Eighteen

5278 Words
Ang sinag ng araw tumama sa kanyang mukha,minulat dahan dahan ni Benjoe ang kanyang mga mata at maingat siyang nag inat. “Happy Birthday to me” bigkas niya at narinig niya umikot ang door knob kaya agad niya pinikit ang kanyang mga mata at nagtulog tulogan. Narinig niya ang mga yapak na papalapit sa kanyang kama, nakilala niya ang amoy na pamilyar kaya alam niya si Kate yon. “Happy Birthday bestfriend” narinig niyang binulong ng dalaga sabay naramdaman niya na may malambot na mga labi humalik sa mga labi niya. Binuksan niya agad ang kanyang mga mata at napangiti yung dalaga sa kanya. “Birthday gift ko sa iyo yon ha” sabi ni Kate. “The best gift bestfriend…first kiss ko yon” sabi ni Benjoe at nagulat yung dalaga. “Hala! Sorry ha. You mean to say you have not kissed Maya yet?” tanong ng dalaga at dahan dahan bumangon si Benjoe at huminga ng malalim. “At sa tingin mo ba may pag asa ako sa kanya? Just look at me bestfriend” sabi ng binata at nakisiksik si Kate sa tabi niya. “Ikaw talaga masyado kang conceited e. You are such a good guy Benjoe.” “ Hay, if only I was not with Art then for sure ikaw ang gusto ko maging boyfriend” sabi ng dalaga at napangiti si Benjoe. “Break up with him then” banat ng binata at natawa si Kate. “If it was that easy I would pero I really love him” sagot niya. “Even if he does not treat you right most of the time?” tanong ni Benjoe. Napangiti si Kate at tinignan ang bestfriend niya. “I know, kaya minsan talaga parang ikaw yung boyfriend ko e because…hay ayaw ko pag usapan ito. Can we just focus on the fact na birthday mo today?” sabi ng dalaga. “Sorry ha and thank you for the wonderful gift you just gave me” sabi ni Benjoe at bigla siya niyakap ng dalaga. “Hindi Benjoe, thank you for always being there for me. I really love Art so please as I give him a chance to change promise me you will still be there” bulong ng dalaga. “Oo naman bes, always” sagot ni Benjoe sabay napayakap narin kay Kate. Wala sila pasok pagkat Sunday kaya pagkatapos naligo ni Benjoe ay nanood muna yung tatlo ng isang DVD movie habang inaantay ang pagdating ng mga magulang ni Art. Halos hindi makapanood ang binata pagkat nahihiya na talaga siya pagkat tuwing kaarawan niya ang pamilya ni Art ang gumagastos para sa kanya. May kumatok sa pinto kaya agad niya niyuko ulo niya habang si Kate pumunta para tignan kung sino mga yon. “Tita! Tito!” sigaw ni Kate at lalo nang nahiya si Benjoe. “Nasan na yung birthday boy?” tanong ni Alfredo na tatay ni Art. Tumayo si Benjoe at lumapit sa dalawang matanda habang si Art nanatili sa sofa at tinuloy ang pinapanood niya. “Hello po tito at tita” sabi ng binata at agad siya niyakap ni Julie na nanay ni Art. “Happy birthday anak, saan mo gusto kumain ngayon?” sabi ng matandang babae. “Ah excuse me po, nandyan po ba si mister Benjoe Perez?” sabi ng isang binata na nakatayo sa may pinto. Lahat napatingin sa kanya habang tinaas ni Benjoe ang kamay niya. “Ah ako yon. Ano yon?” sabi niya. “Sir good morning po at happy birthday. Nandito po ako para sunduin kayo lahat. Kung ready na po kayo nag aantay po yung sasakyan sa baba” sabi ng binata. Napanganga si Benjoe at agad napatingin sa mga magulang ni Art. “Tito, tita, ano po ito?” tanong niya. “Alfredo, did you do this?” tanong ni Julie. “Of course not. Iho ano ibig mo sabihin na susunduin mo kami?” tanong ng matandang lalake sa binata. “Sir para po sa party ni sir Benjoe” sagot ng binata. Tumayo si Art at tinignan ang mga magulang niya, “Ma, pa, umamin na kayo no” sabi niya. “Oh no, we don’t know anything about this. Wait, is this a prank?” tanong ni Julie. “No madam, if you are ready I will be waiting for all of you downstair by the car” sagot ng binata sabay nauna na. Tumakbo si Kate papunta sa bintana at sumilip. “Wow! May dalawang itim na SUV sa baba! Tita bago ba kotse niyo…ay ayon pala yung chedeng niyo” sabi ni Kate kaya lahat napapunta sa may bintana. Nakita nila yung dalawang SUV na itim at yung binata na may kausap sa phone niya. “Who are they?” tanong ni Art. “Well there is no harm in trying pero let me check their license plates” sabi ni Alfredo at nilabas niya ang phone niya. Nakita ng lahat na lumabas ang kanilang driver para pasimpleng kunin ang license plate numbers nung dalawang SUV. Pagkatapos ng ilang minuto nagring ang phone ni Alfredo at agad niya sinagot. “Aha, I see. Okay salamat” sabi niya sabay tago ng phone niya. “Those SUV belong to a five star hotel and sabi nila para daw sa pag pick up ng guests for Benjoe’s party” sabi niya at nagulat ang lahat at napatingin sa binata. “Ha? My party? Wag naman na po kayo magbibiro. Kung kayo po talaga may surprise niyan sabihin niyo na po kasi nahihiya na talagaako.S Sobra na po gastos niyo para sa akin” sabi ni Benjoe. “Iho trust me wala kami kinalaman dito” sabi ni Julie. “Oh what the heck, party daw e di lets go. Verified naman pala na it belongs to a hotel and There is a party for Benjoe Perez.” “ Don’t tell me there are lots of Benjoe Perez, tapos dito pa talaga pumunta sa apartment” sabi ni Art. “Tutal bihis na kayo then lets go” sabi ni Alfredo kaya lahat sila lumabas ng condo at nagtungo sa dalawang SUV na nakaparada sa labas. Pumasok na sila lahat pero muling lumabas si Benjoe at tumakbo para tawagin ang driver ng pamilya ni Art. Pinilit niya ito sumama at hindi makatanggi yung matandang driver pagkat talagang binuhat siya ng binata. Tawa ng tawa si Kate sa loob ng SUV, tinignan niya si Art sabay ngumiti, “You should be more like him you know” sabi ng dalaga. “E di siya nalang boyfriend mo” sumbat ni Art at nalungkot ang dalaga kaya muli tinignan si Benjoe na pinipilit pumasok yung driver sa kabilang SUV. Nakarating sila sa isang tanyag na five star hotel, nanginig pa si Benjoe habang papasok pagkat first time niya makapasok sa ganon na lugar. Kumapit si Kate sa kamay niya kaya kumampante ang loob niya. May isang babae na lumapit sa kanila at dinala sila sa doon sa party area.Pagbukas ng main door nagulat si Benjoe pagkat ang daming tao sa loob. Namumukaan niya ang mga kaklase niya at mga barkada ni Art pero yung iba hindi na niya kilala. “Wow so many tables and so many food” bigkas ni Art. “Benjoe nanalo ka ba sa lotto?” tanong ni Kate at napakamot ang binata. “How I wish pero how did this happen?” tanong niya. “Sus tara na, libre naman e. Lets just enjoy your party hayaan mo na sino nagset basta libre” sabi ni Art at hinila ang bespren niya. Sa center table sila dinala nung babae, pagkaupo nila agad nagkatahan ang lahat ng tao. Napatayo si Benjoe at talagang naiiyak pagkat hindi talaga niya inaasahan ang ganito. “Ben ayun pala o lolo mo” bulong ni Kate sabay turo sa isang gilid. Natuwa si Benjoe nang makita ang lolo niya at buong pamilya niya. Lalapit na sana yung binata sa kanila pero nakita niya si Tasyo na pasimpleng nagtuturo. Sinundan niya ang kamay ng lolo niya at doon sa isang sulok ng ng room nakita niya ang kanyang tatay na nakadamit waiter. Ngumisi si Antonio sabay binigyan ang anak niya ng thumb up sign. Talagang naluha si Benjoe at agad siya inabutan ni Kate ng panyo. “Aw naiiyak si bespren” sabi ng dalaga. “Grabe this is too much” bigkas ng binata sabay upo. Nagsimula pumila ang lahat sa may buffet table, tatayo narin sana si Benjoe pero biglang may humawak sa mga balikat niya. “Happy birthday sir, you don’t have to stand And line up. Your food will be brought to you shortly” sabi ni Antonio. Natuwa naman si Art at mga magulang niya pero si Benjoe agad tumalikod at hinawakan ang kamay ng tatay niya. “Dad thank you” bigkas niya at nagulat ang lahat ng kasama nya sa lamesa. Tinapik ni Antonio ang kanyang noo, nag snap siya at biglang nanigas ang lahat ng tao sa buong kwarto maliban sa kanilang dalawa. “Oh wow” bigkas ni Benjoe at nabilib sa kapangyarihan ng ama niya. “Don’t call me dad in public. Alam nila lahat na dedo na kami diba? So stick to that story” sabi ng tatay niya. “Pero dad, gusto ko kayo na makilala nila. They are like family to me already” sabi ni Benjoe. “I know anak pero ano sa tingin mo sasabihin nila? Na pinabayaan ka namin?” sabi ni Antonio. “E totoo naman diba?” hirit ng binata at nagbaga ang mga mata ng ama niya. “Don’t you say that ever again Saturnino!” sigaw ni Antonio sa napakalalim na boses kaya nanginig ang binata. “Sorry dad, I just wanted them to get to know you” bulong ni Benjoe. “Anak, I understand you. Pero just stick to the story. Mamaya pagkatapos nito magbonding time tayo. For now just enjoy your party.” “Don’t feel sad already like your other birthdays na sila naglilibre sa iyo. Oo alam ko every birthday mo hindi ka nag eenjoy kasi nangingibabaw yung hiya.” “Starting from now you will never feel that again I promise you” bulong ng tatay niya at muling napapaluha ang binata. “So bibigyan mo na talaga ako ng madaming pera?” drama ni Benjoe at muling nagsnap ng daliri si Antonio sabay ngisi. Ang mga bulsa ni Benjoe biglang napupuno, napaluhod na siya pagkat di na niya nakayanan ng bigat ng dami ng coins sa kanyang mga bulsa. “Dad naman e!” sigaw niya at tumawa ng malakas si Antonio. “O ayan makuntento ka na diyan” sabi niya. Dumukot si Benjoe ng isa mula sa bulsa niya, napakamot nanaman siya pagkat panay makalumang pera ng bansa ang mga yon. “Dad naman!!! Hindi ko magagastos ito e!” Reklamo niya. “Oy excuse me! Collectibles yan no. Madami kaya ang gusto bumili ng mga old coins. Akala mo madali kumita ng pera.” “Ayan I gave you money worth millions of pesos tapos nagrereklamo ka? Di wag!” paliwanag ng kanyang ama sabay snap. Nawala ang mga laman ng bulsa ni Benjoe at muli siya nagreklamo. “Okay lang dad” sabi ng binata sabay tumayo. “Sanay na ako sa wala. Pero dad maraming salamat dito sa party na ito, how I wish you could seat by my side on my birthday but I also understand your reason.” “ So dad thank you” sabi ng binata at muling napapaluha ang kanyang ama. “Terible ang aircon dito masyado malakas pati yung mga small things nililipad tignan mo napuling nanaman ako…oh wait…they heard you say dad” sabi ni Antionio kaya isa isa niya nilapitan ang mga kasama ni Benjoe sa lamesa at pinagtuturo ang mga noo nila. “What are you doing?” tanong ng binata. “Erasing their memory” sagot ng tatay niya. “Wow! So pati ako kaya ko magfreeze ng lahat ng tao tapos mag erase ng memory?” tanong ni Benjoe at ngumisi ang ama niya. “Yessss…kung tuturuan kita” landi ni Antonio sabay tawa. “Kailan?” tanong agad ng anak niya at nagulat ang demonyo. “Ohoho kahapon ayaw pa tanggapin demonyo siya, ngayon atat matuto hohoho. I will teach you later but for now just enjoy your party anak” sagot ni Antonio. “Kahit wala sa oras, alas diyes palang ng umaga” bulong ni Benjoe at napakamot ang tatay niya. “Sabi nga niya maaga dapat nakinig ako” bigkas ni Antonio. “Sino nagsabi?” tanong ng binata. “Ah wala, yung parang consultant ko, oh well sorry anak. Alam ko dapat lunch time or gabi. I am a failure as a father” drama ni Antonio at bigla sila nagtawanan na mag ama. “Salamat dad ha” sabi ni Benjoe. “Of course you are my only son, nakita mo naman all your friends are here, kahit hindi mo friend inimbitahan ko na hohohohoho. So just enjoy” sabi ng ama niya pero nagsimangot yung binata. “She is not here” bulong niya at tinapik ni Antonio ang kanyang noo. “Sabi ko na nga ba may kulang e!!!” sigaw ng demonyo at tumindi ang pagbabaga ng mata niya at dumagundong ang sahid dahil sa pagdadabog niya. Natawa si Benjoe at niyakap ang kanyang tatay. “Hey dad chill ka lang. Its okay, we can go bring her food later” sabi niya. “Yes yes yes ako bahala anak, sorry talaga. Enjoy here at may pupuntahan lang ako saglit, kasi yung listahan na binigay sa akin kulang!!!” sabi ng ama niya sabay snap ng daliri at lahat ng tao nakagalaw ulit. Parang walang nangyari, lahat tinutuloy lang ang kanilang mga galaw. “Hoy Benjoe bakit ka nakatayo at nag acting na may kayakap?” tanong ni Art at biglang natauhan yung binata at tumawa. “Ha? Kunwari yumayakap ako at nagpapasalamat sa kung sino man yung nagpaparty” banat niya at nagtawanan ang lahat. Sobrang saya ni Benjoe pagkat nakikita niya lahat ng dumalo ay nasarapan sa pagkain. Nagkatawanan sila, nagkantahan at nagkabiruan, at sa unang beses sa kanyang buhay talagang naenjoy niya ang kanyang party pagkat alam niya tatay niya ang naghanda para sa kanya. Pagsapit ng ala una ay nagsiuwian na ang mga bisita. Hinatid narin sina Kate, Art at kanyang magulang sa kanilang condo habang si Benjoe nagpaiwan. Habang nag aantay sa harapan ng hotel may isang malaking delivery van ang huminto sa harapan niya. “Halika na sakay na” sabi ni Antonio at nagulat yung binata. “Saan tayo pupunta? At ano laman ng van?” tanong niya. “Pupuntahan natin siya diba? At sabi mo dadalhan natin ng pagkain so eto van na puno ng pagkain” sabi ng tatay niya. “Daddy naman! Parang magbibigay tayo ng relief goods naman e. Di naman ganon e, gusto ko lang sana siya dalhan ng food galing sa party” paliwanag ng binata. “Oo nga eto nga puno ng food galing sa party, dalian mo habang mainit init pa” pilit ng tatay niya. “Dad! Nililigawan ko yon! Tatawanan ako non for sure or maiinsulto. Grabe may kaya sila dad tapos pupunta tayo don ganyan karami dala e di naman sila nasalanta ng delubyo” hirit ni Benjoe. “Ang hina mo talaga anak! Kaya di ka niya sinasagot e. Eto na nga chance mo magpaimpress o. Well if you don’t like then hop in tapos itapon natin itong pagkain” sabi ni Antonio. “No! I have a better idea. Konti lang kukunin natin tamang tama for her family then the rest we give it to charity” sabi ni Benjoe sabay pumasok sa van. “Sino si Charity?” tanong ni Antonio at tumaas ang kilay ng anak niya. “Oo na nagpapatawa lang ako. Hay naku dalawang demonyo magbibigay ng pagkain sa charity, kumusta naman yon?” bulong ng ama niya at biglang natawa si Benjoe. “Dad its for a good cause naman pero tama ka nakakatawa nga, imagine two demons giving to charity when we should be taking from them” sabi ng binata at bigla sila nag laughing trip ng Tatay niya. Isang oras sila nagtagal sa bahay ampunan, sobrang sarap ng pakiramdam ni Benjoe nung sila ay paalis. “It feels so good giving to charity” bigkas niya habang si Antonio nakasimangot lang at buhat buhat ang pagkain para sa nililigawan ng anak niya. “I can see my halo halo halo halo…horns…halo halo halo” kanta ni Antonio at sumabog nanaman sa tawa ang binata. “Patawa ka pala dad?” sabi niya. “Ahem at namana mo naman ata diba?” pasikat ng tatay niya. “Well akala ko nadevelop ko lang yung talent na yon dahil sa hirap ko sa buhay kaya pinapasaya ko nalang sarili ko” sabi ni Benjoe. “Oy kahit demonyo ako may namamana ka din naman sa akin no” sabi ni Antonio. “Hmmm…so ano naman ang namana ko sa nanay ko?” tanong ng binata at biglang tumahimik ang ama niya. “May van naman bakit kasi maglalakad pa tayo?” reklamo ng tatay niya. “Dad this is bonding and she just leaves near by naman. Oh look at that park dad, diyan ako lagi tumatambay lalo na pag natotorpe ako bisitahin siya” kwento ng binata. “Anak that is what you call stalking” sabi ng tatay niya. “Oo alam ko kasi pag pangit tawag stalking, pero pag gwapo secret admirer” bigkas ni Benjoe at napatingin ang demonyo sa kanya. “At ano naman ang ginagawa mo diyan sa park? Naglalaro sa kiddy area?” banat ni Antonio. “No, I do play chess with the old people no. Teka baka nandyan yung lagi kong kalaro na matanda…ay wala ata siya ngayon ah” sabi ni Benjoe kaya tuloy ang lakad nila. Limang minuto pa at nakarating narin sila sa bahay ng kanyang nililigawan. Inabot ni Antonio ang pagkain sa anak niya sabay tumalikod “O dad di ka sasama?” tanong ng binata. “Ano ba sadya mo dito? Mamanhikan na ba tayo?” tanong ni Antonio. “Hindi po, bibisita lang” sabi ni Benjoe. “So hindi ako kailangan diyan pag mamanhikan ka na saka na ako sasama. Good luck anak” sagot ng tatay niya sabay naglakad palayo. Huminga ng malalim si Benjoe sabay pumindot sa doorbell botton sa gate. Ilang segundo lang nagbukas ang pinto at isang magandang mestisang dalaga ang lumabas. “Uy Benjoe!!!” sigaw ng dalaga at medaling tumakbo papunta sa gate. Nagulat yung dalaga nung makita may dalang pagkain yung binata. “Hala bakit ka nagdala?” tanong ni Maya. “Ah kasi may party kanina at naisip kita” sagot ng binata. Napangiti yung dalaga pero agad napasimangot, “Ben may bisita kasi ako” sabi ni Maya at napayuko konti si Benjoe pagkat kumirot muli ang kanyang puso. “Yeah its okay, kunin mo nalang to” sabi niya. “Kuyaaaaa!!!” sigaw ng isang batang babae na nakatayo sa may pinto. “Hello Mina” bait ni Benjoe at yumakap ang bata sa pinto at nagsimangot. “Di ka na nagvivisit dito” tampo ni Mina at napakamot ang binata. Huminga ng malalim si Benjoe at tinignan si Maya. “Pwede ba pumasok?” tanong niya. “Okay lang sa iyo na may bisita ako?” sagot ng dalaga. “Lagi naman diba? Biro lang, makikipaglaro lang ako kay Mina para di na magtampo, pakainin ko narin kasi may fried chicken dito at favorite niya” sabi ni Benjoe. “Are you sure okay lang?” hirit ng dalaga. “Ganito naman lagi diba?” sagot ng binata kaya parang nahiya si Maya at pinapasok siya. Pagkapasok ni Benjoe sa pinto agad nagpakarga si Mina sa kanya. Hindi na niya tinignan sino yung bisita ni Maya at dumiretso nalang sila sa may kusina. “Uy Benjoe..” bigkas ng dalaga. “Sige okay lang ako na bahala dito kay Mina. Attend to your suitor nalang” sabi ng binata habang inaayos niya yung pagkain sa lamesa. Pagkaalis ni Maya ay kinurot ni Mina ang pisngi ni Benjoe. “Kuya tagal mo na di punta dito wala na ako kalaro” sabi ng bata. “Madami naman bisita ate mo ha bakit di ka makipaglaro sa kanila?” sagot ng binata at natawa pa yung kasambahay nila. “Ako na diyan Benjoe” sabi ni Insyang. “Okay lang ate ako na. Kukuha lang ako ng pagkain ni Mina at doon nalang kami sa likod maglalaro as usual” sabi ng binata. “Chicken!!!” sigaw ni Mina at pupulot na sana pero tinignan siya ni Benjoe. “Sorry kuya. Wash hands muna tayo” sabi ng bata. Sa likod ng bahay naupo si Benjoe at kandong niya si Mina. Enjoy na enjoy yung bata na kumakain ng manok habang nakatingala lang sa langit yung binata. “Sana lagi ka punta dito kuya” sabi ng batang babae. “Kung boyfriend ako ng ate mo lagi ako dito” sagot ng binata. “E di kaw nalang boypren niya” sumbat ni Mina at natawa ang binata. “Hindi ako gusto ng ate mo” sabi ni Benjoe. “Gusto!” sigaw ni Mina. “Hindi!” bawi ng binata sabay kiniliti ang bata. “Gusto!” kulit ni Mina at napasandal si Benjoe at ngumiti. “Sana pero hindi naman. Mina chew your food” sabi niya. Ngumuya ng maayos ang bata sabay sinubo naman ang manok sa bibig ng binata. Si Maya palabas na sana ng pinto para makasama sila pero biglang napatigil. “Kuya kahit di ka boypren ni ate punta ka parin dito para may kalaro ako” sabi ni Mina. Matagal di sumagot si Benjoe,si Maya nagtago sa likod ng pinto at nakinig. “Hay Mina,ayos lang sana pero masakit e” bigkas ng binata. “Bakit masakit?” tanong ng bata. “Mahal ko kasi ate mo e pero lagi ako minamalas.Lagi nalang pag dadalaw ako may nauna na pala kaya ikaw nalang kinakalaro ko para kahit papano ay nakikita ko parin siya kahit na masakit” sabi ni Benjoe at tinignan siya ng bata at walang naintindihan. “Ayaw mo lang ako kalaro” tampo ni Mina. “Hindi…sige para sa iyo pupunta ako lagi dito para maglaro tayo” sabi ng binata. “Kahit masakit?” tanong ng bata. “Hayaan mo nasasanay naman na ako e at siguro wala naman talaga ako pag asa sa ate mo kaya ikaw nalang ang dadalawin ko dito” sabi ni Benjoe at natuwa yung batang babae. “Ikaw nalang boypren ko kuya” lambing ng bata at talagang natawa ang binata. Napahawak si Maya sa pinto at sinandal ang kanyang ulo,naglakas loob siya at lumabas. Hinila niya yung isang monoblock sabay nakitabi sa binata at sinubuan naman siya ni Mina ng manok. “Sarap naman nito, saan party ka ba nanggaling?” tanong ni Maya. “Okay lang na nandito ka?Baka magtampo manliligaw mo” sagot ni Benjoe. “Pinaalis ko na, sarap talaga nito ha” sagot ng dalaga. “Ate naman akin yan e!Kagat ka lang wag mo ubos kasi!” sigaw ni Maya at nagkatawanan sila. “Madami pa doon sa loob Mina,wag ka maging selfish dapat lagi ka magshare” sabi ni Benjoe kaya binigay ng batang babae ang manok sa ate niya. “Oh shoot!” biglang bigkas ni Maya at parang nanigas. “O why?” tanong ni Benjoe pero biglang lumapit ang dalaga sa kanya at hinalikan siya sa pisngi. “Happy Birthday” bulong niya. Lumukso ang puso ni Benjoe at di makapaniwala, tumayo din si Mina sa lap niya at hinalikan siya sa kaiblang pisngi. “Happy birthday kuya” sabi ng bata. “How did you know my birthday?” tanong ni Benjoe at ngumiti lang yung dalaga sa kanya sabay kumagat sa manok. “Basta alam ko” sabi ni Maya kaya sobrang saya ng kanyang puso sa mga sandaling yon. Tumayo si Maya at tinignan yung kapatid niya, “Bantayan mo si kuya ha,wag mo siya papauwiin,dito siya kakain at lulutuan ko siya” sabi ni Maya. “Hala wag na” sabi ni Benjoe at tumaas ang kilay ng dalaga. “Wag ka na umangal birthday mo” sabi niya sabay pumasok sa loob. Lumabas si Insyang na may dala pang manok. “Ngayon lang magluluto yan para sa isang lalake” bulong niya sabay kinurot si Benjoe. Halos sumakit na ang mukha ng binata sa napakalaking ngiti niya, huminga siya ng malalim at ang simoy ng hanging parang napakatamis bigla. Samantala sa may park, naupo si Antonio sa harap ng isang cemented chess table. May lumapit na matandang lalake sa kanya at agad nila inayos ang mga piyesa ng chess. “Nice cover,gumagaling ka na talaga” sabi ni Antonio. “You taught me well” sagot ng matanda at nagsimula na sila maglaro. “Di ba dapat matandang babae ang form mo kasi babae ka” sabi ng tatay ni Benjoe sabay ginalaw ang piyesa niya. “At sa tingin mo ba kabilib bilib na may matandang babae na naglalaro ng chess?” sumbat ng matandang lalake at nagtawanan sila. “By the way I told you na magpapatalo ka lagi sa kanya sa chess para may pera siya diba?” Sabi ni Antonio. “Hindi ko talaga siya matalo talo kahit ano gawin ko” sagot ng matanda. “O bakit wala siyang pera?Saan napupunta yung panalo niya na pusta?” tanong ni Antonio. “Ayaw niya tanggapin” sagot ng matanda. “What do you mean ayaw niya tanggapin?Wala pera anak ko,pupunta siya dito para sumugal tapos sasabihin mo sa akin na lagi siya nananalo sa iyo pero ayaw niya kunin panalo niya?” pagalit na sabi ng demonyo. “E sa ayaw nga niya tanggapin e.Kahit sino kapusta niya dito lagi siya nanalo pero ayaw niya kunin yung pera.Don’t blame me kasi pinipilit ko naman ibigay sa kanya pero ayaw talaga niya.” “Kahit magtanong ka sa ibang mga matatanda dito” sumbat ng matanda at napakamot ang demonyo. Tinuloy nila ang kanilang laro, seryoso yung dalawa kaya hindi sila nagkikibuan. Nakalamang si Antonio kaya bigla siya tumawa, “Checkmate” sabi ng kalaro niya at napatayo siya sa gulat. “Ha?Imposible!Tinalo mo ako?Tsamba,lets play again” sabi ng demonyo at tawa ng tawa yung matandang kalaro niya. Nakailang laro sila at laging talo si Antonio kaya niyuko niya ulo niya sabay ngumisi. “Dati hindi mo ako matalo talo nung bata ka Ayesha” bigkas niya. “Don’t call me by that name baka may makarinig.Kilala ako dito bilang Erning” sabi ng matanda. “Whatever, pero gumaling ka na sa chess ha” sabi ng demonyo. “Oo alam ko pero malungkot ako pagkat hindi ganyan ang inaasahan kong reaksyon mo,gusto kita magalit dahil natalo kita” sagot ni Erning at biglang tumawa si Antonio ng malakas. “Bakit ako malulungkot e di mo matalo ang anak ko bwahahahahaha…bleh!” banat niya sabay dilat. Napasimangot si Erning at nag inat. “Kung di tayo kikilos ng mabilis baka di mo makakapiling ng matagal ang anak mo” sabi ng matanda at napasimangot si Antonio. “Oo alam ko,mukhang mahihirapan tayo sa kanya pero kanina natuwa ako pagkat willing siya matuto at parang tanggap niya na demonyo din siya tulad natin” sagot niya. “Nasabi mo naba sa kanya ang buong kwento?Alam ba niya ang pinapasa mo sa kanyang katungkulan?” tanong ni Erning at huminga ng malalim si Antonio. “Hindi pa at mukhang magiging problema yon.Di ko siya pwede biglain” sabi niya. “Di pwede biglain?Alam mo bang ilang bahay ampunan ang kanilang pinasok para hanapin siya?” “Ang dami nilang pinakalat na demonyo and for eighteen years bigo sila pero pinaghandaan nila ang sandaling ito at balita ko tagumpay ang kanilang eksperimento” sabi ni Erning. “Anong eksperimento?” tanong ni Antonio. “For eighteen years sumubok sila gumawa ng demonyo na ipangtatapat sa anak mo…balita ko tagumpay sila at mukhang mas makapangyarihan pa siya kesa sa iyo” balita ng matanda at napataas ang dalawang kilay ng demonyo. “So ang tanong ko how are you sure na mas malakas nga itong anak mo kesa sa iyo?” hirit ng matanda. “Call him by his name,sigurado ako mas malakas sa akin si Saturnino.Nararamdaman ko kapangyarihan niya na gustong lumabas sa katawan niya.Alam ko naramdaman mo din ito habang binabantayan mo siya diba?” sabi ng demonyo. “May time na akala ko ikaw siya,pero that time galit na galit siya kay Art pagkat napagbuhat niya ng kamay si Kate.” “Napatapon ako ng malayo by his mere anger” kwento ni Erning. Napangiti si Antonio at pumalakpak, “You see I told you,and take note he was not even eighteen at that time.So imagine now na nasa tamang edad siya at bukas na ang tunay niyang kapangyarihan” pabida ng demonyo. “Oo alam ko pero ang problema mo ay kung tatanggapin niya itong lahat.Hindi lalabas ang tunay niyang kapangyarihan kapag hindi niya tinatanggap kung sino talaga siya” sabi ng matanda. “Oo alam ko wag mo na ipaalala.Siguro kaya ko pa naman e” sabi ni Antonio. “Wag ka ganyan!Nung huling beses na nahanap ka nila muntik ka na namatay!Hindi ko alam ano o sino lumigtas sa iyo pero nagpapasalamat ako.” “Pagnawala ka at hindi papalit si Saturnino sa tungkulin mo magugunaw ang Pilipinas!” sermon ni Erning. “Maghahari sila at maghahasik ng lagim.Wala nang pagtitirhan ang mga Pilipino.Pag nakita ng ibang mga bansa ang nangyari dito gagaya din sila at di magtatagal wala nang matitira sa mundo” bulong ng matanda at napangiti si Antonio at tumawa. “Nung bata ka nakita ko na matapang ka, kaya tinuruan kita.Hindi ka ganyan dati Ayesha, mukhang naimpluwensyahan ka ng kabaitan ng anak ko” sabi niya. Sumimangot yung matanda at napatingin sa paligid. “Gusto ko mamuhay bilang normal na tao.Yun lang naman habol ko” sabi ni Erning. “Kaya wag kang mawawalan ng pag asa.Magtiwala ka kay Saturnino…anyway moving on. Ang hirap mo hagilapin,kanina pa kita umaga hinahanap” sabi ni Antonio. “Alam ko,sorry busy din ako na nag eespiya sa kabila. Hindi madali itong trabaho ko” sagot ng matanda. “Oo nga pala salamat sa pagbabantay sa anak ko…pero Ayesha…bakit hindi mo sinama sa listahan si Maya?” biglang tanong ng demonyo. Tumayo si Erning at tumalikod, “Pag may kailangan ka ipagawa saka mo nalang ako tawagin.Busy ako ngayon” sabi niya at tumawa ng malakas si Antonio. “Maya!” bigkas niya at napatigil si Erning at tumigas ang kanyang mga kamao. “Maaaayaaaaa” landi pa ni Antonio at humarap si Erning sa kanya at nagbaba ang mga mata. “Bwahahahahahahaha buking ka na Ayesha” tukso ng demonyo. “Whatever” bigkas ni Erning sabay tuluyan nang lumayo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD