Napuno na nang labis na pagtataka ang mga mata ni Avril nang pagdating niya sa building ng kanyang unit ay wala sa designated parking lot nito ang sasakyan ng kanyang asawa. Ilang minuto ang kanyang pinalipas bago buksan ang pintuan nito at bumaba na doon. Inilinga-linga niya ang kanyang mga mata sa paligid habang bumababa doon, pilit na hinahanap pa rin ng kanyang mga mata ang sasakyan ni Mico dahil baka nagkamali lang ito ng parada sa ibang parking space. Ngunit bigo siya, sadyang wala doon ang sasakyan ng kanyang asawa kahit anong hanap niya. “Wala pa siya dito?” mahinang usal niya na tanging sarili lamang ang nakakarinig. Humakbang pa siya palabas ng parking lot ng building upang sumilip sa parking lot ng mga visitors dahil kung minsan ay doon ni Mico iginagarahe ang kanyang

