Chapter 63

2809 Words

Patuloy na umabante ang mga araw at gabi na nakatira pa rin silang mag-asawa sa unit ni Avril, hindi nagawang sabihin ni Mico kay Avril ang tungkol kay Madox dahil hindi pa siya magkaroon ng pagkakataon para dito. Sa tuwing tatangkain niya na itong gawin ay palaging tila ba mayroong humahadlang doon. Kagaya na lang ngayong araw na magkasama silang kumakain ng tanghalian sa labas. Araw ng Biyernes iyon at huling araw din nila sa trabaho.   “Avril, I have something to tell you...” panimula ni Mico matapos na uminom ng tubig sa hawak niyang baso, dinadaga man ang kanyang dibdib ngunit may lakas na siya ng loob.   Nag-angat na ng tingin sa kanya si Avril na nakatuon ang kanyang buong atensyon sa plato ng pagkain sa kanyang harapan. Ngumiti siya sa asawa at sumenyas na ituloy pa ang mga s

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD