Chapter 5: ID's

1525 Words
I was dumbfounded by what I heard from Feliz and Pilot earlier. I feel like I have been statued that time. I never thought that she could do this thing to me. Bakit sa dinami dami ng lalaki ay ang pinsan ko pa talaga. They fooled me for a long time then she said sorry. Napaupo ako sa aking couch at nilagok ko ang bote ng alak. Imbes na papeles ang inaatupag ko, heto ako ngayon at alak ang kaharap ko. Nabulyawan ko pa kanina ang aking mga empIeyadong tsism0sa. Bumuntong hininga ako. I don't want to cry. But I can't stop crying. Nilagok ko ulit ang laman ng bote ng alak. Nang maubos na ang laman ng bote ay itinapon ko iyon at nabasag. Para nga akong isang bote, dahil pagkatapos ubusin ay itatapon na lang kung saan saan. Do I look like a trash to her? I gave everything to her but it wasn't enough, hindi pa pala ako sapat. Ni hindi nga siya nagmakaawa nung sinabi kong magresign na siya. Umalis na lang sila ni Pilot na parang walang nangyari. "End of Flashback " "T*ng ina! Ang tanga tanga ko noon. Halos isang buwan akong laging nasa bar to heal the pain she have caused. And after that happened, She's still with Pilot. And one of my friends told me that they flew to Singapore at nabalitaan ko na lang na nasa kompanya ni mama ang pinsan ko at pagkatapos ng isang taon, bumalik na dito sa Pilipinas ang ahas kong pinsan. But, where is Felizity?" Bulong niya sa kanyang sarili. Nang magring ang kanyang telepono ay kinuha niya iyon at tinignan kong sino ang tumatawag. He's mama. Humugot siya ng malalim na hininga. "Yes, mama." sagot niya "Lotus, iho. I wanted you to know that Pilot is already there and he wants to invest in Hotel de Casa'' "Invest? No ma'' "Don't say no, Lotus. Malaki ang iaambag niya sa hotel. In fact, may maganda siyang hangarin sa kanyang pamamalagi diyan'' "Ma, napupunta sa kanila ni uncle ang 25percent na kita ng Hotel de Casa. Kung papayag pa ako sa gusto niyo, maybe 40percent will go to them. Paano naman tayo?" "Listen to me, Lotus. Um-oo na ako sa gusto niya. Sa akin na niya ipinasa ang proposal niya bago siya umuwi diyan sa Pilipinas'' "No, ma. I don't want to accept that'' "Lotus!" "Bye mama, '' aniyang pinatayan ng phone ang kanyang ina. Alam naman niyang noon pa ay malapit sa isa't isa si Pilot at ang kanyang ina. Malapit din naman sila dati ng pinsan niya, ngunit nagkainitan lang simula noong umupo siya bilang isang CEO ng kompanya ng kanilang namayapang lola. Simula noon ay iba na ang tingin sa kanya ni Pilot. At dahil dalawang beses niyang nireject ang proposal nito noon ay nagalit ang kaniyang ina. At simula nang lokohin siya ni Feliz ay sunod sunuran pa rin at natatakot siya sa kanyang mama . Pero nakapag desisyon na siya ngayon. He wants to stand by his own. He wants to prove with Pilot and Feliz that he was not the same Lotus na niloko nila noon at ginawa nilang tanga. Nang magring na naman ang kanyang phone ay hindi niya na ito sinagot. Tinignan niya lang kung sino ang tumatawag at unknown number iyon. Pinatay na lang niya ito at in-off ang phone niya. He was thinking na kung kanino ang numerong iyon. Hindi naman nagpapalit ng sim si Maxi. Kinalahati lang niya ang laman ng bote ng alak. Hindi niya kailangang magpakalango dahil tapos na iyon at marami pa siyang aayusin bukas. Ang mahirap lang ay ang sugat na idinulot ng babae noon sa kanya. "Hi, kuya. How's your night?" "Okay lang. Nakatulog naman ako. Saan 'yong dalawa?" "Naliligo na si Newell. Si kuya Camlin naman ay nasa kwarto pa niya. You want coffee kuya?" alok ni Sheff sa kanya. "Yes. Pero ako na ang magtitimpla. Gisingin mo na si kuya Camlin mo para sabay sabay na tayo'' "0kay kuya,'' anitong umalis na at tinungo ang kwarto ni Camlin. Nakatalikod paupo si Lotus sa hagdan kaya kahit hindi niya nakikita ang dalawang kapatid ay naramdaman niya ang pagtapik ni Camlin sa kaniyang balikat. "Kuya, about the last night. I want to say sorry, '' anito. "It's okay. Umupo na kayo para sabay sabay na tayong kumain. Sheff, tawagin mo na si Newell. Ilang minuto na ata siya sa banyo'' "I'm done kuya, '' agaw ni Newell na lumabas sa kwarto niya at lumapit na ito sa kanila. "Sige na at maupo na kayo. It's already seven, baka malate pa tayo. Ikaw na ang maglead ng dasal Camlin'' Tumango lang ang binata at naglead na ito ng dasal. Minsan ay isang beses o twice lang kung sila ay sabay sabay kumain sa isang buwan. "Ahm kuya, '' Umpisa ni Newell. Umpisa na ng OJT namin, so I decided to train in our company'' "That's good. Maititrain ka ni Maxi'' "Maxi? Your nerd secretary?" "Yeah. Alangan naman ako?" "Eiw! Baka hindi ako makapag concentrate kung siya ang magtitrain sa akin'' "Arte mo Newell, '' sabi ni Camlin. "Oo nga, '' sabi naman ni Sheaffer. "Excuse me. We're not the same taste. I like sexy as a model. Not a nerd or manang manamit'' "O , ba't napunta ka na sa like? Sinabi lang ni kuya Camlin mo na maarte ka'' "Defensive yan kuya,'' sagot naman ni Sheff na natatawa. "Baka iyon nga ang destiny mo. I remember the last time no'ng inutusan ni kuya si Maxi na kunin niya dito iyong mga papeles at ikaw ang nag-abot sa kanya. Kahit nakaalis na iyong tao ay nakasunod tingin ka parin sa kanya at nadapa ka sa paa ng mesa,'' sabi nito at tumawa nang malakas. ''Did you remember that kuya? Tawang tawa tayo noon'' "So, nakakatawa 'yon kuya Camlin?" irap nito sa pangalawa niyang kuya at sumubo. "Tumigil na nga kayo. Baka humaba pa 'tong usapan natin e, hindi na tayo makapasok. Basta si Maxi ang magtitrain sa'yo at siya na rin ang magbibigay ng grado'' "Hindi ikaw kuya?" sabi nitong tumigil sa pagsubo ng kanin. "75% ang ibibigay ko, kung ako ang magbibigay ng grado mo'' Napakamot sa ulo si Newell. At tinapos na nila ang kanilang almusal. Sabay na silang umalis. As usual, si red na naman ang ginamit niyang kotse. ~~~~~~~~~ "La, kain lang po kayong mabuti. Masarap ho ang almusal natin ngayon'' "Saan ka ba galing kagabi? Kamo magdedelihensiya ka ng makakain, pero ang tagal mo kaya nauna na akong kumain at nakatulog na ako sa paghihintay sa'yo'' "Diyaan lang ho la. Maaga pa ho iyong alasiyete. Nadatnan ko na nga kayong naghihilik at naglalaway e. Isang balde ata iyong laway niyo,'' sabi nitong napahagikgik. "Isang balde ka riyan. Kuh, matanda na ako kaya maagang natutulog ang mga matatanda'' "At maaga rin kayong nagigising. Inuunahan niyo iyong mga tandang ng mga kapitbahay natin." "O, siya siya. Kakain na ako at ako ay gutom na. Ano ba iyang niluto mo?" "Fried fish, with fried rice ala Zoe,'' aniya at pinaghila niya ng upuan ang matanda. "Inartehan mo pa e, daing iyan." "Dried fish po iyong daing 'la,'' aniyang umupo na rin at nagsandok ng kaniyang pagkain. Aalis ho ako mamaya la'' "Saan ka na naman pupunta?" "May aayusin lang ho ako' la." "Bahala ka, '' sagot ng matanda sa kanya. Pagkatapos nilang kumain ay niligpit niya na ang kanilang pinagkainan. Pinagpahinga niya na ang kan'yang lola at nagtungo na siya sa kwarto niya. Kinuha niya ang pitaka ng lalaki at doon lang niya napansin ang mga ID's nito. Tinitigan niyang mabuti ang mukha ng lalaki. "Alam mo, mas pogi ka sa personal. Mukha kang batang siponin dito sa ID mo. Ano kayang gagawin ko 'pag nagkita uli tayo. Magagawa ba kitang nakawan ng halik gaya ng sinabi ko kahapon? Baka nga may jowa ka na dahil sa kakisigan mo. Baka pagselosan pa 'ko ng jowa mo kung sakaling nanakawan kita ng halik. Mukha ngang bagay tayo e. landi ko noh? Sorry uli ha. Kailangan talaga namin ng pera kaya nagawa ko iyon. Pero hindi ko na iyon uulitin. Pwede siguro kung sa'yo uli. Bye pogi muah!" aniyang ibinalik na ang ID sa pitaka. Binilang niya ang pera at halos lumuwa ang kan'yang mga mata. Eleven thousand three hundred ang lamang cash ng wallet ng lalaki. Tamang tama ang naisip niya. May pang-apply na siya, may pambili pa siya ng corporate attire. Hindi na siya sisitahin. Bukas na bukas din ay maghahanap na siya ng trabaho. Kaya tama lang ang naisip niyang aalis siya maya maya. Lumabas na siya sa kwarto. Nadatnan niya ang lola niyang nagsusulsi ito ng damit. "La, mag-aapply ho ako ng trabaho bukas, kaya ho ako aalis maya maya. Bibili ho ako ng biodata'' "Magandang ideya iyan apo. Para hindi ka na laging nasa kalye at pinagkamalan ka ng snatcher at tomboy'' Napaubo siya sa sinabi ng kanyang lola. ''la naman, porke nasa kalye na snatcher na agad at mukhang tomboy? Sa pananamit lang siguro pero babae ho ako ' la at maganda pa!" aniyang kinindatan ang lola niya. to be continued.......
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD