"Everyone! Listen to me. I found
her and she was hired and she was qualified for the job. So, you may go and thank you for coming, '' sabi niya sa mga aplikante at bumalik siya agad sa loob ng kan'yang opisina.
"Ano raw?"
"Ano ba yan?"
"Ang tagal kong naghintay dito, tapos may na hired na agad?"
"Ni hindi man lang nasilayan ni sir itong kagandahan ko''
"Oo nga. Todo ayos pa naman ako today, nasayang lang ang lipstick ko't make-up''
"Diba, nireject ni sir iyong magandang babae kanina? E, sino daw yang hinired nila at na found pa nila?"
"Aba, Ewan ko sa sir pogi na iyon. Baka may nawawalang aplikante dito?"
"Finding Nemo ata ang kinalabasan ng interview na 'to?"
"Hay naku! Hindi ko man lang nairampa itong bagong bili kong skirt"
"Iyon ata yung babaeng nagtanong
sa atin kung saan ang CR at bigla na lang pumasok kanina sa loob ng opisina ni sir pogi. Diba, sinungitan pa natin siya?"
"Kayo lang nagsungit sa kanya, kasi mas maganda pa iyon sa inyo"
"Tumigil na nga kayo. Umuwi na lang tayo"
"Baka, magbago pa ang isip ni sir pogi sa hinired niyang babae"
"From forty six na aplikante, isa lang ang natanggap at hindi man lang narinig ang boses natin. Kainis naman!"
"Unfair naman kung isa lang ang natanggap. Para lang tayong nagsunog ng upuan dito"
"Oo nga e. Baka nga mas magaling pa tayo doon sa babaeng kulot na 'yon," sabay sabay reklamo ng mga aplikante.
Natawa na lang si Maxi sa mga naririnig niyang reklamo. Kahit siya
ay gusto din niyang magreklamo sa kan'yang sir. Kasasabi lang nito na dapat ay maayos at walang aberya. Pero anong nangyari? Himala atang hindi sumigaw ngayon ang binatang CEO sa babaeng bigla na lang pumasok sa opisina kahit hindi pa ito ang susunod. Nakakapagtaka naman.
"Narinig niyo ang sinabi ng boss ko. May na hired na at pwede na kayong umuwi. Magpopost na lang kami kung kelan uli kami hiring," aniya. Nagsitayuan at nagsialisan na lamang ang mga ito. At siya namang pagdating ni Mr. Aguire.
"Ba't uuwi na ang mga iyon?"
"May tanggap na daw"
"Ah? Sino?"
"Iyong babaeng galing sa CR"
"Ano? Agad agad? Sabi ni sir, five to seven minutes ang haba ng interview, depende sa itatanong niya. E, Wala pa ngang five minutes e. Tsaka bakit isa lang ang na hired?"
"Ewan ko din ba sa boss natin.
Minsan, may pagka weird din yon e. Nasa akin iyong folder no'ng babae. Sumasakit tuloy ang ulo ko hanggang puson"
"Buti ikaw puson. Sa akin, mismong baba"
"Baliw ka talaga sir."
"E, ba't ikaw?"
"Masakit ang puson ko, dahil meron ako ngayon. Ang green minded mo Mr. Aguire ha. Halika na nga at pasok na tayo doon"
"Hahaha! Hindi ka naman mabiro. Teka, bakit parang nakalock ang pinto?"
"Aba, ewan ko. Hintayin na lang natin
si sir dito. Order na lang kayo ng pagkain sa baba"
"Ikaw ang magbabayad?"
"Hindi noh? Ipangalan na lang kay Sir"
"Okay, okay," anitong tinungo ang telepono.
Hindi alam ng dalawa kung ano
ang nangyayari sa loob ng opisina ng kanilang boss . Samantalang, hindi lang ang tuhod ni Zoe ang nanginginig. Kundi'y pati talampakan niya ay nanlalamig na rin dahil sa kaharap na lalaki. Ang lalaking ninakawan niya ng pitaka at titig na titig ito sa kanya.
"So, it was you. Yeah. It's really you. What a small world. Nagbago lang ang pananamit mo, but your face has not changed."
"S-"
"Don't speak, if I'm not done. Do you remember me?" tanong niya. Hindi nagsalita ang babae. I said, do you remember me? Ba't di ka sumagot?" aniyang unti unting lumalapit sa dalaga.
"Sabi niyo, hindi ako magsasalita"
"Stupid!"
"Saglit nga Mister. Ba't ba sumisigaw ka? Alam kong ikaw ay isang CEO, pero itong hotel, hindi mo ito pagmamay-ari. Ba't ka ba nandito?"
"What?!"
"Ayan na naman tayo sa pa what what mo. H'wag ka ng mag-englis. Wala ka sa kompanya mo."
"Tssk!"
Nang lumapit pa si Lotus sa dalaga ay halos tatlong dangkal na lang ang layo niya mula dito.
"Hu-H'wag ka ngang lu-lumapit sa akin," ani Zoe na umatras.
"Magkano ang laman ng pitaka ko?" aniya sa nanlilisik na tingin sa dalaga.
"H-ha? Pitaka mo 'yon, hindi mo alam kung magkano ang laman"
"I said, magkano ang laman ng pitaka ko?"
"Ti-ten? ah, hindi. Ahm, eleven," anitong hindi tumitingin sa kaharap na binata.
"Eleven, ano?"
"Alangan naman na pesos?
Understood na iyon. Meron bang may-ari ng kompanya na eleven pesos lang ang laman ng wallet?"
. "Where's my ID's? Alam mo bang importante sa akin ang mga iyon? And look what you've done to my face. Sinira mo ng kaunti ang kagwapuhan ko''
"Buti nga, kaunti lang e. Yabang! Hmp!"
"At ikaw din ang dahilan kung bakit 'di natuloy ang date ko that time"
"Paki ko!" Aniyang inikot ikot pa ang mga mata niya.
"Nang-iinis ka ba Miss?"
"Bakit, naiinis ka ba? Umalis ka na nga dito at tawagin mo iyong mag-iinterview sa akin"
Napailing na lang si Lotus. Lumapit pa siya kay Zoe, at tinignan niya ito mula ulo hanggang paa. Naasiwa naman ang dalaga kaya umiwas siya ng tingin dito. Ngunit hinawakan ng binata ang mukha nito at pinaharap sa kanya.
"Sa lahat ng ayoko, iyong kinakausap ko e, kung saan saan tumitingin. Ba't ba hindi ka makatingin ng diretso sa akin?"
Napalunok si Zoe. Tila parang
kuryente ang pagdapo ng kamay ng binata sa kan'yang mukha at kitang kita niya kung paano magtaas baba ang adams apple ng binata. Para siyang na freez sa kanyang kinatatayuan.
"Do you still remember the first time
we encountered on the side of the road and you stole my wallet. You told me that if you see me again, hindi na wallet ang nanakawin mo sa akin," aniya at inilapit ang bibig sa tenga ng dalaga. Kundi'y halik''
"W-wala akong natatandaan. Hi-hindi ko 'yon sinabi no? Lumayo ka nga,'' kandautal utal nitong sabi.
"What if I will call the police at ipadampot kita dito?"
"H-h'wag"
"Then kiss me now, kapalit ng pitaka kong ninakaw mo"
"Ayoko nga."
"Okay, sabi mo e," aniyang kinuha sa bulsa ang kanyang phone. "So, I will call the police. 095--"
" W-wait. B-babayaran ko na lang iyong pera mo"
"May pambayad ka ba?"
"Hulog hulugan ko"
"Ano yon, 5'6? Hindi ako Bombay"
"Hindi nga, pero mukha ka namang arabo sa balbas mo," anito na sa sahig nakatutok ang mga mata nito.
"Ano?" sabi niyang inilapit pa ang kanyang mukha sa kaharap na dalaga.
Napapikit naman si Zoe sa tinuruan ng binata. "Saan ka ba tumitingin? Sa harap ko ba? Malaki ba at diyan ka tumitingin?" aniyang ngumisi.
Napamulat naman ng mata ang dalaga.
"Bastos!" sabi nitong sasampalin
sana niya ang binata ngunit nahawakan agad ni Lotus ang braso niya at naestatwa siya sa kanyang kinatatayuan dahil sa paglapat ng labi ng binata sa kanya. Dampi lang pero nang umawang ang kanyang labi ay nagkaroon ng pagkakataon ang binatang ipasok nito ang dila niya sa loob. Ang dampi lang na halik ay naging erotic kiss at napapikit na lang ang dalaga at sabay silang napaungol ng binata.
Nang may narinig silang katok ay
saka sila nahimasmasan. Namula pareho ang kanilang mga mukha at walang nais magsalita sa kanilang dalawa. Narinig ni Lotus na si Maxi pala ang kumakatok dahil sir nang sir ito. Lumapit ang binata sa pinto at binuksan iyon.
"Y-yes, Maxi"
"E, sir, kanina pa ho ako kumakatok. Ang tahimik po kasi sa loob kaya akala ko ay kung ano na ang nangyari sa inyo," anitong iginagala ang paningin sa loob.
"Hindi ko naririnig na kumakatok ka. Baka, nabingi lang ako"
"Nabingi? Kanina nga ho ay narinig niyo pa ang ibinulong ko. Saan ho ba kayo nabingi? Doon po ba sa chicks na pumasok dito sir?"
"H-hindi. Pasok ka na. Bye the way, tanggap na siya," aniya na tumingin kay Zoe.
"Agad agad sir?"
"Oo. Tapos na siyang mainterview"
"Ha? E, nasa akin pa ho iyong folder niya. Paano niyo siya na interview?"
"Basta. Tanggap na siya. Bahala ka na sa kanya at lalabas muna ako," aniyang lumabas at naiwang nagkakamot ng batok si Maxi.
( Lotus del Mundo's POV)
Habang binabasa ko ang resume ng aplikante ay may biglang pumasok na babae sa aking opisina. Hingal na hingal ito na animoy hinabol ng pulang kabayo. ibinaba ko ang hawak kong folder at hindi ko pinahalatang nagulat ako ng makita siya. Alam ko ding nagulat siya, dahil nasabi niyang "IKAW?" pero mas nagulat ako sa keysa sa kanya. Lihim ko siyang pinasadahan ng tingin at ibang iba ang itsura niya ngayon.
Lumabas ako para sabihin sa
mga aplikante na may tanggap na sa trabaho. Ewan ko ba kung bakit ko iyon nasabi. Five slots naman ang kailangan ko para sa posisyong Management Trainee, Marketing Assistant, Supervisor, Encoder, at Computer Technician. Ni hindi ko nga alam kung anong pangalan ng babaeng iyon. Hindi ko rin alam kung qualified ba siya o hindi. Bumalik ako sa loob ng aking opisina at parang may magnet ito, dahil titig na titig ako sa kanya.
to be continued..