bc

Multiple Hearts

book_age18+
1.4K
FOLLOW
3.2K
READ
love-triangle
possessive
badboy
CEO
drama
twisted
city
office/work place
illness
multiple personality
like
intro-logo
Blurb

Artemisia Avelino only wants one thing, that is to find a job. But all of her plans changed when Zyair Alfero, a handsome, gentleman, and rich guy who she met bizarrely, entered her life. Later on, she discovered that a perfect man like Zyair is suffering from Dissociative Identity Disorder (DID). But what makes the situation complicated is when she finds herself falling in love with Derron Castalier... The rude, badass, and violent alter of Zyair.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Artemisia Avelino ~ "Kapag may DID ang isang tao, may dalawa o higit pang katauhan sa loob niya. Parang sinasapian gano'n?" tanong ko saka napakamot sa batok ko. "Baliw ka ba? Anong sinasapian ang pinagsasasabi mo riyan?" tanong ni Daisy. "Nagiging ibang tao ang DID patient minsan, diba? Edi parang sinasapian. Teka nga! Hindi naman ako psychology student, bakit kailangan ko pang alamin 'yan?" Napailing na lang si Daisy saka isinara ang librong binabasa niya kanina. Napakamot siya sa batok niya habang nakatingin ng masama sa 'kin na para bang gusto niya 'kong sakalin. "Wala kang kwentang kaibigan 'no? Diba sabi ko sa 'yo psychiatrist ang crush ko? Kailangan may alam ako sa mga ganito para makapag-pasikat sa kanya," kinikilig na sabi niya. Napaismid na lang ako. Sa totoo lang interesting ang topic tunkol sa DID o yung dissociative identity disorder, pero rare naman daw ang ganoong sakit sabi ni Daisy kanina. "What's your plan now, Artie? May nahanap ka na bang trabaho?" tanong niya. Napabuntong na lang ako. "Kung naging nurse lang sana ako, malamang hindi ako nahihirapan maghanap ng trabaho." Muli akong napabuntong hininga at napapikit. Hindi ako nakapagtapos ng pag-aaral dahil kinailangan kong magtrabaho sa murang edad. Nagkasakit kasi si Tatay noong magko-kolehiyo na 'ko, yung perang inipon ni Tatay sa pag-aaral ko, ginastos namin sa ospital. Mas mahalaga si Tatay kaysa sa pag-aaral ko 'no. Kaso iniwan din naman ako ni Tatay, ang nakababatang kapatid ko na lang na si Apollonio ang kasama ko sa buhay. "Pautangin muna kaya kita? Kailangan mo rin ng pera para sa school ni Apollo diba?" tanong ni Daisy. "Nako, hindi nga nagsasabi sa akin 'yong Apollo na 'yon. Kung hindi ko pa siya nahuli nung nakaraan, hindi ko pa malalaman na nagtatrabaho pala siya para may pangtustos sa schoolworks niya. Hindi siya nagsasabi sa 'kin kaya naiinis ako," napapailing na sabi ko. "Ayaw mo no'n? Alam kasi ni Apollonio na marami kang kailangang bayaran, yung mga utang niyo pa, yung upa, kuryente at tubig, pati pagkain niyo pa. Sinusubukan ka lang niyang tulungan," sabi niya saka tinapik ang balikat ko. Sabagay may punto siya ro'n. Kahit naman loko-loko si Apollo, mabait ang kapatid kong iyon. Hindi siya katulad ng ibang mga ka-edaran niya na ma-bisyo, ni wala pa ngang nagiging girlfriend 'yon dahil masyadong focused sa pag-aaral. Pero may crush talaga si Apollo kay Daisy, torpe lang talaga 'yon. "Kung kailangan mo ng pera, pauutangin kita. Wag kang mahiya magsabi sa 'kin," seryosong sabi ni Daisy. Tipid na ngumiti na lang ako saka tumango. Flight attendant si Daisy at maganda rin ang kinikita nito. Doktor din ang kuya niya samantalang abogado naman ang mga magulang niya. "Kung hindi scholar student si Apollo, baka naloka na 'ko." Buti na lang talaga at matalino si Apollo at nakakuha ng full scholarship sa magandang university, architecture ang kinuha niyang kurso. Hindi naman ako tumutol dahil iyon ang gusto niya. "Teka, saan ang flight niyo?" tanong ko kay Daisy. Napangisi naman siya. "Sa Korea!" Napasinghap ako. "Bilhan mo 'ko ng mga pampaganda ro'n ah," bulong ko sa kanya. Natawa naman siya sa sinabi ko. "Siyempre naman, malakas ka sa 'kin eh." Umalis na rin agad si Daisy nang tumawag ang Mama niya. Naiwan ako rito sa mall park mag-isa. "Hay. Saan ba ako makakahanap ng trabaho?" tanong ko sa sarili ko habang nakatingin sa mga magjowa sa paligid. Sa sobrang busy ko sa buhay, hindi ko na nagawang magka-boyfriend. Sayang talaga ang kagandahan ko. Naglaro na lang muna ako ng games sa cellphone ko na kay Daisy pa galing. Niregalo niya sa 'kin ang phone na 'to three years ago, hiyang hiya pa 'ko no'n. Kahit naman best friend ko siya, nahihiya pa rin ako sa kanya, kaso mapilit siya kaya tinanggap ko na lang din. Napailing na lang ako, imbis na maghanap ng trabaho, ito ako at naglalaro ng games. Napagod na kasi ako, kanina pa ako naghahanap ng trabaho, pahinga muna ako saglit. "Kapag nanalo ako sa round na 'to, may mahahanap akong trabaho, kapag hindi, may mahahanap akong love life," bulong ko sa sarili ko habang naglalaro. Nalimutan ko ang pangalan ng larong 'to, pero nakakatuwa siya laruin. "Sana manalo ako, wala muna akong pakialam sa love life," bulong ko habang todo pindot sa cellphone ko. "Ay putek! Bakit tie kami ng kalaban ko? Pwede ba 'yon?" Ano'ng ibig sabihin no'n? Magkakaroon ako ng trabaho at love life ng sabay? O baka naman hindi ako makakahanap ng trabaho at hindi rin ako magkakalove life? Napailing na lang ako at tumayo, bakit ko ba inuubos ang oras ko sa ganito? "Miss!" Napasinghap ako nang may lalaki na humawak sa braso ko. Agad ko siyang itunulak pero mahigpit ang pagkakahawak niya sa 'kin. "Can I borrow your phone? Please," pakiusap niya. Napakunot ang noo ko. "Bakit ko naman ipapahiram sa 'yo ang cellphone ko?" nakataas-kilay na tanong ko. Napabuntong hininga siya at dali-daling may kinuha sa bulsa niya saka inabot sa 'kin. "That's my business card, you can trust me. Please, I really need to call someone," nagsusumamong sabi niya. Natulala ako nang mapatingin ako sa mukha niya. Parang may kung anong sumapi sa 'kin, hindi ko na namalayan na inabot ko na pala sa kanya ang phone ko. Ang gwapo ni kuya saka matangkad, ang sexy rin ng boses niya. Halos lahat yata ng parte ng mukha niya ay gwapo. Mula sa noo niya, sa makapal na kilay, sa mga mata niya na itim na itim, ang mga pilik-mata niyang mahahaba na akala ko sa babae lang maganda tingnan, ang matangos niyang ilong na mukhang sasanggi sa pisngi ko kapag naghalikan kami, pati na rin ang mga labi niyang may kanipisan ngunit medyo mapula. Kung magiging babae yata siya, malamang mas maganda pa siya sa 'kin. Kahit pati ako hiramin niya na rin, walang kaso sa 'kin. Nako, baka siya na ang love life na darating sa 'kin! Napailing na lang ako sa maharot na parte ng isip ko. Hindi dapat love life ang iniisip ko ngayon kundi trabaho, mapapalayas na kami ni Apollo sa inuupahan namin, love life pa ang naiisip ko. "I forgot his number," natatarantang bulong ni kuyang gwapo habang nakatitig sa cellphone ko. "Hoy! Gago!" Napasinghap ako nang mapatingin sa grupo ng mga maskuladong lalaki na papunta sa kinaroroonan namin. Mukhang si kuyang gwapo ang habol nila. Halatang nataranta si kuyang gwapo at dali-daling tumakbo. Napakurap na lang ako habang hinahabol siya ng tingin. Agad naman siyang hinabol ng grupo ng mga maskuladong lalaki, mukha silang gangsters sa kanto. Napailing na lang ako at napatingin sa business card na inabot sa 'kin ni kuyang gwapo kanina. Mukha siyang matino, may kalokohan din pala. "Zyair Alfero, anong klaseng pangalan 'to?" tanong ko sa isip ko habang nakatitig sa business card. Wow, Lemaire Corporate Group? Malaking kompanya 'yon ah. Sikat ang mga produkto nila sa loob at labas ng bansa. "Wow, executive director siya? Dapat pala hiningian ko siya ng pera," bulong ko. Natigilan ako nang may mapagtanto ako. "Tangina," mariing mura ko. Nasapo ko ang noo ko nang maalala ko na hawak pala ni kuyang executive director ang cellphone ko. "Hoy! Magnanakaw!" Hindi ako nag-aksaya ng oras at agad siyang hinabol. Wala akong pakialam kahit may mga mukhang gangsters na humahabol sa kanya ngayon. Mahalaga sa 'kin ang cellphone ko, nakakahiya kay Daisy kapag nawala 'yon. "Hoy! Tumigil ka! Hoy pogi!" Para akong tanga ngayon sa kakahabol sa kanya. Nanghihinang napaupo ako sa kalsada dahil masyado na silang malayo. Naiinis na napasabunot ako sa sarili kong buhok. Napabuntong hininga ako at muling tumingin sa business card na inabot niya sa 'kin kanina. Lemaire Corporate Group, buti na lang nakalagay rito ang address ng kompanya nila. "Gwapo ka sana Zyair Alfero, kaso bwisit ka. Hindi ka crushable," napapailing na sabi ko na lang. * * * "Saan ka pupunta? Puro ka gala." Naningkit ang mga mata ko sa sinabi ni Apollo. "Sakalin kaya kita, 'wag mo 'kong pansinin. Ituloy mo na lang 'yang ginagawa mo," sabi ko saka nginuso ang kung ano mang dino-drawing niya. "Namamayat ka na, 'wag kang ma-stress sa paghahanap ng trabaho. Gagawa ako ng paraan. Hindi bagay sa 'yo ang payat, ang pangit mo lalo," masungit na sabi ng magaling kong kapatid saka pumasok sa kwarto niya. "Hinayupak talaga 'yon," bulong ko. Tumingin ako sa salamin habang inaayos ang buhok ko. Nagsuot ako ng maayos na damit ngayon dahil pupunta ako sa kompanya na pinagtatrabahuhan ng Zyair Alfero na 'yon. Babawiin ko ang cellphone ko sa kanya! "Huy, bakit naka-formal attire ka?" Natigilan ako at napatingin kay Daisy na basta na lang pumasok ng bahay namin. Ganyan na talaga siya, para niya na ring bahay 'to. Siyempre tuwang tuwa naman si Apollonio kapag nandito siya, nagpapabebe lang. "Pupuntahan ko yung nagnakaw ng cellphone ko," sabi ko saka naglagay ng kaunting lipstick. Napakunot ang noo ni Daisy habang nakatingin sa 'kin. "Eh bakit nagpapaganda ka pa? Saka diba dapat sa presinto ka pupunta kung magnanakaw ang pupuntahan mo?" "Daisy, kakaibang magnanakaw siya. Basta hindi mo maiintindihan, sige aalis na 'ko." Hindi ko na hinintay na sumagot si Daisy, agad na 'kong lumabas ng bahay. Malamang tuwang tuwa na naman niyan si Apollo. Malas niya lang mas bata siya ng tatlong taon kay Daisy, ayaw ni Daisy sa lalaking mas bata sa kanya. Buti na lang hindi malaki ang nagastos ko sa pamasahe, pero sisingilin ko pa rin ang Zyair na 'yon. Mayaman naman siya eh. Mukhang dapat ko rin siyang singilin sa effort ko sa pagpunta sa trabaho niya... Tama, peperahan ko na lang siya. Charot, may kahihiyan naman ako 'no. Pero sisingilin ko na lang siya kapag super gipit na kami. Tama. "Wow." Napaawang ang labi ko habang nakatingin sa mataas na kompanya. Siguro malaki ang sinu-sweldo ng mga empleyado rito. Sana makapagtrabaho ako sa ganitong kompanya, kahit security guard na lang. Magaling kaya ako makipagsuntukan. "Ahm, pwede ko bang makausap si Mr. Zyair Alfero?" tanong ko sa receptionist. Pasimple akong tumitingin sa paligid, grabe sa laki ang kompanyang 'to. Mukhang maraming mawawalan ng trabaho kapag na-bankrupt 'to. "May appointment po ba kayo kay Mr. Alfero?" tanong ng receptionist. Napakamot ako sa batok ko. Kailangan pa pala no'n? "Ahm, may ninakaw kasi siya sa 'kin, kukuhanin ko lang." Nagtatakang napatingin ang receptionist sa 'kin. Palihim na napataas ang isang kilay ko, bakit ganyan siya makatingin? Totoo namang ninakawan ako ng Zyair Alfero na 'yon. "Hindi ka naniniwala? Ninakaw niya talaga ang cellphone ko, promise, cross my heart, mamatay ka man." Mali yata ang nasabi ko ah. "Sorry, hindi ka po namin pwedeng papasukin," magalang na sabi ng receptionist pero halatang naiinis na sa 'kin. "Miss, kailangan ko talagang makausap ang executive director. Sa kanya nakasalalay ang ano ko." Ano nga 'yon? "Yung ano?" tanong niya pa. "Yung ano... Yung charger ko, kapag wala yung cellphone ko, walang kwenta yung charger ko. Kailangan ko makuha yung phone ko, sige na Miss ganda, papasukin mo na 'ko," sabi ko saka ngumiti pa ng matamis sa kanya. "Hindi talaga pwede. Please lumabas ka na lang bago kita ipakaladkad sa guard." Dapat siguro hindi charger ang dinahilan ko. "Buntis ako, siya ang tatay," pahabol ko. Baka sakaling makalusot. "Ma'am, pang walo na kayo ngayong araw na nagsabi niyan. Please lang po, lumabas na po kayo." Napaismid na lang ako at napapadyak sa sahig. Kainis naman, sayang yung pag-aayos ko kung hindi ko rin naman pala makukuha ang cellphone ko sa magnanakaw nilang executive director. "Kainis talaga na Zyair Alfero 'yon, ipapakulam ko siya," bulong ko habang naglalakad palabas ng building. Natigilan ako at napatingin sa grupo ng mga lalaking naka-business attire. Napasinghap ako nang makita ang magnanakaw ng cellphone ko, leader pa talaga si kuya ah. "Hoy! Magnanakaw!" Napatingin sa 'kin ang mga empleyado, hindi na nakakapagtaka. Ang lakas ng boses ko. Napatingin ako sa guard na naglalakad papalapit sa 'kin, bago pa niya 'ko malapitan, agad akong tumakbo papunta kay Zyair Alfero. "Hoy! Ibalik mo sa 'kin ang ninakaw mo!" sabi ko saka dinuro pa siya. Napasinghap naman ang mga kasama niya sa sinabi ko. "Who are you?" nagtatakang tanong niya habang nakatitig sa 'kin, napangisi na lang ako. "Itinakbo mo yung cellphone ko kahapon. Mayaman ka pala, bakit ninakaw mo pa yung cellphone ko?" nakapamaywang na tanong ko. "Who's that crazy woman?" tanong ng matandang lalaki na katabi niya. Wow, grabe siya maka-crazy sa 'kin ah. "Oh, I remember you," nakangiting sabi ni Zyair. Sige na nga, papatawarin ko na siya. Ang gwapo niya lalo pag nangiti eh. "Ninakawan ko talaga siya ng cellphone," tila proud pa na sabi ni Zyair sa mga kasama niya, nakangiti pa siya eh. "Let's talk in my office." Hinawakan ni Zyair ang kamay ko saka hinila ako. Nagpatianod na lang ako sa kanya, cellphone ko ang nakasalalay rito. Pumasok kami sa elevator, medyo kinakabahan ako sa kanya kasi baka halikan niya 'ko bigla, pero mas kinakabahan ako sa sarili ko kasi baka magustuhan ko. Charot. "Sorry about what happened yesterday, I was about to look for you to give you back your phone, but my schedule's kinda hectic. I'm really sorry for the inconvenience," sabi niya habang nakatingin sa 'kin. Wow, hindi siya katulad ng ibang mayamang gwapo na arogante at mayabang. Mabait si kuya ha, plus 10. Nakarating na kami sa office niya. Halos mapanganga ako habang nililibot ng tingin ang opisina niya. Mas malaki pa yata ng dalawang beses ang opisina niya kaysa sa bahay namin. Bakit ang unfair ng mundo? "Take a seat, do you want something? Water? Coffee or juice?" tanong niya. Tipid na ngumiti na lang ako saka umiling. Natameme ako sa kanya ha, parang kanina lang ang tapang tapang ko, medyo warfreak pa. Nawala ang tapang ko, ang bait niya kasi eh, tapos ang gwapo niya pa lalo kapag ngumingiti. Pero hindi ko pa siya crush, mukha siyang anghel eh, walang hiya ako. Hindi kami bagay, kawawa lang siya sa 'kin. Ano ba 'tong iniisip ko? Nakatingin lang ako sa kanya habang hinahanap niya ang cellphone ko sa drawer niya. Para akong ewan na nakatitig sa kanya, pero okay lang na magmukha akong ewan, hindi na naman kami magkikita eh. Maliban na lang kung may mangyayari sa 'min tapos mabubuntis ako tapos itatago ko sa kanya na may anak kami tapos bigla niyang malalaman tapos mai-in love siya sa 'kin tapos magpapakasal kami. Wow, pwede na 'ko maging author. "Here's your phone," sabi ni Zyair saka lumapit sa 'kin saka inabot ang phone ko. "Salamat." Ngumiti ako sa kanya. "Ahm, what's your name? I bet you already know mine. I'm Zyair Alfero, so, what's your name?" Napakamot siya sa batok niya, ang cute niya, pero ang laki niya masyado para maging cute. "Ako si Artemisia Avelino, Artie na lang," nakangiting sabi ko. Akala ko hindi na niya tatanungin ang pangalan ko. Siguro magkikita ulit kami, this is my destiny. "Wait Artemis, y-your... ahm..." nauutal na sabi niya saka muling napakamot sa batok niya. Napakunot ang noo ko nang mapansin kong nakatingin siya sa bandang dibdib ko. Bakit siya nakatingin sa dibdib ko?! Kaya niya pala ako dinala rito sa office niya, akala ko pa naman mabait siya. "Manyak!" Napaupo siya sa sahig nang suntukin ko siya. Naikuyom ko ang kamao ko, pinigilan ko ang sarili ko na suntukin siya ulit. "N-no, y-your buttons," sabi niya saka napangiwi. Napasinghap ako nang mapatingin sa butones ng suot ko, nabuksan pala yung butones ng suot ko kaya nakikita ng kaunti yung bra ko na kulay pink. Pakiramdam ko sobrang init na ng buong mukha ko dahil sa pagkapahiya. "Nako, s-sorry Zyair. Medyo assumera lang talaga ako hehe," sabi ko saka napakamot sa batok ko. Kainis, pahiya ako ro'n ah. "It's fine," sabi niya saka tumayo. Napahawak siya sa pisngi niya na sinuntok ko, napangiwi na lang siya. "Zyair, sorry talaga! Suntukin mo rin ako kung gusto mo. Okay lang sa 'kin kasi nakikipagsuntukan naman talaga ako kahit sa mga lalaki," sabi ko saka kinuha ang kamay niya at itinapat sa mukha ko. "Okay lang talaga," sabi niya saka ngumiti sa 'kin. Natigilan ako nang bigla siyang napahawak sa sentido niya. Lumayo siya ng kaunti sa 'kin habang nakapikit ng mariin. "M-may masakit ba sa 'yo?" nag-aalalang tanong ko. Hindi naman gano'ng kalakas ang suntok ko sa kanya ah. "I'm fine, y-you can go now." Hindi ako kumbinsido sa sinabi niya, halatang sumasakit ang ulo niya. Baka kasuhan niya pa ako pagkaalis ko. Kailangan ko siyang makausap ng masinsinan. "H-hindi eh, mukhang may masakit sa 'yo Zyair. Dadalhin na ba kita sa ospital?" nag-aalalang tanong ko. Namumula na ang mukha niya at halata na may iniinda siyang sakit. Nakahawak din siya sa sentido niya, mukhang masakit talaga ang ulo niya. Nag-aalala talaga ako, baka masyadong napalakas ang suntok ko sa kanya. "I'll be fine, please, leave me alone. I can handle this, p-please leave," tila nagsusumamong sabi niya. "H-hindi, dadalhin kita sa ospital." Napasinghap ako nang mapaupo siya sa sahig. Nakahawak siya sa sentido niya, halos mamilipit na siya marahil sa sakit na nararamdaman. Mas lalo akong nagulat nang tuluyan na siyang hinimatay. Natatarantang napalayo ako sa kanya, ano'ng gagawin ko? Bubuhatin ko ba siya? Hihingi ba ako ng tulong? Hindi ko na alam. "Zyair, huy," bahagya kong niyugyog ang balikat niya. "Kumalma ka Artie, kalma," bulong ko saka huminga ng malalim. Napakagat ako sa ibabang labi ko at napapikit ng mariin. Nanginginig ang mga kamay ko, natatakot ako na tumawag sa labas. Baka ako ang mapagbintangan sa nangyari, pero ayoko namang mamatay si Zyair dito. "Ay kabayong yellow!" Napatalon ako sa gulat nang mapalingon sa pwesto ni Zyair. Nakatayo na siya ngayon na para bang walang nangyari, seryosong nakatitig siya sa mga mata ko. Napakunot ang noo ko habang nakatitig sa kanya. Bakit parang may nag-iba sa kanya? Bakit parang iba siya ngayon sa Zyair na kausap ko kanina? "Zyair, o-okay ka na ba?" nag-aalalang tanong ko. Hindi siya sumagot, tiningnan niya ang sarili niya. Napakurap na lang ako nang hubarin niya ang coat niya saka padabog na hinagis 'yon sa couch. "Tanginang damit 'to!" Ano'ng nangyari sa kanya? "Zyair, okay ka na ba talaga?" Napapitlag ako nang balingan niya ako ng tingin. Halos matulos ako sa kinatatayuan ko nang tingnan niya ako ng masama. "Tangina! Tumahimik kang babae ka, hindi ako si Zyair!" Napapitlag ako nang sumigaw siya. Ano raw? Hindi raw siya si Zyair? Naglolokohan ba kami rito? Lumapit ako sa kanya saka hinawakan siya sa braso. "Pumunta na talaga tayo ng ospital, nagkadeperensya yata ang pag-iisip mo dahil sa suntok ko, Zyair." Napasinghap ako nang marahas niyang bawiin ang braso mula sa pagkakahawak ko, ngunit ang mas nagpagulat sa 'kin ay ang pagtulak niya sa 'kin sa pader. Lumapit siya sa 'kin saka hinawakan ng mahigpit ang panga ko. Napalunok ako habang nakatingin sa mga mata niya. Ibang iba ang nga mata niya ngayon kaysa kanina, puno ng galit ang mga mata niya ngayon na para bang handa na siyang saktan ako. Parang naging ibang tao siya. "Zyair..." Umigting ang panga niya dahil sa sinabi ko. "I'm Derron Castariel, stop calling me Zyair. Kahit babae hindi nakakaligtas kapag nagagalit ako kaya 'wag mong sagarin ang pasensya ko." Tila nakahinga ako ng maluwag nang lumayo na siya sa 'kin. Napatulala na lang ako nang makalabas na siya ng opisina niya. Nanghihinang napaupo ako sa couch, nanginginig pa rin ang mga tuhod ko. Ano'ng nangyari kay Zyair? Bakit naging iba siya?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
177.8K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
78.6K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
136.5K
bc

His Obsession

read
86.5K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
26.9K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
11.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook