Sa kabilang banda ay pangiti-ngiti pang nag-aayos ng gamit niya si Avril, tahimik niya iyong inilalagay sa panibagong maletang kanyang dadalhin patungo ng unit ng kanyang asawa. Hindi pa rin siya makapaniwala na ngayon ay happilly married na siya sa lalaki. Parang kailan lang ay problemado pa siyang nakikipag-blind dates sa mga lalaking ipinapakilala ng mga kaibigan niya. Samantalang ang lalaki pa lang nakalaan sa kanya ay matatagpuan lang niya sa loob ng isang coffee shop. Bagay na nagpangiti pa nang malawak kay Avril. Naisip niya na sadya ngang mapaglaro ang tadhana at mahilig din itong mang-surpresa nang basta-basta. Hindi man sobrang garbo ng kasal nila, masasabi niyang masaya pa rin ang maging legal ka. “Next month nga ay hihilingin ko kay Mico na dito naman kami tumirang dalawa s

