Sa paglipas ng mga araw ay naging maayos na rin sina Avril at Mico. Nagawang pawiin ng mainit na mga yakap at halik ni Mico ang matinding galit ng kanyang asawa sa kanya ng gabi ‘ring iyon. Ang connection na panandaliang naputol sa kanila ay muling nagdugtong sa pamamagitan nito. Kinabukasan noon ay hindi na muli nilang pinag-usapan ang nangyaring away nang dahil sa biglaang pagsulpot ni Madox sa family dinner nila. Walang sinuman sa kanilang dalawa ang nagtaka pang muling balikan iyon, marahil ay dahil sa ayaw na nilang muling buksan ang bagay na naging mitsa ng hindi nila pagkakaunawaang mag-asawa. Pilit iyong iwinaglit ni Avril sa kanyang isipan, habang si Mico naman ay pilit na rin iyong ibinabaon sa limot. Ito rin ang siyang naging dahilan upang mas itago pa ni Mico sa asawa ang ginag

