“They’re just being friendly. Anong masama?” para sa akin ay wala namang kaso na lumapit ang mga kakilala para makipagkwentuhan.. “Basta.” “Nakita ko ngang may mga lumalapit sa inyong babae pero hinayaan lang kita.” “Jc’s friends. Wala yun.” “Ang init na. Pwede bang alisin na ang blazer ko,” reklamo ko na nakakunot ang noo.. “No. Lalamigin ka. Keep it and don’t remove it.” “Mainit nga. Andrew naman,” naiinis na sabi ko sa kanya. “Mamaya. Ganyan ka na lang muna,” pagtanggi nito na hubarin ko ang blazer at sumunod naman ako. Nginitian ko naman ang mga kausap niya. May mga pailang tanong at sumasagot naman ako. Nakikitawa sa mga biruan nila at nakikipagbiruan din ako. “You want some drink Miss?” sabay alok ni Jc ng lady’s drink at inabot ko naman ito. Si Andrew na may hawak din

