Ilang minuto pa doong napatda si Mico sa kanyang kinatatayuan. Naburo na ang kanyang mga mata sa mukha ng asawang galit na galit pa rin sa mga sandaling iyon. Agad nabahiran ng pagkadismaya ang kanyang mga matang mayroon pa ‘ring pumapatak na mga luha. Pilit na prino-proseso ni Mico sa kanyang isipan ang mga sinabi nitong puno ng hinanakit para sa kanya at sa kanyang ina nang dahil sa kagagawan kanina ng kanyang dating nobya. "Umamin ka na, umamin ka na, Mico!" dugtong pa ni Avril na hinampas-hampas na siya sa kanyang dibdib at balikat habang patuloy na bumababa ang kanyang mga luha sa mukha, "Umamin ka na bago pa ako ang makatuklas." Mariing ipinilig ni Mico ang kanyang ulo, pilit na pinaparating na ang paratang nito sa kanya ay hindi totoo. Gumalaw-galaw pa ang kanyang panga, pilit n

