Naiinis na ako dahil pinagloloko
ata ako ng babaeng ito. Tinangka niyang tumakas pero nahawakan ko siya sa kan'yang braso. Pero bigla niya akong sinapak. Natumba ako sa lakas ng sapak niya. Ibang klaseng babaeng iyon. "Ala pacman!" bulong ko.
Sinabihan niya pa akong halik
na ang nanakawin niya sa akin kung magkakasalubong uli ang aming landas. Pasalamat talaga siya dahil hindi ako pumapatol sa babae. Sa kama, pwede pa. Pero malayong mangyari 'yon kung doon lang din sa babaeng mandurukot na iyon. Sumigaw pa akong bumalik siya pero nawala agad siya sa paningin ko. Ang sakit na nga ng aking siko, nadagdagan pa sa gwapong mukha ko. Buti na lang at hindi sumakit ang lolo ko. ''Gademeyk!"
Umalis na ako sa lugar na iyon. Hinahaplos haplos ko pa ang makinis kong mukha. Imbes sa date namin ni Strad ako didiretso ay sa clinic ako pupunta. Sumakay ako sa jeep. Pinagtitinginan ako ng mga katabi ko. Siyempre! Gwapo ako eh. Mala Derrick Monasterio ata ito. Inabot ko ang bayad sa babaeng katabi ko. Pero naestatwa ito sa kanyang kinauupuan.
"Miss, pasuyo ako. Pwedeng pakiabot kay mamang drayber?"
Ngumiti ang babae sa akin.
Maganda ito, pero mas maganda iyong babae sa kalye kanina kahit ganoon ang pananamit nito. "s**t! ano ka ba Lotus? akala ko ba, hindi kagandahan ang babaeng 'yon?" Bulong ko. at kinuha niya ang bayad ko.
Bumaba ako sa malapit na klinika. Dahil hindi pa naman pumapasa ang sinapak ng babaeng iyon ay neresetahan lang ako ng para sa pasa at nilagyan ng band aide itong siko ko. Umuwi na rin ako pagkatapos at hindi ko na nagawa pang puntahan si Strad.
************
"ANONG nangyari sa'yo kuya? Ba't may pasa ka sa mukha? Nabugbog ka ba sa labas? Halika, balikan natin. Kuya Camlin, come with me!"
"OA mo Sheff. Pasa lang 'to,"Aniyang dumiretso sa loob at umupo sa couch.
Hingal na hingal naman si Camlin na may dalang pangbati ng itlog.
"Sinong nambugbog sa'yo kuya
Lotus? Si Strad ba? Iyong mga tambay bang mas gwapo sa'yo? Sabihin mo at pangbati lang ng itlog ang itatapat ko sa kanila."
"Sira! Pati mga tambay, isinama mo sa kalokohan mo. Saka, mas gwapo pa ako sa mga iyon at hindi sila matatakot sa dala mo. Ano sila itlog na babatiin?
Sa mukha mo, pwede pa silang matakot dahil daming harina sa mukha mo."
"Oo nga naman kuya Camlin. Magpunas ka muna. E, kuya, ano ba talagang nangyari sa'yo? At sinong may gawa niyan? Si strad ba? May band aide pa 'yang siko mo o."
"Hindi siya"
"E, sino?"
"Iyong babae sa kalye," sagot niya.
"Babae? Babaeng baliw ba kuya Lotus ang gumawa niyan sa'yo? Ba't sa mukha ka pa nilagyan ng pasa? Hindi na lang sa baba."
"Loko! Alam niyo, kayong dalawa ang OA niyo. Seryoso akong nagsasalita dito, hinahaluan niyo ng kalokohan. Lalong sumasakit ang ulo ko sa inyo. Matinong babae 'yong nanapak sa akin kanina," Aniyang hinilot ang kanyang sentido.
"Ano bang ginawa mo at sinuntok ka no'ng babae sa kalye na sinasabi mo?" tanong naman ni Camlin na umupo sa tapat ni Lotus.
Ikinuwento niya sa dalawang
kapatid niya ang nangyari sa kanya kanina. hindi pa man niya nakakalahati ang pagkukwento ay natatawa na si Sheaffer. Pinipigilan naman ni Camlin ang matawa dahil masama na ang tingin ni Lotus sa kanila.
"Babae ba o amazona 'yong nanapak sa'yo kuya?"
"Baka babaeng amazona? O kaya'y kapatid ni Pacman?'' sabi nitong tumawa nang malakas.
"So, anong nakakatawa do'n? Dinukutan na nga ako, tawang tawa pa kayo. Hindi nga ako nakapunta sa date namin ni Strad, dahil sa babaeng bra na 'yon.''
"Ba't hindi mo kasi kinuha iyong wallet mo sa bra no'ng babae? de dapat, nakatsansing ka pa. Ang hina mo kuya," Naiiling na natatawang sabi ni Sheaffer.
"Hindi ako katulad mo Sheaffer.
Para kasing inosente 'yong babae kahit ganoon siya. Kung gago lang ako, ginawa ko na 'yon"
"Oo nga naman Sheff. We're not like you," Ani Camlin.
"Oy, nagsalita ang goodboy."
"Tumigil na nga kayo. Sumasakit lalo ang ulo ko sa inyo"
"Sa taas o sa baba kuya Lotus?" tanong ni Camlin.
"Pareho! Ikuha mo na lang ako ng tubig. Teka, parang wala ata si Newell? Hindi ko pa siya napapansin."
"Sinundo ng tropa niya kani kanina lang. May birthday daw at doon na rin magdidinner. Tamad kasing magluto si kuya Camlin."
"Dapat pala, hindi ko na pinayagang umuwi sina Yaya Denel at Manang."
"Babalik din naman sila agad bukas kuya,'' Ani Camlin.
Kumunot ang noo ni Lotus
"Bukas? E, dalawang araw ang hiningi nilang bakasyon. De, dapat sa susunod pang araw sila babalik.''
"Pa'no, namimis ni kuya Camlin si Yaya Denel. Kaya, pinapabalik niya na. Opppss! Sorry!"
"Sheaffer!" pigil ni Camlin na namula ang pisngi nito.
"Namimis?"
"Ako na lang ang kukuha ng tubig mo kuya, '' Ani Sheaffer na tatayo na sana nang pigilan siya ni Lotus.
"Stay here, Sheaffer".
Bumalik sa pagkakaupo ang
bunso nilang kapatid. Sumeryoso ang mukha ni Lotus. Tumayo ito at nameywang. Nagkatinginan naman si Sheaffer at Camlin. Kilala nila ang kanilang kuya 'pag sumeryoso na ang mukha nito.
"Nababanyo na ako kuya,'' Ani Sheaffer na hinawakan ang tiyan nito.
"I don't care. So, namimis ni Camlin si Denel? Anong meron sa dalawa Sheff?"
"Si kuya Camlin na lang ang tanungin mo kuya. Siya naman ang may lovelife."
"What! Ayoko ng nagsisinungaling. Camlin, '' Baling niya sa pangalawa niyang kapatid. "May relasyon ba kayo ni yaya Denel?"
"Ye-yes, kuya, '' Amin nito.
"Kelan pa?"
"Last month."
"Pa'no kung malalaman ni mama? You know her rules, right? Ayaw niya na pumapatol tayo sa mababa."
"Oo. Pero, nasa tamang edad na ako at mahal ko si Denel,'' Anitong tumayo na rin.
"Kahit na. Masasaktan ka lang. Kung malalaman ni mama na pumatol ka sa isang katulong, ipapadala ka niya sa Singapore"
"Then, I will fight Denel. I'm not like you kuya Lotus na hindi mo naipaglaban noon si Feliz kay mama,''Diin nitong sabi. Napatiim bagang si Lotus sa kanyang narinig.
"Kuya Camlin!" pigil ni Sheaffer na napatayo na rin.
"E, sa totoo naman diba? Hindi kayang ipaglaban ni kuya Lotus noon si Feliz"
"Don't you ever mention her name. Niloko ako ng babaeng iyon! She chose Pilot over me!'' Aniyang nanlilisik ang mga matang tumingin kay Camlin." Sige! If you want to continue your relationship to Denel, then go. I warn you. Kilala mo si mama."
Tatalikuran na sana ni Lotus ang dalawa nang dumating si Newell.
"What's happening here? Kuya, napa'no ka?"
"Don't mind me Newell. Sige, aakyat na ako sa itaas, '' sabi niyang tatalikod na sana sa tatlo nang pigil an siya ni Newell.
"Wait kuya. Do you know the news?" pahabol na sabi ni Newell.
"What about the news?"
"Kuya Pilot is here. Dumating na siya."
"Hindi pa. Baka itatawag ni mama yan mamaya. Sige, I'll go upstairs. Sheaffer, bring me wine in my room,"Aniyang tinungo na ang hagdan.
"Hindi ka na ba kakain kuya?" pahabol ni Sheaffer. Umiling lang ang kuya nila at dumiretso na sa taas kung saan nandoon ang kwarto niya. Samantalang naiwan ang tatlong nagkatinginan.
"Anong nangyari do'n?" ani Newell.
"Paano kasi, si kuya Camlin. Ang ganda ng mood ni kuya kaninang umuwi siya dito, tapos napunta sa lovelife niya," Turo nito kay Camlin. ''hanggang sa mabanggit niya si ate Feliz kay Kuya. ''
"Ang daldal mo kasi e, '' ani Camlin na pinanlakihan niya ng mata si Sheff.
"Malalaman di naman ni kuya Lotus ang tungkol sa inyo ni Denel. Kaya ba't mo pa patatagalin? Ayan, nadulas tuloy ako''
"Ang gulo niyong kausap. So, maganda pa 'yong mood ni kuya kanina? tapos nalaman niya na may relasyon si kuya Camlin at Denel? Ikaw naman kuya Camlin, nabanggit mo si Feliz kay kuya Lotus ganoon ba?" Sabi ni Newell sa dalawa.
"Oo. Nainis ako eh. Ano bang magagawa ko, kung mahal ko si Denel. Hindi ko naman siya katulad na takot ipaalam kay mama ang relasyon nila ni Feliz noon.''
"But, kuya Camlin? We know his love story. Hindi naman iyon ang issue noon diba? Niloko ni Feliz ang kuya natin, '' Ani Sheaffer.
"At ngayon, nandito na si kuya Pilot. Magsasama uli sila sa kompanya. H'wag naman sanang maulit 'yung nangyari one year ago. Sige na Sheff, dalhan mo na si kuya ng alak,'' Ani Newell.
Tumalima naman ang bunso nilang kapatid at tumungo ito sa bar counter.
"So, totoo pala ang nakikita ko sa
inyo ni Denel. Pero si mama? Paano nga kung malaman niya? Okay lang naman sa amin ang relasyon mo sa katulong natin. Ganyan talaga ang pag-ibig. Pero makipag-ayos ka na kay kuya. We know naman na gusto lang niya tayong protektahan."
"I know. Pero, matanda na ako. It's time naman para isipin ko rin ang sarili ko. Paano kung siya din ang nasa katayuan ko? Pero, nangyari na sa kanya noon ito diba? Umibig din siya sa babaeng ayaw ni mama? Pero wala siyang ginawa. Tama nga si Pilot. Duwag siya, kaya hindi siya pinili ni Feliz"
"Kuya Camlin, alam mo rin ang nangyari noon. H'wag natin sisihin si kuya. Si Feliz ang may kasalanan at sinamantala iyon ni kuya Pilot."
"Sinamantala ni Pilot dahil hindi kayang ipaglaban ni kuya Lotus si Feliz at hindi ako tutulad sa kan'ya. Kaya kong ipangalandakan na nagmamahalan kami ni Denel at kaya ko siyang ipaglaban kay mama. Wala na akong pakialam kung tatanggalan nila ako ng mana. All I want is Denel!"
to be continued...