Chapter 74

2949 Words

Kaagad na nanlumo si Avril nang madilim na paligid ang sumalubong sa kanya pagbukas niya ng pintuan ng kanyang unit. Patunay noon na wala doon si Mico. Matapos ibaba ang kanyang box na dinala sa center table ng kanyang sala ay muli siyang tumawag sa kanyang mother in law na wala nga doon ang kanyang asawa.   “Mommy, narito na po ako sa unit at wala po talaga dito si Mico.” pagbibigay niya ng alam matapos na sagutin nitong muli ang kanyang tawag, “Wala po siya dito.”   “Ganun? Baka naman naroon siya sa unit niya hija? Alam mo na halos ilang linggo na yata kayo diyang nakatira sa unit mo, baka na-miss niya na rin doon matulog.” mungkahi nito na halatang wala ‘ring alam sa kinaroroonan ng kanyang asawa.   “At saka po ayaw niyang sagutin ang tawag ko, nag-aalala na po ako sa kanya.”  

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD