Lunes ng umaga maaga nagising si Benjoe pagkat may klase siya. Habang hinahanda niya ang kanyang mga damit at twalya bigla siyang napasigaw na parang babae pagkat sumulpot bigla ang kanyang tatay.
“Good morning anak” bati ni Antonio.
“Wag mo ako tatakutin ng ganyan!!! Muntik na ako maatake sa puso!!!” sigaw ni Benjoe.
Napaatras si Antonio at napunit konti ang kanyang damit kaya natuwa siya.
“Kung susulpot ka bigyan mo naman ako ng warning! Akala ko ba ang demonyo may usok muna bago lilitaw, gawin mo yon para alam ko parating ka at di ako mabigla” sermon ng anak niya pero tawa ng tawa lang ang kanyang ama.
Bumukas ang pinto at sumilip si Art.
“Pare okay ka lang?” tanong niya.
Napakamot si Benjoe at nginitian ang kaibigan niya,
“Oo pare its just a bad dream” palusot niya.
Pumasok ang bespren niya sa kwarto at napatingin sa paligid,
“Ikaw ha, baka may tinatago ka dito?” biro ng bespren niya at nanigas si Benjoe pagkat katabi na niya mismo ang tatay niya.
“Ha? Di mo ba nakikita?” tanong niya.
“Ang alin?” tanong ni Art at ngumisi si Antonio at nilalagyan ng sungay ang binata gamit mga daliri niya.
Natawa si Benjoe kaya napailing si Art,
“Pare naka drugs ka ba?” tanong niya.
“Hindi pare, masama lang ang gising ko. Okay lang ako talaga” sagot ni Benjoe.
“O siya sige last ka maliligo kasi nauna si Kate” sabi ni Art at lumabas na ng kwarto.
“Hindi ka niya nakita?” tanong ni Benjoe at biglang nagsnap ang tatay niya.
“Yup and ngayon hindi narin niya tayo maririnig” sabi ni Antonio.
“E nakikita naman kita bakit hindi ka niya makita?” hirit ng binata.
“E ayaw ko magpakita sa kanya, kung gusto mo sasama ako sa klase mo” sagot ng tatay niya.
“Wow, so kaya ko din yon?” tanong ni Benjoe.
“Oh yes anak, you can even be invisible to everyone except siyempre sa mga kapwa demonyo mo” paliwanag ng ama niya.
“Ha? Teka what do you mean kapwa demonyo? Ibig mo sabihin madaming demonyo dito sa mundo?” tanong ni Benjoe.
“Of course! Yung iba hindi nakikita kasi hindi sila nagtake human form. Pero pag demonyo ka makikita mo sila. Pero pag nag take ng human form ang isang demonyo hindi mo na mapapansin na demonyo sila peroo araramdaman mo ang kanilang dark aura” sabi ni Antonio at biglang tumawa si Benjoe at naupo sa kama.
“So meron pala talaga, teka dad demon ako diba? So bakit hindi ko nakikita yung ibang demons or hindi ko man lang maramdaman yang dark aura na sinasabi mo?” tanong niya.
“Kasi anak gagana lang lahat ng powers mo pag tanggap mo nang demonyo ka. Yang dark aura na yan that is the feeling na parang nasasakal ka. Parang may pumapasok sa utak mo at malalaman mo gaano kalakas yung demonyo na yon based on that. For example mahinang demonyo, parang nakikiliti ka lang o may kumakalabit sa leeg mo.”
“Pero pag malakas talaga ramdam mo talaga na parang sinasakal ka at may gustong pumasok sa isipan mo” paliwanag ni Antonio.
“Whoa astig ah. So pano kung malakas talaga yung demonyo?” hirit niya.
“Well for example ako anak, malakas akong demonyo. Ramdam ng ibang demonyo ang kapangyarihan ko at dahil don I somehow have control over them. Let me explain ha, since alam nila malakas ako parang automatic na susunod sila sa utos ko.”
“Pwede naman sila hindi sumunod pero iniiwasan nila ako magalit or else maglalaban kami at alam nila na wala sila panalo” sabi ni Antonio.
“Lupet ah! Kung baga sa tao makuha sa tingin or sa laki ng katawan” sabi ni Benjoe.
“Hmmm medyo pero parang ganon narin” sagot ng ama niya.
“So dad may mas malakas ba sa iyo na demon? I mean oo alam ko sabi hindi ikaw talaga yung Satanas from hell. So meron ba?” tanong ng binata.
“Hindi naman sa pagmamayabang ha, pero I am the most powerful demon…noon. Ewan ko lang ngayon kung may mas malakas na sa akin. Satanas is the most powerful demon sa Pinoy hell pero mas malakas naman sa kanya si Brad na super big boss.”
“Si Satanas hindi pumupunta sa lupa yan, doon lang siya sa Pinoy hell, ewan ko nasan si Brad” kwento ni Antonio at nalito ang binata.
“Okay ganito yan kasi. Sa buong mundo we have Satan or Lucifer din tawag sa kanya, siya ang big daddy or bossing ng lahat ng demons sa buong mundo. Then in every country we do have our own demons.”
Sa Pilipinas si Brad ang big bossing demon, siya ang pinakamakapangyarihan na demonyo sa lahat pero wala pang nakakakita sa kanya at walang nakakaalam kung nasan siya. Then second in command ay si Satanas, very very powerful demon pero tamad siya kaya doon lang siya sa impyerno, oh Pinas Hell pala kasi iba din yung impyerno ng ibang bansa.”
“Tapos dito sa lupa there is me your loving father bwahahahahaha” pasikat ni Antonio.
“Huwaw! I am the son of the third most powerful demon here in the Philippines!” bigkas ng binata at napangisi ang ama niya.
“You want me to teach you now?” landi ni Antonio at nanlaki ang mga mata ni Benjoe.
“Yes please” sabi niya.
“O siya maaga pa naman e so let me teach you how to teleport” sabi ng tatay niya.
“Bakit yun lang? Gusto ko yung time freeze or yung memory control o memory erase” hirit ng binata.
“Pag late ka na you can teleport to school agad” sabi ni Antonio at kuminang ang mga mata ni Benjoe.
“Oooh very nice. Tipid sa pamasahe yan tapos pwede ako mamasyal kahit saan…oh yes daddy teach me” banat ng binata at sobrang natuwa si Antonio.
“Okay, isipin mo lang demonyo ka tapos magfocus ka. For example, watch this” pasikat ng ama niya at bigla siya nawala.
Ilang segundo bumalik ang demonyo at nakangiti.
“Kate is still taking a bath” sabi niya at napatayo si Benjoe.
“Doon ka nagteleport?” tanong niya.
“Oh yes, do you like to try it?” landi ni Antonio at napapangiti si Benjoe pero muli siyang napaupo.
“Dad masama yan, I cant do that to Kate” sabi niya.
“Demonyo ka anak, sisilip ka lang naman e” bulong ng ama niya sa tenga niya.
“No dad, that is bad” hirit ng binata.
“Really? Pero you want too diba? Konti lang naman e. Tapos teleport ka agad pabalik. If you want close your eyes when you get there…or gusto mo sumilip konti? Konti lang naman e…diba?” landi ng tatay niya at muli nanlaki ang mga mata ng binata at dahan dahan tumayo.
“I am a demon…focus…teleport to the bathroom” bigkas niya sabay pinikit ang mga mata.
Biglang nawala si Benjoe pero sumulpot din lang agad.
“I did it!!!” sigaw niya pero tawa ng tawa ang kanyang ama.
“Yes pero isang hakbang lang ang nalakbay mo” sabi ni Antonio.
“Well at least I did it. What do you expect baby demon pa ako” sumbat ng binata pero tawa parin ng tawa ang tatay niya.
Napansin ni Benjoe na wala siyang saplot, paglingon niya di pala naisama ang damit niya sa pag teleport. Agad nagtakip ang binata at hiyang hiya.
“Bakit ganon?” tanong niya.
“Kasi kulang ka sa focus anak” sabi ng tatay niya.
Muli nagdamit si Benjoe at tumayo ng maayos. Huminga siya ng malalim at bigla siya nawala, wala pa isang segundo sumulpot siya pero naumpog siya sa dingding. Bagsak ang binata sa sahig at nakahubad ulit siya.
“Oo na alam ko more focus pero at least lumayo naman ako no” bulong niya.
Muli sumubok si Benjoe,
“Anak yung damit mo…” sabi ni Antonio pero bigla nawala ang anak niya. Sa loob ng banyo sumulpot ang binata at napatawa siya ng malakas sa tuwa.
“Pare?” tanong ni Art at nagkatitigan yung dalawa.
Nagsigawan silang parang mga babae kaya sumugod si Kate sa loob.
“What is wrong…aaaaayyyy!!! Bakit kayo sabay nandito?!!!!” sigaw ng dalaga at agad tumakbo palabas ng kwarto.
Kumaripas ng takbo si Benjoe papasok sa kwarto niya at hiyang hiya pero si Antonio halos mamatay na sa tawa.
“Sabi mo si Kate ang nandon?” bigkas ng binata.
“Ooops I lied” sagot ng ama niya at imbes na magalit ang binata ay nakitawa nalang siya sa tatay niya.
“Buti nalang dad, kasi if ever Kate was in there di ko mapapatawad sarili ko. Di ko alam bakit sinubukan ko pa” drama ng binata.
“Kasi anak binulungan kita, trabaho ng demonyo yan” paliwanag ni Antonio.
“Ha? Ikaw may sala kaya ganon ako nag isip?” tanong ng binata.
“Of course, yan ang isa sa trabaho ng demonyo remember? Pero anak sa totoo madami din klase ng demonyo. Meron talagang mga Tagabulong, trabaho nila mag udyok sa tao na gumawa ng masama. Hindi sila nakikita pero they can influence you to do bad kasi magbubulong sila sa iyo at maiimpluwensyahan ang isipan mo. Tulad ng ginawa ko sa iyo, hindi ako taga bulong sa totoo pero kaya ko.”
“All demons can do it pero ang mga magagaling talaga diyan ay yung mga Tagabulong” paliwanag ni Antonio.
“Wait, so pati ako kaya ko?” tanong ni Benjoe.
“Yes, lahat ng demonyo kaya yan pero hindi ganon kalakas ang influence power ng iba. Yung mga Tagabulong ay talagang sinanay sa trabahong yan. Ako naman makapangyarihan kasi ako so kaya ko bumulong sa mga mas mahina sa akin. Ang maganda dito hindi tatalab ang bulong sa akin unless mas makapangyarihan ang gagawa non sa akin” paliwanag ni Antonio.
“Oh so baby demon pa ako talaga” sabi ng binata.
“For now, pero pag natanggap mo na ng buo ang pagkademonyo mo, mas makapangyarihan ka sa akin anak. Trust me” sabi ng tatay niya.
“Hmmm parang sinasabi mo na ako ang papalit sa trono mo. So tell me what do you do dad?” tanong ni Benjoe at napatingin sa malayo ang ama niya.
“Alam mo saka na natin pag usapan yan. See you in school anak” sabi ni Antonio at bigla siya nawala.
Lumabas ng kwarto si Benjoe, niyaya siya ni Kate para mag almusal kaya diretso siya sa dining area. Ilang sandali naupo din si Art at nag iiwasan ng tingin yung dalawang binata. Natatawa nalang si Kate, si Benjoe biglang tumayo at dinikit ang hintuturo niya sa noo ng bespren niya.
“Kakalimutan mo na nangyari yon” bulong niya.
Napatitig sa kanya si Art, nanduling ang mga mata niya,
“Duh! Pare ano ginagawa mo?” tanong niya at biglang sumabog sa katatawa ang dalaga.
“Ang loko niyong dalawa. Di ko alam sabay pala kayo naliligo” sabi niya.
“Hoy hindi ah!” sabi ni Benjoe.
“Pare bakit ka nga ba pumasok sa banyo e alam mo nandon ako?” tanong ni Art.
“Di ko alam nandon ka” sabi nalang ng binata pero si Kate hindi makapagpigil sa tawa.
“Ahem pare nakakahalata na ako ha. Alam mo okay lang na umamin ka” biro ng bespren niya.
“Tumahimik ka nga at timplahan mo ako ng kape!” sigaw ni Benjoe.
Nagulat si Kate pagkat ngayon niya lang nakita na galit ang binata. Tumayo agad si Art at kumuha ng mainit na tubig.
“Pare with creamer ano?” tanong niya.
Napanganga si Benjoe at yung dalaga napatingin sa kanya.
“Hindi nauutusan yan…how the hell did you do that?” tanong niya.
Nagtimpla talaga si Art ng kape at masayang binigay ito sa bespren niya. Di parin makapaniwala si Benjoe kaya napakamot nalang.
“Gusto ko ng eggs, lutuan mo nga ako” hirit niya.
“Okay pare” sabi ni Art at muli siya tumayo.
Nanlaki ang mga mata ni Kate at agad lumapit sa binata.
“Oh my God Benjoe pano mo nagawa yon?” tanong niya.
Huminga ng malalim yung binata at dinikit niya ang hintuturo niya sa noo ng dalaga.
“Kakalimutan mo nangyari ito lahat” bulong niya.
Napapikit si Kate ilang beses at biglang ngumiti,
“How? Tell me how” sabi niya kaya nalungkot ang binata pagkat palpak ulit siya.
“Ewan ko siguro nayanig utak niya dahil sa nakita niya sa banyo kanina” sabi ni Benjoe.
“Nakita sa banyo kanina? Ano yon?” tanong dalaga at nagulat siya.
“Yung kanina, kami ni Art sa banyo” sagot ng binata.
“You and Art sa banyo? Ano ginagawa niyo don?” tanong ni Kate at napangiti si Benjoe.
“Aaahh kasi si Art umebs ng malaki at hindi maflush kaya tinawag niya ako para tulungan siya” bulong ng binata at tawa ng tawa yung dalaga.
Masaya si Benjoe pagkat nagamit niya kapangyarihan niya, agad siya lumapit kay Art at sinubukan naman ito sa kanya. Nagsisitalon at nagsisigaw si Benjoe pagkat nagawa niyang burahin sa utak nung dalawa ang naganap na nakakahiyang experience kanina.
“Hey Bes parang ang saya saya mo ata bigla” sabi ni Kate.
“Pasensya ka na bes ngayon lang to. O Arturo matagal pa bang pinapaluto ko?” sabi ng binata.
“Sandali nalang to pre” sagot ng kaibigan niya.
“Since nandyan ka pa e lutuan mo narin si Kate” hirit ni Benjoe.
“Sure thing pare” sagot ni Art at talagang napabilib si Kate sa kanya.
“Hoy you have to tell me how you do that para for a change mautusan ko siya” bulong ng dalaga at biglang tumawa na parang demonyo si Benjoe.
“Arturo! Tratratuhin mo ng maayos si Kate mula ngayon. Hindi ka na mambababae! Iiwasan mo na yung bad influence na barkada mo. Makikinig ka kay Kate lagi. Wag mo siya sasaktan! Pag sinaktan mo siya lagot ka sa akin!” sigaw ni Benjoe. Humarap si Art sa dalawa at ngumiti.
“Oo pare I will” sabi niya.
Napanganga nalang si Kate at hindi talaga makapaniwala.
“Benjoe?” tanong niya pagkat nakadikit nanaman ang daliri ng binata sa noo niya.
“Sorry Bes, this is for your own good. Dibale ayos naman na lahat. Wala ka na problema from now on” bulong ng binata.
“You will forget what I did” sabi niya at napapikit si Kate.
“Bes bakit yang daliri mo nasa noo ko?” tanong ng dalaga at nginitian nalang siya ni Benjoe.
“Wala lang bes, everything will be alright now” sabi niya.
“What do you mean?” tanong ng dalaga at tinuro ni Bejoe si Art na nagluluto.
“Wow, ano nakain niya at nagluto siya?” tanong ni Kate.
“Gusto daw niya magbago na para sa iyo. Don’t tell him that I told you” bulong ni Benjoe.
“Really? He said that?” tanong ng dalaga.
Napalunok si Benjoe at huminga ng malalim,
“Oo bes, mahal na mahal ka daw niya. So everything will be alright now” bulong niya.
“Aw…may kinalaman ka ba dito? Did you tell him or threaten him?” tanong ni Kate.
Ngumiti si Benjoe,
“Hindi Kate, kusa niya ginagawa yan. Para sa iyo” sabi niya at nakita niya ang matamis na ngiti sa mga labi ng kanyang bestfriend na babae.
Tumayo si Kate at nagtungo kay Art, niyakap niya ang boyfriend mula sa likod.
May konting kirot sa puso ni Benjoe pero alam niya maganda ang ginawa niya para sa mga kaibigan niya. Naglakad palayo si Benjoe sa dining area, papasok na sana sa banyo pero dumaan muna siya sa bintana at sinilip ang araw.
Pinikit niya ang kanyang mga mata at sinariwa ang init ng sinag ng araw sa kanyang mukha. Nakaramdam siya ng parang mainit na kamay na kumikiliti sa kanyang leeg kaya agad siya napatingin sa katapat na building.
Parang may nakita siyang tao sa tuktok pero bigla ito naglaho, napahawak nalang siya sa kanyang leeg at napangiti.
“Hehehe you weaker demon” bulong niya.
Dalawang oras lumipas at nasa loob ng classroom si Benjoe at pinagpapawisan.
“Bwisit dapat at home ako sa init dahil demonyo ako” bulong niya sa sarili niya.
“Ano yon? May sinasabi ka ba?” tanong ng kanyang seatmate.
“Okay clear your arm chairs, we shall begin our quiz” sabi ng babaeng guro sa harapan.
Pagkakuha ni Benjoe ng papel niya minadali niya ito sagutin. Alam na alam niya ang lahat ng sagot pagkat last week pa niya pinaghandaan ang quiz na ito. Naramdaman niyang may sumisilip sa papel niya at paglingon niya nakita niya ang kanyang seatmate na nakatingin sa kanya.
Agad bumulong si Benjoe sa tenga ng kaklase niya,
“You will never cheat again” sabi niya.
Agad humarap sa papel niya ang binata kaya napangiti si Benjoe. Lalo siya ginanahan magklase buong araw dahil sa kanyang bagong mga abilidad.
Pagsapit ng hapon ay kumalam ang sikmura niya, hindi nanaman kasi siya nananghalian pagkat wala siyang pera. Habang naglalakad papunta sa fishball stand may tumabing binata sa kanya.
“Alam mo its not good to skip meals anak” sabi nito sa kanya.
“Dad? Ikaw ba yan?” tanong ni Benjoe at tumawa yung binata.
“Oh yes its me, I can change forms anak” sabi ni Antonio.
“Wow again daddy. I like that ability. Gutom ako treat mo ako” banat ng binata.
Pumasok yung dalawa sa isang restaurant at kay daming pagkain ang inorder ni Benjoe.
“Oy anak masyado ata madami yang inorder mo. Mauubos mo ba lahat yan?” tanong ng tatay niya.
“Dad naman, first time ko mamili ng food sa restaurant. Syempre nakain na ako sa resto before pero treat lagi ng family ni Art kaya nahihiya ako mag order” paliwanag ng binata.
“Ah…oh sige order ka lang anak” sagot ng ama niya.
Isang oras kumain yung dalawa, pagkalabas nila ng restaurant ay busog na busog si Benjoe.
“Hay naku bakit mo pa kinuha yung natira?” tanong ng tatay niya.
“Dad sayang e. Itatapon lang nila ito. So ibibigay nalang natin ito sa mga street children. Kesa naman na itapon ito tapos pupulutin din lang ng mga bata sa basura. Mas maganda na diretso natin ibigay sa kanila” paliwanag ng binata.
“Teach a man how to fish so they can eat for a life time. Yang ginagawa mo binibigyan mo lang sila ng fish anak. Temporary relief. Bukas ganon parin gagawin nila at sa basura kukuha ng pagkain” sabi ni Antonio.
“Opo alam ko pero at least kahit papano makakatikim din sila ng clean and delicious food for a change” sabi ng binata.
Habang naglalakad ang mag ama ay may lumapit na isang lalake at tinutukan sila ng kutsilyo.
“Pera, wallet at cellphone” sabi ng lalake sabay pasimpleng lumingon sa paligid.
Pinagmasdan lang ni Antonio ang kanyang anak, si Benjoe mabilis na humawak sa kamay ng holdaper.
“Hindi ka na maghoholdap. Maghahanap buhay ka ng maayos” bulong niya at biglang nanginig sa takot ang lalake.
Nabitawan niya ang kutsilyo niya pero ang isang daliri ni Benjoe nakatapat agad sa noo niya.
“Kakalimutan mo din nangyari ito” pahabol niya.
Yung lalake tumalikod at naglakad palayo habang si Antonio napakamot.
“Anak, ginagamit mo naman sa mali ang whispering powers mo e” sabi niya.
“Ha? I was able to use my ability for good dad. You should be happy for me. O napagbago ko yung isang holdaper. Alam ko madami pang holdaper dito pero at least nabawasan ng isa no” sagot ni Benjoe.
“Anak, that whispering ability is used for doing bad, kasi nga demonyo e. Hello!” banat ng ama niya pero tumawa lang yung binata.
“Hay naku dad, oo na demonyo ako but it does not mean I have to be bad. Diba? Demonyo na ako kung demonyo pero kung kaya ko naman gamitin sa mabuti kapangyarihan ko e di why not diba? The world will be a better place konti, pero pag yung isang makapangyarihan diyan tutulungan ako e di mas sure na gaganda ang mundo” banat ni Benjoe sabay ngisi sa tatay niya.
Napataas ang kilay ni Antonio pero sa loob loob niya sobrang saya niya sa kanyang narinig.
“Anak kung ganyan pananaw mo susuportahan kita” sabi niya.
“Ha? Hindi ka galit? I was expecting you to get mad dad” sabi ng binata.
“Ahem, I am just being a good dad. Yun ang gusto ng anak ko gawin e bakit ko pipigilan o babaguhin diba?” banat naman ni Antonio.
Masaya ang mag ama na naglakad lakad, nag power trip si Benjoe at pinagbago ang lahat ng masamang tao na makakasalubong nila.
“Hey anak, may tanong ako. Kunwari may mga demonyo na talagang gusto sirain ang bansang ito. Ano gagawin mo?” tanong ni Antonio.
“Hmmm…malalakas ba sila dad?” tanong ni Benjoe.
“Sabihin na natin na oo” sagot ng tatay niya.
“E di wala” sabi ng binata.
“Wala? Wala kang gagawin?” tanong ni Antonio.
“Opo kasi baby demon lang ako e. Pano naman ako lalaban sa mga malalakas e di kakarnehin lang nila ako” sabi ng binata.
“E kung sabihin natin na tuturuan kita pano lumakas?” hirit ng ama niya.
“Hmmm…e di kalabanin natin sila. Pero dad kahit na baby demon lang ako siguro pag meron talagang mga demonyo na maghahasik ng lagim e lalaban parin ako. Kasi ayaw ko pa mamatay, tapos medyo may nagbubunga sa amin ni Maya, gusto ko pa makita yung bunga kaya lalaban ako” sabi ng binata.
“May apo na ako?” banat ni Antonio at biglang natawa si Benjoe.
“Dad naman, ni hindi ko pa nahakan kamay niya e. Pero she kissed me sa cheek tapos pinaglutuan niya ako. Di masarap sa totoo pero dad she cooked for me. Sabi ni ate Insyang ay first time niya magluto para sa guy. So mukhang may improvement kaya gusto ko pa makita kung saan patungo ang relasyon namin. “
“Kung wala e di sasama nalang ako sa kabilang kampo at gunawin nalang namin tong mundo” sabi ng binata sabay tumawa na parang demonyo.
Nagulat si Antonio at di makapagsalita.
“Dad, joke lang yung last part no. Di ka na mabiro talaga” bawi ng binata.
Naglakad palayo si Benjoe at inabot ang pagkain sa isang pamilya na nakatira sa push cart. Napangiti nalang si Antonio pero sa malayo nakita niya si Erning at sinesenyasan siya.
Pagkabalik ni Benjoe ay agad nagpaalam ang tatay niya.
“Anak I have to go do somethings. I will see you tomorrow” sabi niya.
“Thank you for the food dad. By the way…bibigyan mo ako allowance” sabi ng binata at agad bumunot ang tatay niya sa kanyang bulsa.
Niyuga ni Antonio ang kanyang ulo sabay tumawa,
“Loko ka ha! Akala mo magagamit mo powers mo sa akin” sabi niya at natawa si Benjoe.
“Its okay dad, I can survive” sabi ng binata sabay naglakad na palayo.
“Oy teka, eto o kunin mo” sabi ni Antonio at agad bumalik si Benjoe at nanlaki ang mga mata niya.
“Ah dad sobra yan. Allowance lang hinihingi ko, tipong pang lunch at meryenda lang. Yang binibigay mo pwede nang pambili ng second hand car” sabi ng binata.
“Sige na kunin mo na anak. Ahem siguro naman maganda din katext si Maya diba?” sabi ng tatay niya sabay kindat. Natuwa talaga si Benjoe at agad kinuha ang pera.
“Oh wow, oh wow, oh my God mararanasan ko na din magtext. Wow dad I can text her already later” bigkas ng binata.
“If you know her number” banat ni Antonio at natameme ang anak niya.
“Oo nga no…wala din lang pala” sabi ng binata pero tumawa ang tatay niya.
“Bumili ka din ng relo anak, kasi alam mo maaga pa naman. Pwede mo ba siya dalawin at bigyan naman ng flowers, tapos hingiin mo na number niya. Naku naman anak ang slow mo naman talaga” sabi ng ama niya at nagtawanan sila.
Nagpaalam na yung binata at masayang umalis. Lalayo na rin sana si Antonio pero nakita niyang may sumusunod sa kanyang anak. Agad niya tinabihan yung masamang tao at nilagay ang kamay sa leeg.
“Wag na wag mo babalakain pagnakawan ang anak ko” sabi niya sabay nagbagang pula ang mga mata niya.
“Dad? What are you doing?” tanong ni Benjoe.
“Ah..anak…hindi ka na magnanakaw, maghahanap buhay ka ng maayos” banat ni Antonio saka binitawan yung magnanakaw.
“Ginagaya lang kita anak, for a better world diba?” palusot ng tatay niya.
“Oh okay, sige dad punta na ako sa mall” sabi ng binata.
Pagkalayo ni Benjoe ay nagtungo si Antonio sa isang sulok ng gusali kung saan hindi siya nakikita ng tao. Bigla siya naglaho at sumulpot sa taas nung gusali. Nakaupo si Erning sa dulo ng kaya tumabi siya dito.
“Sige tumawa ka pa” sabi ni Antonio at di na nakapagpigil ang matanda.
“Takot ka sa kanya” sabi ni Erning.
“Shut up hindi totoo yan” sagot ni Antonio.
“Alam mo ba that he sensed me this morning” sabi ng matanda.
“Hmmm nagmamanifest na talaga ang tunay na kapangyarihan niya” bigkas ng demonyo sabay ngiti.
“Oo nga e at nagamit pa nga niya sa iyo diba?” landi ng matanda sabay tawa.
“Of course not, I am still more powerful than him” sabi ni Antonio.
“Really? Sinabi niya magtreat ka at ginawa mo naman” sabi ni Erning.
“Ah, I was just being a dad to him kaya bumigay ako” paliwang ng demonyo.
“Okay, pero yung allowance, o wag ka magdeny talagang dumukot ka sa bulsa mo” hirit ng matanda at natawa nalang si Antonio at tinapik ang noo niya.
“Oo na, aminado ako. Nagamit niya abilidad niya sa akin pero natauhan naman ako ah” palusot niya.
“Oo pero nagamit parin niya kahit na hindi pa siya gaano kalakas. Imagine pag tuluyan nang lumabas ang kapangyarihan niya. Benjoe will be stronger than you” sabi ni Erning.
“Which is good, para magulat nalang yung kabilang kampo pag kinalaban siya. Alam nila kapangyarihan ko kaya sigurado ako na yung sinasabi mong demonyo na panlaban nila sa akin ay kasinglakas ko lang” sabi ni Antonio.
“Ewan ko lang, balita ko napakalakas daw talaga non e. They will be having a meeting sa Sabado at mag aattend ako. Doon magpapakilala yung demonyo na yon. Balitaan kita after” sabi ni Erning.
“Salamat iha, siya nga pala bakit wala naman tayo sa park e ganyan parin anyo mo?” tanong ni Antonio.
“Hay naku, pag yung tunay kong anyo ginamit ko masyadong madaming problema. Kaya mas maganda na ganito at di ako pinapansin” paliwanag ng matanda.
“Ah very good idea, bilib talaga ako sa iyo” sabi ni Antonio.
“Hanggang kailan ako magtatago sa dilim? Hindi mo ba ipapakilala sa akin si Benjoe?” tanong ni Erning at napangisi ang demonyo.
“At bakit ko gagawin yon?” landi niya.
“Sus, nasense na niya ako. Alangan na araw araw nalang na ganon. Baka isang araw maghinala siya na kalaban ako tapos maglaban kami bigla” paliwanag ng matanda.
“Don’t worry he still does not know na may banta sa buhay niya” sabi ni Antonio.
“Ano?! Hindi mo parin sinabi sa kanya ang lahat?” tanong ni Erning.
“Hindi pa, pero good news iha. Sabi niya he is willing to fight pag may mga demonyong magbabanta sa mundo” kwento ng demonyo.
“Tsk iba yon. Kailangan mo na sabihin sa kanya ang buong kwento habang maaga pa. Ano gusto mo bubuluga nalang bigla yung kalaban kung saan wala siyang kalaban laban? Papasok na yung takot sa kanya once nakatikim siya ng sakit. Ganon ang tao sir.”
“Pag una nakapasok ang takot sa kanila medyo mahihirapan na sila, hihina ang loob nila” sabi ng matanda.
Tahimik lang si Antonio at napatingin sa langit.
“Nagdadalawang isip ka ano? Ayaw mo siya pumalit sa tungkulin mo ano?” tanong ni Erning.
“First time ko makaramdam ng emosyon ng tao nung nainlab ako sa nanay niya. Sabi ko sa sarili ko last emotion na yon pero ngayon kapiling ko anak ko, hindi ko alam ano itong nararamdaman ko.”
“Parang ayaw ko siya ipahamak. Gusto ko siya protektahan. I think I am becoming human already” bigkas ng demonyo.
“Don’t tell me ipagpapatuloy mo yang tungkulin mo? Naghahanda sila para tumbain ka tandaan mo yon. Alam nila may anak ka kaya for eighteen years they have been looking for him. Pag hindi mo naipasa yang tungkulin mo kay Benjoe at napatay ka nila…alam mo na ang mangyayari sa bansang ito” paalala ni Erning.
“Yeah yeah yeah you don’t have to remind me. Sa tingin ko kaya ko pa naman ata” sabi niya.
“Hay ewan ko sa iyo, ang tigas ng ulo mo tito. Sinasabi ko na sa iyo na may hinahanda silang mga demonyo na lalaban sa iyo pero ayaw mo makinig. Bahala ka na nga” sabi ng matanda sabay tumayniy
“Ayesha…pati naman ikaw diba?” sabi ni Antonio.
“Ano yon?” tanong ng matanda.
“I have been with Benjoe for only two days at halos nagagawa na niya akong tao. Ikaw binabantayan mo siya mula noong bata pa kayo…you have human emotions already am I right?” sabi ng demonyo at tumaas ang dalawang kilay ng matanda.
“Sus ano pinagsasabi mo?” sumbat niya
“Maaayaaaaa” biglang landi ni Antonio at nagliyab ang mga mata ni Erning.
“Bwahahahahahahaha…jealousy is a human emotion…and usually jealousy is connected with the human emotion called love…ano Ayesha?” hirit ng demonyo.
“Che! Diyan ka na nga!” pagalit na sabi ng matanda at tuloy ang tawa ng demonyo.