Medyo lasing na si Andrew kaya sumakay na lang kami ng taxi at iniwan ang kanyang kotse sa bar ni Jc. Sinabi ko sa taxi driver ang address kung saan kami ihahatid nang bumulong si Andrew sa driver. “Bakit hubby? May problema ba?” “May kailangan lang akong daanan.” sagot nito sa akin. “Ganitong oras?” takang tanong ko na may halong pagdududa. “Oo. Importante kasi ito at may nakalimutan lang ako. Saglit lang yun.” Nagulat ako ng huminto kami sa tapat ng isang hotel. Now I know what’s in his mind. “Andrew, anong ibig sabihin nito?” pagkumpirma ko sa naiisip kong gagawin namin sa hotel na obvious naman. “May kakausapin lang ako. Samahan mo ako,” pagsisinungaling pa nito saka hinawakan ang aking kamay habang pababa ng taxi. Sa lobby ay may inabot na card sa kanya ang receptionist. Kanin

