanya. "I am not saying that you are wrong, Mr. Carter. As a matter of fact, I really applaud you for showing your good side. But it seems that you're misinterpreting everything we do here, giving money does not necessarily means we are doing illegal. We are doing this to expedite our project, an act of kindness to be exact!"
Wala namang nasabi pa si Mr. Carter at nagpatuloy sila sa kanilang meeting. Pasado 5 pm ng magsipag uwian na lahat ng investors na first time nakilala ni Jewel, muli niyang pinatawag sa office si Mr. Diaz para pagalitan ito.
"Alam mo, muntik na akong mapahiya kanina, Mr. Diaz. Mabuti na lang talaga at matalino akong babae at naisip ko kaagad na totoong pakana ni dad lahat ng ito!"
"I am so sorry, Ma'am Jewel, na-late po kasi kayo sa meeting. Kung hindi po sana nangyari 'yun, baka kayo ang kumausap sa mga investors natin at kayo ang naging boss kanina. I just did not know what to do so I decided to call sir Brent. Actually, he sounded so angry earlier lalo na ng malaman niya na masyadong atat ang mga investors natin. He probably made an abrupt decision in order to save their investments, we can't afford to lose this company kasi!" pagtatanggol ni Mr. Diaz sa kanyang sarili.
"Wow, and now ako pa ang mayroong kasalanan? You know the reason why I am so late, parang hindi mo nakausap yung mokong na lalaki na ayaw ibenta ang lupa niya. Sana nga sinunog natin yun kanina para mawala na ang mga problema natin eh!" gigil na sabi ni Jewel.
"Kung napapagod na po kayo, ako na mismo ang kakausap kay Jacob. Para po kasi talaga kayong aso at pusa pag magkasama. Baka mag iba po ang mood niya kapag wala po kayo. And I am gonna use a different method para makumbinsi ko siya. One week should be more than enough, and alam ko kung saan ko siya puwedeng kilitiin para mapapayag siyang ibenta ang kanyang lupa!"
Jewel crossed her arms on her chest. "Okay, sige pero the credit should be mine sakaling mapapayag mo siya. Since ako naman ang unang nakiusap sa kanya na gawin ito!"
"Maliit na bagay po Ma'am Jewel, and wish me luck. Nakasalalay sa ating mga kamay ang magiging kapalaran ng kumpanyang ito!"
Naglakad si Mr. Diaz papunta sa pinto. Samantalang lumabas din si Jewel at pumunta sa cafeteria upang mag alis ng stress. Natahimik lahat ng mga empleyado ng makita siyang naglalakad sa halllway. Pag alis niya ay balik chismisan na naman lahat ng mga empleyado at siya ang naging topic ng mga ito.
"Hay nako, lakad pa lang halatang maldita na," sambit ng lalaking empleyo sa ka office mate niya sa marketing department.
"Oo nga... balita ko nastranded 'yan kahapon doon sa bahay ng lupang gustong bilhin ng tatay niya, sure ako na pinakita na naman niya ang pagiging maldita niya. Kung dito pa mga lang umaattitude na, what more pa sa mga taong mas mahihirap sa kanya!" pag sangayon ng kaibigan ng lalaking empleyado.
"Mabuti na lang talaga at hindi natin siya boss, kung hindi na file na kaagad ako ng resignation. Akala mo naman kasi mataas siyang magpasahod sa mga empleyado, saksakan pa ng arte!" muling sabi ng lalaking empleyado. "Sayang maganda pa naman sana siya, ugali lang ang hindi!" dagdag pa ng lalaki.
Nang makarating si Jewel sa coffee shop, ay pumila ito. Takaw pansin naman ang kanyang mini skirt sa mga kalalakihan sa lugar. May iba pa na lihim siyang kinuhaan ng litrato. Sa sobrang tutok niya ay hindi niya napansin ang mga ito. Nang siya na ang sumunod sa linya, nag order siya ng isang cappucino coffee at isang chocolate bread.
Naupo siya at mag isang uminom ng kape, abala siyang nag ce-cellphone. Nakita niya sa timeline niya ang masayang bakasyon ng kanyang mga magulang sa France.