Chapter 6: Ang Muling Pagkikita

1605 Words
Wednesday today and today is the schedule of his interview with the applicants at the Hotel de Casa, that's why he's here with her secretary. At naiinis siya dahil kung kelan ang schedule niya dito sa hotel para mag-interview ay halata parin ang pasa sa kaniyang mukha.Buti na lang at may ipinapahid siya para hindi halatang sinapak. He talked to the head of HR that he would be interviewing the applicants when he last went here para makilatis niyang maigi ang mga aplikante at soon ay magiging empleyado niya. Sa isang buwan ata ay twice lang kung makapunta siya dito. Minsan ay ang kan'yang secretary ang pinapapunta niya para makimeeting sa mga head at supervisors. "Hello, sir del Mundo, '' Anang isang receptionist doon. "Hi, Ms. Roxas'' "Tin na lang ho Sir. Masiyado po kasing formal kung Ms. Roxas,'' sabi ng receptionist na ngumiti pa ng pagkatamis tamis sa kanya. "Okay, Tin, '' sagot na lang niya. Ayaw niya na humaba pa ang usaping iyon. Inahatid sila nito hanggang sa elevator. Thank you Tin, " aniyang nginitiaan ang dalagang receptionist. "Sir, mukha pong type kayo no'ng receptionist niyo dito kahit may pasa pa ring iyang mukha niyo,"sabi sa kanya ni Maxi nang makasakay na sila sa elevator. "Mukha nga. Pero, kilala mo naman ako Maxi kung seryoso ba ako o hindi sa babae. At 'wag mo ng pansinin itong pasa ko. Importante, gwapo parin ako ngayon'' "Oo nga ho sir e,'' anitong tumawa nang mahina. Si Strad po ba ay hindi niyo siniseryoso? Balita ko po ay inaway niya kayo no'ng isang araw dahil hindi niyo siya sinipot sa date niyo'' "Hindi ko pala nabanggit iyan sa'yo . Babe lang ang tawag ko sa kan'ya, but I'm not serious. Tinapos ko na kung anong namagitan sa amin. Alam mo yan at wala akong itinatago sa'yo'' "Thankyou po sir at pinagkatiwalaan niyo po ako" "Para na kitang kapatid na babae Maxi. Dahil wala akong kapatid na babae kaya siguro ay magaan ang pakiramdam ko sa'yo. Kaya ikaw na ang bahala kay Newell sa training niya'' "E, sir ang sungit sungit po ng kapatid niyo e. Hindi naman siya nakikinig sa akin kung may itinuturo po ako sa kan'ya. Ang lagi lang naman niyang sagot sa akin ay Okay" "Kung ayaw niyang makinig sa'yo, sabihin mo na bigyan mo ng 75 na grado sa training niya para makinig sa'yo" "Seventy five ho sir? Baka lalo ho akong sungitan no'n. Sinasabihan pa nga niya akong how so nerdie" Natawa na lang si Lotus sa sinabi ng kan'yang sekretarya. Mukha atang magkiclick ang dalawa. Well, pagdating sa love, ayaw niya na pakialaman pa ang mga kapatid niyang lalaki kung sino ang gusto nila at pinag- usapan na nila ang bagay na iyan kahapon. "Idaan mo na lang siya sa biro kung susungitan ka niya" "Naku sir, ayoko po. No'ng isang araw ho ay muntikan niya na akong halikan sa sobrang lapit ng mukha niya sa akin. May sa lahi po ba kayong dwende, sir?" "Mukha ba kaming unano sa paningin mo Maxi at mukha kaming dwende?" "E, kasi sir, naririnig po ng kapatid niyo kung anong ibinubulong ko eh. It means, malaki ang tenga niya kaya dwende" "Nakakatawa ka Maxi. Baka lalong magalit iyon kapag sinabi mong mukha siyang dwende" "Baka nga ho sir," aniyang nagkamot ng ulo niya. "Ayusin mo na yang salamin mo, bakit kasi hindi ka na lang magcontact lens para magustuhan ka nang kapatid ko" "Malabong mangyari iyon sir. Mga sexy po ang type ni sir Newell" "Malay mo baka magbago ang taste niya kung aalisin mo yang salamin mo. Boto pa man din ako, sa'yo." "Talaga sir? Baka magalit po si Mrs. del Mundo kung malalaman niya na crush ko si sir Newell. Ay, nadulas ako" "So, crush mo ang kapatid ko?" "Nakakahiya po, pero nasabi ko na ho e" "Crush lang naman e, parang teenager lang ang peg, '' sabi niya sa bading na boses. Nagkatawanan silang dalawa. Hayaan mo na si mama. Basta't 'wag kang magsasabi ng mga impormasyon kung anong mga ginagawa namin'' "Opo sir'' "Ako ang bahala sa'yo,'' aniya at saktong pagbukas ng elevator ay nakaupo na ang mga aplikante. May nagbigay galang at meron ding nagbubulong bulungan. Dumiretso sila sa opisina at pinagbuksan sila ng manager ng hotel. "Good morning sir, Good morning Ms. Maxine, '' pagbibigay galang nito sa kanila. "Good morning too, Mr. Aguire. Is everything okay?" "Yes, Sir." "Okay. Give their folders to Maxi at samahan mo na lang siya sa pag-aasist sa mga aplikante. Maxi, make sure you complete their folders and properly sequence each number of them. Ayoko ng maulit iyong nangyari last month at ayoko rin ang pinaghihintay ako. Set the timer. Each applicant has five to ten minutes to answer all my questions. Understand?" "Yes, Sir, '' sagot ng sekretarya niya at lumabas na ang mga ito sa kaniyang opisina. Inayos ni Maxi ang mga folders from one to forty six. Pero bakit forty five lang ang nakaupong aplikante. Iyong pangatlong upuan pa ang bakante. "Sir, paano po iyan? Nagback out ata iyong isa?" "Kumpleto naman sila kanina. Baka nagbanyo lang iyon dahil may narinig akong nagtanong kung saan ang CR'' "Baka nga po. Pero kasasabi lang ni sir na ayaw niyang pinaghihintay siya. Kilala niyo naman ang boss natin. At ayaw niyang mangyari na naman iyong nakaraang nagkagulo ang mga aplikante dahil sa first come first serve at biglang talon sa number seven. From one to four at seven agad. Iyon pala, nasa powder room iyong mga susunod. Napagsabihan pa tayo ni sir noon na hindi sila na orient" "Iyon nga Ms. Maxine eh. Paano kung magsisisanti na siya ngayon? Baka sabihin na naman niya na hindi sila naorient. Iyong aplikante naman na iyon nagpapaka VIP pa. Kung pwede nga lang na ilagay sa huli e. Sinabihan na nga sila kahapon na before sila pupunta dito ay nakaayos na sila at magCR na before nine. Hay, minsan talaga ang tigas din ng ulo ng mga tao" "So, anong gagawin natin?" "Umpisahan na natin" "Pero, Si--" "Maxi! Mamaya na kayo magtsismisan diyan. I'm waiting. Umpisahan nyo ng magpapasok. I don't want to waste my time lalo at marami pa naman sila ngayon, '' ani Lotus na mukhang naiinis na lumabas at pumasok din agad sa opisina niya. "Ayan na nga ba ang sinasabi ko e. Naging tigre na si sir Lotus. Kanina lang ay nagbibiruan kami sa elevator'' "Parang kang laging bago sa boss natin'' "Sige na sir at puntahan niyo na iyong pangatlong aplikante sa comfort room'' "Okay. 'kaw muna ang bahala diyan,'' anitong umalis na at tinungo ang CR. Nang saktong alasnueve ay pinapasok na ni Maxi ang unang sasalang para sa interview. Tinawag niya na ang babaeng aplikante at binunggo pa siya nito saka pumasok. Ibinigay ni Maxi ang folder kay Lotus at inumpisahan na ng binatang CEO ang pag-iinterview. "Okay, Ms. Ylmyna Yianna Ydoryna Salvacion. How can I pronounce your name Ms. Salvacion ? It's hard to pronounce your name," Naiiling na sabi niya sa kaharap. "Call me Yna sir," pa cute nitong sagot. "Okay, Ms. Yna. Your Twenty one and this is your third job if you get hired, according to your resume. So why did you resign in your previous job? You are former mall supervisor . Are you sure that you are capable with this? At what position will you apply for?" sunod sunod niyang tanong dito. "I'm applying to be your girlfriend sir?" "What?" "I'm kidding, '' anitong napahagikgik. Napakamot naman sa kaniyang batok ang binata at bumuntong hininga siya. "This is not the right time for you to joke, Ms. Salvacion and I have no time to joke with you. Next!" "But, Sir. Nagbibiro lang ho ako'' "I said, next. Maxi!" sigaw niyang tawag sa sekretarya niya. Lumapit naman ito sa kaniya. "Sir, wala pa pong five minutes, tapos na agad? Two minutes pa nga lang po o,'' sagot nito na ipinakita pa ang relo sa binata. "I don't care. Kung wala din namang saysay ang isasagot nila sa mga tanong ko, pwede na silang lumabas. Papasukin mo na iyong susunod. And here's your resume Ms. Salvacion. The next time you apply here, make sure that your answer is corresponding to my questions. Right?" Hindi sumagot ang babaeng aplikante. Kinuha nito ang folder at inirapan si Lotus. May pahabol pa ito bago ito lumabas. "My friend told me that you're really suplado. Pogi ka pa naman. Hmp! Hindi ka talaga magkakajowa kung ganyan ang ugali mo. Kaya nga I'm applying to be your jowa e'' Napatayo si Lotus sa sinabi ng babae "Look, Miss. Kung jowa pala ang hanap mo, hindi ka dapat nagpunta dito. Empleyado ang kailangan ko, hindi jowa. Now you leave. Hindi lang ikaw ang iinterviewhin ko'' "Okay. Bye Mr. Arrogant!" anitong binagsak pa ang pinto. "Ano po ba ang nangyari sir?" "I'm asking her if what position she applying for. Sabi niya, nag-aapply siya para maging girlfriend ko. Seryoso akong nagtatanong, siya naman ito ay pinagloloko ako, '' Tahimik na natawa si Maxi. May nakakatawa sa sinabi ko, Maxi?" inis na tanong niya sa kaniyang sekretarya. "Wala ho sir. Sige ho, tawagin ko na iyong susunod. Ito na po iyong folder ng iinterviewhin niyo, '' aniya at lumabas na. Bumalik sa pagkakaupo ang binata at nag-dekwatro ito habang binabasa ang resume ng aplikante. Tatawagin na sana ni Maxi ang susunod na iinterviewhin nang biglang pumasok ang isang babae at hingal na hingal ito. "Good morning sir. Ako na po ba ang susunod?" tanong nito. Ibinaba ni Lotus ang folder na hawak at tumingin sa babae. I-ikaw?" to be continued.....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD