bc

You're My Celebrity

book_age18+
1.0K
FOLLOW
14.2K
READ
forbidden
HE
opposites attract
bxg
lighthearted
campus
actor
stubborn
like
intro-logo
Blurb

Si Ely ay isang anak mayaman, ngunit dahil sa hindi kagandahan ay hindi siya pinapahalagahan ng pamilya niya.

Nagpasiya siyang umalis sa puder ng magulang niya at mamuhay ng nag-iisa. Ang tanging gusto lamang niya ay mamuhay ng tahimik at malayo sa mga taong mapanghusga.

Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay nakilala niya ang isang lalaking parang perpekto hinulma ang anyo. Ngunit kung ano ang ikinagandang lalaki ay siyang ikinapangit at ikinasama ng ugali nito.

Ano nga kaya ang magiging buhay ni Ely kapag nalaman niya na ang lalaking laging kaaway ay isa palang sikat na artista at modelo na hinahangaan ng lahat.

Makakamit nga kaya ni Ely ang buhay na tahimik na ninanais o mas lalong gugulo ang buhay niya dahil sa pagkakakilala nila ng masungit at mayabang niyang kapitbahay na isa palang celebrity?

#ForbiddenLove

#Celebrity

chap-preview
Free preview
Prologue - That Chubby Girl
“MAGNUS FORD, a new popular Filipino celebrity under Moon Entertainment is now allegedly to have a relationship with the woman in the picture taken last night. The photo is posted by anonymous paparazzi who said that Magnus is having an intimate conversation with his rumored girlfriend. Many of the fans are crying to heard the size of Magnus,” Isang balita ang gumulantang sa buong industriya ng showbiz nang dahil sa isang balitang kumakalat mula sa litrato ng isang sikat na artista na si Magnus Ford kasama ang isang hindi kilalang babae. Makikita na masyadong malapit ang dalawa sa isa’t-isa. “We need to find the woman in that photo, Mr. Dimanlanta! Hindi pa tayo nakakapagbigay ng statement sa kahit na anong social media site dahil hindi pa din natin nakakausap si Magnus! We need him now!” nag-aalalang usal ni Mr. Luna– ang may-ari ng Moon Entertainment. Kausap nito ngayon ang manager ni Magnus na si Nelson Dimanlanta na ngayon ay pilit na tinatawagan ang telepono ng nasabing sikat na artista. “I’m calling him now, Mr. Luna. I’ll get back to you once I’ve contact him,” sagot ni Mr. Dimalanta sa kausap nito. “Good! Also find the anonymous paparazzi they are talking about! Bibilhin natin ang ibang kopya niya ng mga litratong kinuha niya kay Magnus,” muling utos nito na ikinatango ni Mr. Dimanlanta. Mabilis na umalis ang manager ni Magnus para pumunta sa opisina nito habang patuloy pa din siya sa pagdadial ng number ni Magnus. Marami na ding ang natawag sa kan’ya dahil sa balitang lumalabas pati ang ibang showbiz reporters na gusto makasagab ng chika para sa kan’yang alaga. “Sh*t, Magnus! Pick up your phone!” bulong niya habang patuloy sa pagriring ang cellphone sa kabilag linya. Sa kabilang banda, alam ni Magnus na kanina pa natunog ang cellphone nya ngunit dahil sa pagod at antok ay hindi niya ito sinasagot. Nakahiga lamang siya habang nakatakip ng unan ang ulo niya. Pagod siya dahil sa dami ng schedule na ginawa niya. Nandoon ang mga photoshoot para sa isang brand ng damit kung saan iniendorse niya, pati na ang interview niya para sa isang magazine na siya ang nasa front page. He is a star! A newbie celebrity who instantly shines because of his gorgeous, sexy, and bad boy look. Many young ladies, young pro-ladies, and even adult women are dying to see him and admiring his handsomeness. Even men admire his taste in clothes and style. Kaya naman ang baguhan na katulad niya ay agad na nakakuha ng maraming spot sa industriya na siyang kan’yang kinabibilangan. Akala niya ay muli na siyang makakatulog ng matiwasay dahil sa pagkawala muli ng tunog ng telepono ngunit hindi pa man tumatagal ay muli itong tumunog. Sa inis niya ay halos ibato na niya ang unang hawak at mabilis na kinuha ang cellphone niyang nasa bedside table niya. Hindi na siyia nag-abalang tignan kung sino ang tumatawag at mabilis na niya iyong sinagot. “Oh! Thank God! You finally answer the phone, Magnus!” mabilis na bungad nang nasa kabilang linya. Napataas ang kilay ni MAgnus nang marinig niya ang boses ni Nelson na kan’yang manager. “What is it, Mr. Nelson? If I remember you told me to rest today because I don’t have any–” “Yes! But things change! You need to be here at the company as soon as possible!” Hindi na niya nagawang tapusin ang sinasabi niya dahil sa bigla nitong pagputol, sa tono ng boses nito ay parang merong mahalagang nangyari. “What’s in a hurry?” tanong niya bago mabilis na tumayo sa higaan niyia. “Just go here! Dito na natin pag-usapan and please! Don’t answer call from your phone kung hindi naman ako ang tatawag!” Hindi na siya sumagot sa kan’yang manager at basta na lang ibinaba ang tawag matapos siya nitong bilinan, hindi na rin siya nagpatagal pa dahil kahit naman pagod siya ay alam niya pa din ang responsibilidad niya bilang artist. Lalo pa sa tono rin ng manager niya ay mukhang urgent ang kailangan nito sa kan'ya. Mabilis siyang kumilos para mag-ayos ng sarili. Suot ang isang faded designer jeans, isang plain white v-neck shirt na pinaresan ng isang isang itim na leather boots– mabilis siyang lumabas ng tinutuluyan na unit. Secured ang condominium na tinutuluyan niya kaya naman ay hindi na niya kinakailangan na magsuot ng mask tanging shades na lang ang dala niya but sometimes he still wear it para na din iwas sa mga makakakita sa kan'ya dito. Hindi rin kasi maiiwasan na kahit secured ang condominium, minsan na siyang napagkaguluhan dito. Sa paglabas niyang iyon ay nagkataon na muli niyang nakasabay ang kan’yang kapitbahay na may katabaan at hindi kagandahang itsura. Muli silang nagkatitigan at kulang na lang ay halos may mga patalim na lumalabas sa kanilang mga mata dahil sa tinginan nila. Inirapan niya lang ito dahil wala naman siyang pakialam sa babae, bukod doon mukha rin namang walang pakialam sa kan’ya ang kapitbahay na iyon. Mas gusto niya iyon na hindi siya kilala dahil kahit pa mahal niya ang trabaho niya at maraming humahanga sa kan’ya ay mas gugustuhin niya na lang na maging tahimik lalo na kung mag-isa lamang siya. At'ska hindi pa niya nalilimutan ang pagsipa nito sa kan'ya pati na ang pagtulak sa kan'ya nito kagabi. All he wants is to get rid of that paparazzi that keeps on following him na hindi na nga niya alam kung natakasan ba niya kagabi. Mabilis siyang nagmaneho papunta sa company ng kan’yang agency at halos magulat siya nang makita niyang maraming nakaabang na reporters doon. Miski ang iilan na Magnus Babies ay nandoon at may mga plakcard na dala at makasulat doon ang pangalan niya. Agad niyang dinial ang number ng kan’yang manager para itanong kung ano ang nangyayari. “Why are there so many people outside the agency? Are there any surprises?” tanong nito. “No! Just park your car in the basement. May mga bodyguards doon– once you’re in, go straight here in the conference 4,” sagot sa kan’ya nito na ikinataas lang ng kilay niya ngunit mabilis niyang sinunod iyon. Nang makarating siya sa basement ay may mga reporters pa din ngunit hindi ganon kadami, mabibiliang lang ito sa kamay niya at kayang kayang itabi iyon ng apat na bodyguards na nandoon. Hindi pa man siya nakakababa ng kotse niya ay agad na siyang nilapitan ng mga reporters na mabilis na hinawi ng mga naglalakihan na katawan ng apat na lalaki. Lakad takbo na ang ginawa niya para makapasok sa building ngunit agad na nagpantig ang tenga niya nang makarinig siya ng isang tanong galing sa isang reporter “Magnus! Totoo ba ang nasa picture na girlfriend mo ang kasama mong matabang babae kagabi?” Kusa siyang napahinto dahil doon, kung hindi pa siya hinila ng isang staff na nandoon din ay babalakin niya sanang itanong kung ano ang tinutukoy nito. KUNOT ang noo nitong tinignan ang manager niya na sinalubong siya sa labas ng conference 4. “Anong sinasabi ng isang reporter sa labas na litrato at babaeng mataba? Ano iyon?” walang pag-aalinlangan niyang tanong sa lalaki. Mabilis na nagkamot ng ulo ang kausap nito bago ito sumagot. “Ayon nga ang itatanong ko sa iyo?! Bakit ka may kasamang babae kagabi, as I remember hinatid kita sa unit mo last night! Lumabas ka pa pala! At may kasama pang babae! “ singal na sagot nito. “Ngayon nagkakagulo ang mga fans mo pati na ang lahat ng nakatataas dito sa agency dahil gusto nilang malaman lahat kung ano ang totoo,” usal nitong muli bago siya pinagbuksan ng pintuan kung saan nandoon ang mga nakatataas sa agency na kinabibilangan niya. Marahan siyang pumasok sa loob ng conference at nakipag-usap sa mga nakatataas, marahan na ipinakita sa kan’ya ang litrato na siyang nagpagulat sa kan’ya! Alam niya kung sino ang babae at alam niya kung bakit sila nasa ganoong posisyon! That chubby girl! She will ruin my career! ----------------

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
76.9K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
70.4K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
162.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
107.0K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
21.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook