Madilim na ang gabi nang madatnan ni Mr. Diaz si Jacob sa labas ng bahay nito at pinapaypayan niya ang kanyang sinaing na kanin.
"Magandang gabi sayo, Sir Jacob!" bungad na pagbati ni Mr. Diaz sa kanya.
Sumimangot si Jacob at napakamot sa ulo. Halata ang pagkayamot sa binata ng makita ang makulit na buyer ng kanyang bahay. Tumayo siya at sinigawan ito. "Ano na naman ang ginagawa mo sa bahay ng isang hampaslupang kagaya ko? Wag mo sa akin sabihin na kasama mo na naman ang babaeng amoy cherry poopoo?"
Nang makalapit si Mr. Diaz ay tsaka lamang ito muling nagsalita. "Actually, hindi naman lupa ang sinadya ko rito, gusto lang sana kita yayain para makipag inuman. Bonding sana?"
"Pass, marami pa akong gagawin. May extra work pa ako bukas, hindi naman kasi ako mayaman kaya need ko kumayod!" pagtanggi ni Jacob.
"Mukhang nasaktan sa sinabi ni Ma'am Jewel kahapon, pasensya ka na talaga. Pramis wala akong intensyon na pag usapan ang tungkol sa pagbili ng lupa na ito, gusto lang talaga kita makilala. Isang bote lang talaga tayo, sagot ko naman!" sambit ni Mr. Diaz. Napalunok siya sa kabang tatatanggihan muli ni Jacob ang kanyang alok.
Himala namang pumayag si Jacob nang makita niya ang maamong mukha ni Mr. Diaz.
"Oh sige na nga... tutal mukhang mabait ka naman talaga at kinain ka lang ng maling sistema ng kumpanya mo!"
Napangiti naman si Mr. Diaz ng marinig niya ang sinabi ni Jacob. "Maraming salamat, Jacob. May malapit na bar dito, gusto ko sanang doon tayo uminom!"
"Sige, hantayin mo na lang, malapit nang maluto ang sinaing ko!"
"Walang problema, ah... wala ka bang gasul sa loob ng bahay mo? Hindi ba't nagluto na tayo kagabi?" tanong ni Mr. Diaz.
"Sa kasawiang palad, wala na akong gasul, kagagawan yan ng maarte mong amo. Alam mo bang pawis na pawis ako kagabi dahil sa kanya lang nakatutok ang electric fan? Grabe ang pagkainis ko sa kanya!"
"Nako, maswerte ka nga kasi may nakasama kang ibang babae na kasing ganda ni Ma'am Jewel, kung ako 'yan kahit sa sahig lang ako natulog basta't kasama siya, okay lang ako!"
Ipinagtapat naman ni Jacob na naka bra lamang si Jewel ng natulog ito. Natawa naman si Mr. Diaz na nagtanong ng mga mahahalay na bagay.
"Ayaw mo ba nun? Kung ako 'yan pagpupuyatan kong tingnan si Ma'am Jewel, eh sa totoo nga baka magb*te pa ako sa harapan niya pag nagkataon eh... wala ka bang ginawa? Hindi mo ba iginapang ang kamay mo sa kanya?"
Napalunok ni Jacob ng maalala niya ang ginawa niyang panghahalay sa inosenteng babae, pinagpawisan siya ng husto. "Wala, hindi ko alam kung ano ang pinagsasabi mo, sir Diaz. Oo, aminado naman ako na napatingin din ako pero saglit lang talaga, mga one second lang!"
"Naiintindihan ko naman ang nais mong sabihin, pero may syota ka na ba? Sa guwapo mo naman, sigurad ako na marami na ang nahuhumaling sa iyo Jacob?"
"Wala naman po... subalit hindi ko naman maitatanggi na nagkakaroon din ako ng mga babaeng pinagpapantasyahan. Kaya lang kasi mas gusto ko munang buhayin ang sarili ko, tsaka na siguro ako magso syota!" sagot ni Jacob.
Nang maluto ang sinaing ni Jacob ay inanyayahan niyang kumain si Mr. Diaz, lalo pang lumalim ang kanilang pag uusap at mas lalong napagtanto ni Mr. Diaz ang kagandahang asal ng binata.
"Naaalala ko dati, kahit po simpleng tuyo at kanin lang ang kinakain namin ng mga magulang ko, masaya na po kami. Hindi ako nakahawak ng cellphone pero madalas ko po silang nakakausap. Sobrang close na close ko po sila at mahalaga sila sa akin!"
"I see... mabuti na lang talaga at napalaki ka nila ng tama. Sure ako na proud na proud sila sayo. Napakalayo ng ugali mo kay Ma'am Jewel, lahat kaya ng suot niya ay branded. Palibhasa kasi bilyonaryo ang mga magulang at only child kaya lahat ng luho niya sa katawan, sunod!"
"Alam mo Mr. Diaz, hindi natin madadala sa langit ang mga bagay na mayroon tayo, tingnan mo ang mga magulang ko, wala silang nadala sa langit bukod sa memories namin. Sana talaga matauhan si Jewel!"
"Alam mo sobrang hirap niyang gawin, sa totoo lang. Nakasanayan na kasi niya ang humiga sa salapi. Ang mga mayayaman, ang una nilang kinakatakot ay ang maubos ang pera nila. At sa klase ng negosyo ng mga mayayaman na kagaya nila Jewel na nasisilaw sa pera, mahirap sabihing magbago sila... anyway i-reserve natin ang ibang kwentuhan natin sa bar. Masarap tumambay ngayon doon dahil may artista na magtatangghal sa stage!"
"Basta boss, sagot mo 'yan ha? Pati pamasahe ko dapat ay libre mo," sambit ni Jacob.
"Oo ako ang bahala sayo, no offense pero sana ay maligo ka rin... naka aircon kasi ako sa sasakyan. Sorry pero medyo sensitive kasi ang ilong ko!"
Inamoy ni Jacob ang kanyang sarili at na realize niya na tama si Mr. Diaz. Naligo si Jacob sa kanyang C.R at sinamantala ito ni Mr. Diaz upang kalkalin ang kwarto ng binata at nagbakasakaling makita niya ang titulo ng lupa ng binata subalit bigo siyang makita ito. Lumabas si Jacob na bagong ligo, basa ang buhok at nakasuot ng puting tshirt at pantalon. Amoy na amoy ni Mr. Diaz ang papayang sabon ng binata.
"Pasensya na, hindi talaga ako pang bar pero tinatry ko naman maging disenteng tingnan!" sambit ni Jacob.
"Wala naman tayong problema jan, Jacob!"
Nagpunta sila sa kotse ni Mr. Diaz, naupo si Jacob sa unahan at binigay ni Mr. Diaz ang kanyang pabango kay Jacob upang mas bumango ito. Tsaka niya sinimulang paganahin ang kanyang sasakyan at nagmaneho.
"Wag kang mag alala, hindi naman kita lulumpuhin sa kalasingan Jacob!" sambit ni Mr. Diaz.
"Oo nga po... gusto ko lang naman din mag relax kahit papaano, eh kung hindi niyo nga po ako inaya ngayong araw, baka matanda na ako bago ako makapunta doon!"
"Gusto mo ba ng matinong work? Tutulungan kita?"
"Pass po, mas okay na ako sa ganitong klase ng pamumuhay. Basta nakakakain lang ako, masaya na ako!"
"I see..."
Thirty minutes ang nakalipas, nakarating sila sa tapat ng isang bar. May mga babaeng chicks sa labas at nagyoyosi.