Muling humagalpak ng tawa doon si Mico na bahagya pang nasamid sa sarili niyang laway sa hindi na mailarawan pang mukha ngayon ng kanyang asawa na masama pa ‘ring nakatingin sa kanya. Dismayado ang tanging emosyong nakalarawan sa mukha nito. Labis iyong nagpapa-aliw pa kay Mico ng mga sandaling iyon na naging dahilan kung bakit nais niya pa itong asarin lalo. Nagngingitngit naman ang loob ni Avril, hindi niya na maatim na palagi na lang siyang pinagtri-tripan ng kanyang asawa. At kahit mahal niya ito ay nais pa rin niya itong gantihan sa mga pinaggagagawa nito sa kanya. Muli pang nagpalinga-linga si Avril sa paligid na walang nagawa kung hindi ang marahas na mapabuga na lang ng hangin. Pilit niyang kinakalma ang kanyang sarili kahit pa tila tumaas na ang dugo niya sa kanyang ulo. “Baby

