Chapter 3: Reject

1559 Words
"Open the door kuya, Your wine is here" "Bukas yan. Come in," sagot niya sa kan'yang kapatid. Pumasok si Sheaffer sa kwarto dala ang tray ng pagkain at alak. Nadatnan niyang nasa balkonahe ng kwarto si Lotus. "Ilapag mo na lang diyan sa mesa at lumabas ka na" "Ahm, kuya. Are you angry with me?" "No. I'm not. Sige na. Lumabas ka na. Magpapahangin lang ako, saglit dito. '' "Okay. Magdinner ka muna bago ka uminom. O, baka gusto mo ng kausap?" "Iwanan mo muna akong mag-isa Sheff. Bukas na lang tayo mag-usap, '' Sabi nitong hindi lumilingon sa kanyang kapatid. "0kay, '' Sagot naman nitong lumabas na ng kwarto. Nang marinig niya ang pagsarado ng pinto ay kinuha niya ang alak. Nagsalin kaagad siya sa baso at nilagok iyon. Akala niya wala na ang sakit na ginawa sa kanya ng nobya niya noon, pero hindi pa rin pala nawawala lalo na at nabanggit ni Camlin ang pangalan ng babaeng iyon. He thought, he was okay even a year ago, pero hindi pala. He thought, the pain she caused would be relieved if he was joking and laughing, Pero mali ang kan'yang pag-aakala. Aaminin niyang kwela siya minsan, ngunit hindi niya maitatago ang sakit na idinulot noon ni Feliz sa kanya. Isang taon na ang nakakaraan pero sa tuwing naririnig at pinapaalala sa kan'ya ang pangalang iyon ay parang sinasakal ang kanyang leeg at pinipiga ang puso niya. Akala nga niya ay si Feliz na ang babaeng para sa kanya, pero hindi pala. He give everything what she wants. Bags, jewelries, shoes and money at marami pang iba, even a condo. Hindi lang talaga nakuntento't nakapaghintay ang dalaga. Ang dinahilan sa kanya ng dalaga ay ang pagiging duwag niya at hindi niya kayang ipaglaban ito sa kan'yang ina. Kaya ba ginawa niya ang bagay na iyon? Ang lokohin siya nito? Inaamin niyang duwag siya. Dahil natatakot siyang mapunta kay Pilot ang kompanyang pinaghirapang ibalik sa dati ng kan'yang papa. (Flashback One Year ago) "Hon, dalawang taon na ang relasyon natin. Hanggang kelan mo ba 'to ililihim sa nanay mo?" "Soon. Just a little patience hon. Basta, magtiwala ka lang sa akin" "Lagi mo namang sinasabi yan e. Pang sampung beses na ata?" "Hindi naman. Pang siyam pa lang. Kumukuha lang ako ng tiyempo hon. Alam mo naman si mama." "Hay naku Lotus. Ang sabihin mo, duwag ka. Ni pati sa mga empleyado, hindi nila alam na jowa mo 'ko, e." "Hon, you know my situation right? And It's hard for me to hide our relationship with my mother. Please understand," Aniyang hinaplos haplos ang balat ng babae. They are both naked. Kahit hindi siya nakauna kay Feliz ay hindi iyon mahalaga sa kanya. Mahal niya ang dalaga pero nag-iingat din siya para hindi ito mabuntis. Ayaw din naman ng dalaga na mabuntis siya na lihim ang kanilang relasyon. kaya kunting panahon lang talaga ang hinihingi niya dito para masabi niya ang totoo sa kanyang ina. "Mabuti pa si Pilot dahil hindi mahigpit ang daddy niya. Pero ikaw? lahat ng kilos mo, kailangan alam ni Mrs. Delmundo. Para kang robot at siya naman ang remote control" "Si Pilot 'yon Feliz. We're not the same. At magkaiba si mama at uncle Henry ng pagdedesiplina. We're broken family, kaya ganoon na lang si mama sa amin" " Is that the main reason Lotus?" "Alam mong hindi. You know their story dahil hindi ka naman bago sa mga nangyayari noon. I don't want to talk about the past Feliz. Masakit din sa akin ang nangyari kila mama at papa. And I cannot blame my dad for why he did that and chose her secretary" "Paano, nagsawa na ang papa mo sa mama mo sa kadadakdak at pagbuntot niya. Kaya pati kayong mga anak niyang lalaki, ginagawa niyang puppet" He sighed. Matalas talaga ang bibig ng nobya niya, which is balewala lang sa kanya at kaya niyang magtiis sa ugaling ipinapakita sa kanya ni Feliz. "Magbihis na tayo hon. Baka saan pa mapunta itong usapan natin," Aniyang bumangon na kahit wala siyang saplot ni isa. Hinila naman siya ng dalaga at natumba siya sa ibabaw nito. "Ayaw mo na ba ng isa pang round hon? Nabitin kasi ako kagabi e," Sabi nito sa maarteng boses at dinilaan ang pisngi ng binata. "Hon, halos gabi gabi na nga tayong nagtatalik, nabibitin ka pa?" "E, sa lagi kong hinahanap ito. Anong magagawa ko? Dito na lang kaya ako umuwi sa condo mo?" "Tsaka na 'pag okay na ang lahat hon. 'ligo na tayo baka biglang dumating si mama,'' Aniyang kinintalan ng halik ang dalaga at umalis siya sa ibabaw nito at nagtungo sa banyo. "Okay," Sagot nitong sumunod sa binata. "GOOD MORNING Sir," Sabay sabay na bati ng mga empleyado sa kanya. Ang iba naman ay yumuko na lang tanda ng paggalang nila sa kanya. Five months na simula ng umupo siyang Ceo dito at ang kanyang pinsan na si Pilot ang siyang may hawak ng ibang negosyo ng kanilang lola. Dahil magkapatid ang kanyang mama at daddy ni Pilot ay silang dalawa ng pinsan niyang panganay ang humahawak ng mga naiwang negosyo ng kanilang yumaong lola. "Good morning too," Tipid niyang sagot sa mga empleyadong nakakasalubong niya. "Maxi, make me one cup of coffee and bring my files to my office okay," Baling niya sa kanyang sekretarya. "Yes, Sir," Sagot naman nito at pumunta na ito sa pantry. Napangiwi pa siya sa suot ng kan'yang sekretarya dahil nakapalda ito hanggang sakong. Pati salamin nito ay kasing kapal ata ng magnifying glass. Si Feliz sana ang gusto niyang secretary, pero hindi pumayag ang kan'yang ina dahil hindi ito nakatapos at anak ito ng kanilang guard sa kompanya mataas ang standards ng mama niya when it comes to work. At baka raw iba ang gagawin niya kung si Feliz ang magiging sekretarya nito. Bukod kasi sa maganda ang kan'yang nobya ay sexy pa ito. Kaya ang kanyang mama ang pumili kay Maxi para maging sekretarya niya. Isang nerd at manang kung manamit para hindi daw siya mainlove dito. Pumasok na siya sa loob ng kan'yang opisina. Denial muna niya ang number ni Feliz at umupo sa swivel chair. "Hello hon, are you already in your office? Baka malilate ako ng pagpasok. Masakit kasi ang ulo ko dahil nasobrahan ako sa alak kagabi sa party ni Riza" "Party? Akala ko tulog ka na, kasi hindi kita matawagan. Ba't hindi ka nagpaalam sa akin na may pupuntahan ka pala kagabi?" "Magpapaalam na sana ako sa'yo kahapon kaso kausap mo sa phone si Mrs. del Mundo, kaya hindi na kita inabalang katukin sa opisina mo. Don't you worry, I'm with Pilot last night" "Kasama mo si Pilot kagabi?" maang niyang tanong. "O-oo. Nagkita kami dito mismo sa party" "Bakit? Magkakilala ba si Riza at Pilot?" "H-ha? Ah e, y-yong boyfriend ni Riza, kaibigan ni Pilot. '' "Kelan pa sila magkakilala? Si Bryan ang boyfriend ni Riza, right? So paano magkakilala ang dalawa samantalang ang layo ni Pilot sa field na pinagtatrabahuan ni Bryan?" "Hindi na si Bryan ang boyfie ni Riza, hon. S-si Mark na. You know Mark right? Iyong friend ni Pilot" "Okay," Sagot na lang niya. "Kita na lang tayo maya diyan hon. Bye,'' At ibinaba na nito ang tawag sa kabilang linya. Samantalang napapailing lang ang binata sa mga rason ng nobya niya. Nang tumunog ang intercom. "Hello, sir.'' "Yes, Maxi.'' "Sir Del Mundo, Mr. Herera is here.'' "Okay, come in and don't forget my my files and my coffee. '' "Okay, sir," Anito at siya namang pagbukas ng pinto at iniluwa niyon si Pilot, kasunod nito si Maxi. "Good morning my cousin. Ang ganda ng pwesto mo dito ah. Paupo upo lang," Sabi ng pinsan niyang inilibot nito ang paningin sa buong opisina niya at namulsa ito. "Have a seat, Mr. Herera. Maxi, dito mo na lang ipatong yang dala mong kape and give my files to me" "Opo sir," Sagot nitong inilapag ang kape sa mesa ni Lotus. ''Here's your files sir," Abot niya kay Lotus sa mga papeles. "Thankyou Maxi,'' sabi niyang kinuha ang mga papeles sa sekretarya niya. "Welcome sir. Sa labas na po ako," Pagpapaalam nito. "Sige. Just wait for my call" "Okay sir," At lumabas na ito sa opisina niya. "So, What brought you here?'' baling niya sa kanyang pinsan. "Masama bang bisitahin ko ang pinsan ko?" anitong umupo nang naka-de kuwatro paharap sa kanya. "Iyon lang ba ang rason ng pagpunta mo dito? Opps, before I forgot you want wine, coffee, or water?" "Nope. Actually, I visit you here dahil may dala akong proposal sa'yo. '' "What kind of proposal?" "Here," Anitong iniabot ang puting folder. Kinuha iyon ni Lotus at binasa nito ang nilalaman ng folder. "Magpapatayo ka ng bar sa mismong tapat ng University? Okay ka lang ba Pilot?" aniyang kinunutan niya ng noo ang kaharap na lalaki. "Anong masama doon? Ayaw mo no'n? Dadayuhin ng mga istudyante ang ipapatayo kong bar. At hindi lang mga istudyante, pati na mga professors" "I'm sorry Pilot. I will not accept this," Anitong ibinalik ang folder sa kan'yang pinsan. Hindi iyon kinuha ni Pilot. Nginisihan lang siya nito. "Your unbelievable Mr. del Mundo. Pera na yan, ayaw mo pa!" anitong tumingin nang masama kay Lotus. "Hindi ako manghihinayang sa pera kung ganyan ang proposal mo sa akin. '' to be continued......
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD