"Because I want. And I knew
auntie Rita would accept it, '' Sagot nito.
Tumayo si Lotus at ipinatong niya ang folder sa harapan ng kan'yang pinsan. At bumalik ito sa kanyang swivel chair at hinilot ang dulo ng ilong niya.
"Are you sure Pilot? I am the Ceo here. Even mama accepts your proposal, it will pass and still pass to me. And if for example, the board would like your proposal, they still won't sign that without my consent"
Tumingin sa kanya si Pilot. Kung nakakasunog lang ang tingin nito ay nasunog na siya.
"Kompanya din namin ito Lotus. Not only yours. You may have forgotten that I am also a Herera. The eldest son of My dad and one of grandma's heir,'' Diin nitong sabi.
He grinned foolishly to him. Tumayo siya, at hinaplos haplos ang tumutubo niyang balbas at napapailing sa harap ng kanyang pinsan.
"What I know Pilot that grandma's eldest grandson will be the CEO of their company. The Hotel De Casa, and the other branch. So, I am two years older than you. That's why lola chosen me to manage it after my father's left"
"Your f*****g Idiot!" anitong tumayo.
"Ano bang pinagpupuputok ng
butse mo Pilot? Grandma has already given their business to you in Mandaluyong and to your dad. So, what's your problem?" aniyang binagsak ang kanyang kamay sa kanyang mesa.
"My problem is you! Masiyado
kang mapapel sa pamilya natin. Pati
ang proposal ko, hindi mo tanggapin. You know what, you've been arrogant since you sat a CEO.''
"I'll just do my job Pilot. And I will never sign your proposal, unless you change the location and the site. Sino bang taong magpapatayo ng bar sa harap ng mismong eskwelahan? Ikaw lang. Kung restaurant o caffee ang itatayo mo doon, maybe I will sign your proposal and that's a good idea for me if you do that para hindi na lumayo ang mga istudyante"
"Caffee ? You are really cheap! Nagsayang lang pala ako ng oras at laway sa'yo. Pinag isipan kong mabuti yang proposal na iyan, tapos irereject mo lang?"
"Hindi ko naman sinabing magpunta
ka dito sa opisina ko. At hindi porke magpinsan tayo, Oo na agad ako sa gusto mo. Hindi lang sarili ko ang inisip ko, Pilot. Maraming empleyado ang umaasa sa kompanya. Kung pipirmahan ko yang lintik na proposal na iyan, baka maraming mawawalan ng trabaho. You should have thought carefully about your proposal before you came to me. And I'll just remind you, I am the Boss here"
"I don't care if you're the boss!" anito sa mataas na boses. Tumitig ito kay Lotus at nakipag-salubungan din ng titig ang binatang Ceo.
"Remember this Pilot, You are here in my office. Tanggapin mo kung anong disisyon ko!"
"You are really papery Lotus!"
"I don't care if that's how you think of me. I'm just telling the truth"
"Okay, Okay. Pero tandaan mo Lotus, hindi lang iisa ang araw. Babalik ako dito,'' Anitong kinuha ang folder at lumabas siya sa opisina.
"Go on!" pahabol na sabi ni Lotus
dito. Umupo siya at humugot ng malalim na hininga. Simula nang umupo siyang Ceo ay iba na ang tingin sa kanya ni Pilot. Pangalawang beses na kasi niya itong ni reject dahil sa proposal nitong hindi naman dapat talaga tanggapin. Which is big deal sa pinsan niya at laging ginigiit nito ang kanyang gusto.
Tinapos ni Lotus ang kanyang trabaho na hindi man lang tumawag ang kan'yang nobya. Pasado alas sinco na ng ito ay tumawag at sinabi nitong hindi siya nakapasok dahil masama ang pakiramdam nito. Okay lang naman sa kan'ya iyon, pero dapat ay nagtext o nagchat man lang ang dalaga para naman naghalf day na lang siya sa trabaho at binisita na lang niya ito sa condo.
Pauwi na sana siya ng makalimutan niya ang mga papeles na naiwan sa kaniyang opisina. Iuuwi niya ang mga papeles na iyon sa kanilang bahay para tapusin. Gusto sana niyang sa condo na lang niya dalhin ang kanyang trabaho kaso ay mahina ang internet doon. Kailangan niyang basahin ang mga reports na nagmula sa marketing at sa mga board. Kailangan din niyang reviewhin ang financial reports ng kanilang hotel.
Bumalik siya sa building. Naabutan
pa niya ang guard at mga iba pang empleyado sa kani - kanilang cubicle. Binati pa siya ng mga ito. Nag-oovertime ang mga ito dahil kailangan at ang iba ay dahil sa nakukulangan ang mga ito sa kanilang sweldo dahil pamilyado na. Alam din niyang nandito pa si Pilot dahil kausap nito ang isa sa mga head ng financial. Nabanggit ito ng kanyang nerd na sekretarya kani kanina lang.
Pumasok siya sa kan'yang opisina
at kinuha ang mga papeles at inilagay
sa kanyang attache case. Dahil gusto niyang uminom nang malamig na tubig ay nagtungo siya sa kanyang pantry. Sa pinto pa lang ay nakarinig na siya ng kaluskos sa loob. Binuksan niya ang pinto at nabigla siya sa kanyang nakita. Ibinaba niya ang kan'yang attache case at sinuntok si Pilot. Natumba ito at agad ding tumayo.
"What the f**k!" sigaw ni Pilot.
"L-Lotus?" sambit ni Feliz sa kan'ya na animoy nakakita ng multo.
"Niloloko niyo ba akong dalawa?" sabi niyang pinaglipat lipat nang tingin sa dalawa.
"Pilot, let me explain, '' Ani Feliz
"Shut up! I thought you feel bad. So, you didn't come in earlier. Pero, bakit ngayon nandito ka? Sabihin mo! May relasyon ba kayong dalawa ng pinsan ko at naghahalikan kayo!"
"Oo!" sigaw ni Pilot.
"You f*****g!" Sigaw niya dito.
Ngumiti nang nakakaloko si Pilot at pinunasan nito ang duguang labi.
"Tell me, Feliz. Kelan niyo pa ako niloloko?"
"I'm sorry Lotus kasi ang duwag mo. Hindi mo masabi sabi sa mama mo na nobya mo ako. Pero si Pilot? Kaya niya akong ipaglaban, not like you!" duro nito sa kanya.
Sinampal niya si Feliz at nabigla ang dalaga sa kan'yang ginawa. "Ang sabihin
mo, hindi ka nakuntento. Sabi ko naman sa'yo, kaunting panahon lang ang kailangan ko para masabi ko kay mama. Pero, hindi ka nakapaghintay."
"Nagsasawa na ako sa mga ganyang rason mo Lotus. Nakakarindi na!"
"You are really coward my cousin. Not just only a paper. ''
"Yes, I admit that I am a coward.
Pero hindi ako katulad mo na hindi mo matanggap ang pagkatalo mo!''
"P'tang ina mo!" sabi nitong nilusob ng suntok si Lotus. Pero nailagan iyon ng binata.
"Enough Pilot!" saway ni Feliz sa mga dito.
Nang binigwasan pa siya ni Pilot ng isa pang suntok ay natumba siya. Pero agad din siyang tumayo.
"You know what Pilot, hindi ko alam kung nananadya ka o nagkataon lang na kayo ni Feliz. Alam mong kami ni Feliz. Pero, bakit sumingit ka pa!"
"Bago ikaw, ako ang nauna sa'yo
Lotus. Matagal ko nang kilala si Feliz. She's mine. Hindi siya bagay sa duwag at mayabang na katulad mo!"
"Tama na Pilot, '' Sabi ni Feliz.
Nagsilapitan at nagbulungan ang ibang mga empleyado.
"Ang swerte naman ni Feliz. Pinag-aagawan ng dalawang hot na lalaki"
"Oo nga e. Ibigay na lang niya sa akin
si sir Lotus kahit sa kaniya na lang si sir Pilot"
"Ang haba naman ng hair niya. Parang si Rafunzel. Rejoice lang ang peg"
"Shaka! 'di na uso ang rejoice. Sunsilk ang mabenta ngayon"
"Ay basta! Kahit ano pang shampoo pa yan. Basta sa akin si papa Lotus"
"Tumigil nga kayo. Baka marinig pa kayo ni sir Del Mundo e, sesantihin niya tayo"
"Alam mo, ang kill joy mo. Para kaya tayong nanonood ng sine,'' Anitong nakipag apiran pa sa katabi.
"Naku si sir, galit na galit. Manloloko kasi itong Feliz. Namamangka sa dalawang ilog,'' Sabi pa ng isang bading.
"Hay , sinabi mo pa. Akala siguro niya, hindi natin napapansin na may lihim na relasyon sila ni sir Lotus. Updated yata ako. Tignan niyo si sir, nanggagalaiti na siya sa sobrang galit"
"Tumigil na nga kayo at baka makita nila tayo," Sabi ng isang head at tumahimik ang mga ito.
"Ibig bang sabihin, nagsinungaling
ka sa akin Feliz? Iyong binanggit mo kaninang nagpunta ka sa party last night? Sabihin mo!" baling niya sa dalaga.
"I'm sorry Lotus. I didn't mean to
hurt you. Pilot is my boyfriend since we haven't met. I don't want to do this to you. Hindi ko naman akalaing mahuhuli mo kami sa akto.''
"What? You have been in a relationship for a long time? And You didn't mean to hurt me, but you deceived me. At ganyan pa ang sasabihin mo? And then sorry lang?" tuloy tuloy na sabi ni Lotus sa dalaga.
"Accept that Feliz is not for you"
"I'm not talking to you!" sigaw niyang sabi kay Pilot.
"I don't care. I just want you to know the truth Lotus. Hindi ka mahal ni Feliz. H'wag mo ng pahirapan ang sarili mo!"
"And I want to hear her answer, kaya h'wag kang sumingit. Gusto kong malaman sa'yo mismo Feliz, you choose only one between me and my cousin.''
"I'm really really sorry Lotus,'' sabi nito sa kanya.
"Tell to me, sino ang pipiliin mo sa amin ni Pilot?!"
"I'm sorry, Lotus."
"I don't want your sorry. Tell me, sino sa aming dalawa ang pipiliin mo?"
"S-si Pilot, '' sabi nitong hindi makatingin ng diretso sa kaniya.
"You chose Pilot over me huh! Then, resign now and you leave!''
to be continued.....