Chapter 4-First day Of School

2204 Words
Akari Hindi pa rin ako makapaniwala. Nakalipat na ako ng dorm. Blue ang kulay nito at lalong gumarbo ang hitsura ng  kwarto ko dahil sa mga mamahaling batong nakadisenyo rito. Nilagyan ko ng bedsheet yung mattress. Then ang pinaka-kumot , Detective Conan yung ang theme is galing sa Movie 18- Dimensional Sniper. Then nilagay ko ang stuff toy na Detective Conan. Inalis ko muna ang pagkalibang ko sa aking kwarto at naligo muna ako at nagpalit ng pajama. Pagkatapos kong gawin ang nocturnal activities ko ay nagdive ako sa sobrang lambot ng kama.  Sa dinami-raming nangyari kanina, di ko alam kung tama lang ba na matulog ako sa ganito ka-lambot na kama? Naramdaman ko na ang pagbigat ng talukap ng mga mata ko. At habang palalim ng palalim ang aking pagtulog ay napadpad ako sa mundo ng panaginip. Nakita ko na naman yung babae nung araw na yun. Ang Oracle. Nasa isang hardin kami na napapalibutan ng maraming paru-paro. "Kamusta na?",ang tanong niya at tila nagsusulat ng isang libro. "Oracle! Bakit po may kapangyarihan ang mga kaibigan ko? May powers din po ba ako? ", ang tanong ko na tila bumabagabag sa aking isipan. "Nalaman mo na pala. Sa mundong ito, kailangan mo ng dobleng pag-iingat. Dahil dito, sa Chikara Realm magsisimula ang tunay na panganib.",ang sabi ni Oracle. "Bakit po? May nagawa po ba ako sa nakaraan na hindi ko alam?",ang tanong ko. Umiling ang oracle at tinitigan niya ako sa mata. "Wala naman. Ngunit nadamay ka lang sa galit ng isang taong nasaktan dahil sa hindi nasuklian ang pagmamahal na ninanais niya.",ang sabi ni Oracle. " Sino po iyon?",ang tanong ko. Ngunit nilihis ni Oracle ang tanong ko. "Wala nang natitira pang oras. Binabalaan kita wag kang magtitiwala ng basta basta.",ang sabi ni Oracle na lalong ikinakunot ng noo ko. "Po?" "Sasabihin ko sa'yo isa kang,",ang sabi ni Oracle at naputol ang sasabihin niya nang biglang may isang pwersa na humatak sa akin. Nag-iba ang paligid at nagsimula akong lamunin ng dilim. Napasigaw ako dahil parang tinakasan ako ng hininga.  Napatingin ako sa orasan at nakita kong 5:56 AM na. Parang ang bilis naman ata ng oras nila. "Panaginip lang pala.",ang sabi ko at huminga ako ng malalim. Agad kong ginawa yung morning rituals ko. Sinuot ko yung uniform na binigay ni Headmaster kahapon. Kung i-dedescribe ko ang uniform, color white ang coat yung skirt naman ay black. May logo ng magkayakap na araw at buwan sa magkabilang braso. May ribbon na pula rin na kasama. Ang socks ay dapat hanggang binti lang at kulay black dapat. Hindi ako nagbraid ngayon. Naka-twin ponytails ako. May ribbon na red ito.. Syempre suot ko yung eyeglasses ko. Inihanda ko ang mga gagamitin ko sa klase. At tiningnan ko ang aking registration card. "Schedule check: History of Chikara Realm-7:30-9:00 room 327. Moonight Section.",ang basa ko sa aking reg card at saka hinanap ang aming room Nang makarating ako sa room ay kulang na ang ay maglupasay ako sa labas ng room. Sino ba kasing magaling na nagtayo ng eskwelahang ito?! Ginto ang gate wala namang elevator! At sinong matinong registrar ang nakaisip na ilagay sa tenth floor ang una kong klase?! "Sa wakas nakarating rin.", ang nanghihina na sabi ko. Pumasok na ako sa loob upang masulit ko ang pagpapahinga. Umupo ako sa malapit sa bintana hidi dahil feel ko maging anime character. Gusto ko lang magpahangin dahil bagnas pawis lang naman ako sa pag-akyat sa hinayupak na room na ito. "Oh look who's here! Ang nerd!",ang sabi ni Kira at tumawa siya kasama ng mga kaibigan niya. Hindi ko na lang siya pinansin dahil lalo lang masisira ang araw ko. "O bakit matamlay ka? Dahil ba sa nangyari ba kahapon?",ang tanong ni Sakura kaya naman umiling na lang ako. "Huwag mo nang intindihin yun. Excited ka na ba na pag-aralan ang chikara mo?",ang sabi niya at tinapik niya ako sa balikat. "Kinakabahan ako.",ang sabi ko sa kanya. "Bakit naman? Nandito lang naman kami ah?",ang sabi ni Sakura. "Good morning ,class.",ang bati ng isang Professor. Napakaganda niya. Para siyang isang diwata. "Thank you Miss Farhengart.",ang sabi niya sa aki at bigla siyang nagwink. Is she a mind reader? Nagwink naman si Ms. Fumiko na parang naka-jackpot ako sa panghuhula. "Good morning, Ms. Fumiko!",ang bati namin at saka tumingin sa akin si Ms. Fumiko. "Please introduce yourself here in front.",ang sabi ni Ms. Fumiko. Tumayo naman ako at pumunta sa unahan upang magpakilala. Kinakabahan talaga ako. "My name is Akari Farhengart. Nice to meet you all.", ang sabi ko at kasabay nun ay ang aking pangangatal. "Oh so kapatid mo pala si Kira at Seiji! What is your chikara?",ang tanong ni Ms. Fumiko na halatang na-excite. Napakamot ako sa aking ulo dahil hindi ko alam ang isasagot ko. Napayuko naman ako sa sobrang hiya aya naman sumagot ako. "It's unidentified.",ang sabi ko habang nilalaro yung daliri ko. "Baka mahina ka lang?!", ang sabi ni Kira at tumawa ang buong klase. Nakakapag-init rin ng ulo tong babaeng 'to! Kung pwede lang mambato ng sapatos ng harap-harapan ginawa ko na! Pero nagtaka ako nang biglang tumapat ang liwanag ng araw kay Kira kaya naman nagtitili siya sa sobrang init. Agad naman siyang binato ng isang ng Water Ball kaya ang ending isa siyang basang sisiw. "The Hell, Jun!",ang sigaw ni Kira. "Sabi mo ang init, e di binuhusan kitang tubig. Sa susunod kasi wag kang mang-iinsulto ng mga taong unidentified ang chikara.", ang sabi ni Jun sabay kindat. "Ok, you may take a seat, Miss Akari Farhengart. Miss Kira Farhengart magpalit ka muna ng damit. Okay ang pag-aaralan natin ngayon ay ang Braveheart Royalty." Agad lumabas si Kira sa room. Then nagsimula nang magturo si Ma'am. "Si Queen Haruna at si King Saguru ay nagkaroon ng isang Prinsesa at isang Prinsipe. Iyon ay si Prince Akira at si Princess Luna. Si Prince Akira,masasabi kong naging payapa ang buhay niya. Kaya labis ang kasiyahan ng pamilya. Si Princess Luna masasabi kong siya ang sinisisi ng lahat dahil sa kanya siya naghirap ang lahat dahil sa hindi niya pagpayag na maikasal kay Serpentius. Sinasabi rin na umibig ang prinsesa sa isang prinsipe at yun ay si Prince Raiden isang prinsipe sa Fulgur. Labis na nagalit si Serpentius kaya naghasik siya ng kasamaan sa lahat ng kaharian. Pero hindi nagtagumpay si Serpentius dahil pinigilan siya ni Princess Luna, ni Prince Raiden, at ang kasalukuyang headmaster ng Chikara Academy, si Headmaster Yuri.  Sila ang nagpatayo ng Chikara Academy upang mahasa ang mga chikara natin. Naging Hari at Reyna sila at sila ang pagkakabuklod-buklod ng lahat ng kaharian sa Chikara Realm. Makalipas ang 4,000 na libong taon malamang wala na sa trono Queen Luna at King Raiden nun ngunit nagkaroon sila ng apat na anak, si Akane, si Akame, si Reiko at Zen. Nagpasalin salin ang trono. Masasabing umunlad ang mga kaharian pagkatapos nun.  Ngunit gayunpaman naging immortal ang Braveheart Royalty at naging matatag ang kanilang pamumuno. Ang masasabi ko lang ay dun umusbong ang panibagong sigalot. Nagkaroon ng tatlong anak si Prince Daisuke at Princess Akane. Ngunit nawawala ang mga ito. Ang alam ko lang ay naging isang Dimensional Sorcerress ang panganay nilang babae. At ang pangalawa ay nawala habang nangagaso. At ang pangatlo ay nawala matapos isilang sa araw na iyon dahil ang sumiklab ang digmaan labing pitong taon na ang nakakalipas dahil sa pagsugod ng kampon ni Serpentius. At ang sanggol na yun sa panahon ngayon ay pinaniniwalaang patay na. Sa kasalukuyan si Princess Akane ay isa nang ganap na Reyna at si Prince Daisuke ay isa nang ganap na Hari.",ang sabi ni Ma'am Fumiko. Nagtaas ako ng kamay. "Ma'am, paano po kung buhay pa po ang prinsesa?",ang tanong ko at binigyan niya ako ng isang tinging nakakatakot. Lumapit siya sa akin at may ibinulong. "Paano nga ba? Siguro may mga  nakaambang pang mga panganib ang kanyang susuungin. At higit sa lahat, malamang gagawin niya ang lahat makuha lamang siya. Lalo na't pinaniniwalaang kamukha siya ni Queen Luna sa oras na tumungtong siya ng 17 taong gulang. Kaya mas mabuting hindi na lang siya makita ng Reyna at ng Hari.",ang sabi ni Ms. Fumiko. Magtatanong pa sana ako ng biglang tumunog ang school bell. "Ok class dismissed!", ang sabi ni Maam at saka mabilisang umalis. Second period na namin at napabuntung-hininga na lang ako sa mga sinabi ni Ms. Fumiko kanina. Dahil malalalim sa pag-iisip nakarating rin ako sa room nang hindi ko man lang namamalayan. Napatingin naman ako sa unahan nang may isang liwanag ang kumabas. "Announcement! Nais kong malaman niyo na next week ay gaganapin ang duel. Yun lang.",ang sabi ng isang lalaki pero nasa hologram ito. Lumapit ako kay Aichi at halatang parang wala lang sa kanya ang nangyayari. "Aichi anong nangyayari kapag duel?",ang tanong ko. "Kailangan niyong maglaban. Gamit ang inyong kapangyarihan or what we called chikara. Good luck sa'yo.",ang sabi niya habang nilalaro-laro ang yelong nasa kamay niya. "Kapangyarihan?!",ang sigaw ko kaya napatakip ng tenga sina Aichi. Patay kang bata ka! Anong gagawin ko?! Alangan namang batuhin ko ng sapatos yung kalaban ko. Pero nawala pansamantala ang prinoproblema ko nang sumingit ang isang babaeng sa usapan namin. "Hey back off to my boyfriend!",ang sabi nito at pininpoint ako. Agad akong lumayo dahil mukhang fangirl na naman 'to ni Aichi. "Best friend ko lang siya. At isa pa hindi ako mang-aagaw. Kung gusto mo ibalot mo pa siya sa gift wrapper.",ang sabi ko na ngayon ay namomroblema pa rin sa maaaring mangyari. Talaga ba Elle?, ang naiiritang tanong ni Sakura. Shut up, Rogue!,ang sigaw niya kay S "Good madali ka naman palang kausap.",ang sabi ng babaeng nagngangalang Elle at nilingkis nito si Aichi. Tss. Naglandian pa sa harap ko "At kelan pa kita naging girlfriend ha, Elle? Kung magkakagirlfriend man ako mas gugustuhin ko pang si Akari na lang.",ang sabi ni Aichi  at kumalas ito kay Elle sabay akbay sa akin. Binigyan naman ako ng isang pamatay na tingin ni Elle. "Remember this, I'm going to kill you.",ang sabi ni Elle.. At saka siya nagwalk -out. May mas lalala pa ba sa araw na 'to?! Napasabunot na lang ako sa sarili ko. Really I'm Dead! Ilang oras na ang nakakalipas ay hindi pa rin ako mapakali sa banta ni Elle. Ang duel na prinoproblema ko ay nadagdagan pa ng isa pang problema. " Don't worry about it, we're going 'to help you.",ang sabi ni Sakura. "Hindi ko alam kung paano lalabanan si Elle.", ang sabi ko sa kanila. Naglakad kami papuntang canteen. "Kumalma ka kasi.",ang sabi naman ni Aichi. Sa sobrang aligaga ko ay may nabangga akong matigas na pader. " Aray! Teka pader ba 'tong nabangga ko? Bakit may pandesal?",ang tanong ko. "Sira! Talagang hindi pader yang nabangga mo! Si Kaito yan! Siya ang pinakamagaling na Fire chikara user ng Chikara Academy!", ang sabi ni Sakura. Nangatog ang tuhod ko sa sobrang nerbyos. Jusko! Baka sunugin ako nito nang buhay! " Ok ka lang ba?",ang tanong niya. "O-O-Ok lang. Sorry!", ang sabi ko. Nang tingnan ko siya ay naluluha ang kanyang mga mata. Nawala ang atensyon ko sa pula niyang mga mata nang bigla siyang nagsalita. " Ah! Alam ko na! Ilibre na lang kita ng blueberry cheesecake!",ang sabi ni Kaito. Napatingin ako kay Aichi na nakakunot ang noo. "Isang Kaito Williams,manlilibre? Bago yun ah?", ang sabi ng isang lalaking kulay puti ang buhok na ngayon ay nakaakbay kay Kaito. " Si Akari lang ang ililibre ko, hindi kayo.",ang sabi ni Kaito at saka ngumiti sa akin. Bakit parang kilala ko na siya noon? Bakit di ko maalala? At saka isa pa, paano niya nalaman na blueberry cheesecake ang paborito ko? "Akari, ano bang ginawa mo sa kaibigan namin? Ang lakas ng tama sa'yo oh!", ang pang-aasar ng lalaking kulay green ang buhok. " Shut up,Shin. Wala siyang ginawa.",ang sabi ni Kaito at saka ngumiti. Ang kaso napansin ko na masama ang tingin ng mga estudyante sa akin. "C-CR lang muna ako guys!", ang sabi ko at saka tumakbo papuntang CR. Tumingin ako sa salamin at hanggang ngayon ay malakas pa rin ang t***k ng puso ko. Naantala ang pagsasalamin ko ng makita ko nang may biglang magsalita sa likuran ko. " So hindi lang pala si Aichi ang naakit mo pati pala si Kaito?",ang sabi ng isang pamilyar na boses. Si Elle! "Anong kailangan mo?", ang seryosong tanong ko sa kanya. Pero nagpalipad siya ng sand blades. Iniharang ko ang aking mga braso ngunit tinamaan nito ang aking ribbon kaya naputol ito. Nagkaroon rin ako ng sugat sa pisngi ko at patuloy ang paglandas ng sariwang dugo mula rito. " First warning pa lang iyan. Pasalamat ka at nakapagpigil pa ako.",ang sabi niya naglakad siya papalabas. Agad akong bumalik sa canteen. Tinakpan ko ng buhok ko ang sugat sa pisngi ko upang hindi nila mahalata. "Bakit ba ang tagal mo?", ang tanong ni Sakura. "May pila kasi sa CR kaya natagalan ako.", ang sabi ko at saka naupo sa tabi ni Sakura. " Your skin. It's bleeding.",ang sabi ni Aichi. "Sinong gumawa nito sa'yo?", ang tanong  ni Kaito sabay lapit sa akin. Tumingin ako sa ibang direksyon ngunit hinawakan ni Kaito ang sugat ko sa pisngi. Naramdaman ko ang init ng apoy sa aking pisngi. Ngunit hindi ito sobrang init para mapaso ako. " Yan ok na. You should take care of yourself.",ang sabi ni Kaito. Napahawak ako sa sugat ko at wala na iyon. "T-Thank you.", ang sabi ko. " You're welcome.",ang sabi ko. "You should smile more often. It makes you beautiful.", ang sabi ni Kaito. Namula ako sa sinabi niya at napatingin ako kay Aichi na ngayon ay masama ang tingin kay Kaito. Ano ba 'tong first day ko?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD