Chapter 5-Chikara Unleashed

2000 Words
Akari It's been a week. At mamaya na ang duel namin. Still walang pagbabago walang lumabas na kahit ano. Naalala ko pa kung paano ako pinahirapan nung dalawa. At mga Non-chikara attacks lang alam kong gawin sa ngayon. Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa ng mapag-isip ko na baka Isa nga lang akong mababang uri ng nilalang. "Hay! Kailangan kong mag-ensayo.",ang sabi ko. Kung di ko mapapalabas ang kapangyarihan ko dadaanin ko na lang sa pisikal na lakas. At dahil sa pag-iisip na yun ay di ko napansin na may makakasalubong ako. Na-out of balance ako kaya ang ending lagpak ako sa sahig. "Aray! Ang sakit nun!",ang sabi ko. Agad akong hinawakan ng dalawang gwardiya kaya naman lalo akong nataranta. "Binibini tumingin ka sa iyong dinadaanan! Nabunggo mo tuloy ang Mahal na Reyna!",ang sigaw nung guwardiya. "P-Pasensya na po! Di ko po talaga sinasadya! Humihingi po ako ng kapatawaran, kamahalaan!",ang natataranta kong sabi. Ang bata ko pa para mamatay! Huhuhu! "Iha, mag-ingat ka sa susunod. Baka mamalayan mo kalaban mo ang makakabangga mo? Pakawalan siya.",ang malamig na sabi ng Hari. Kaya naman agad akong pinakawalan ng dalawang gwardiya. "Mahal. Wag mong takutin ng ganyan ang bata. Malamang ay pagod lang yan. Pasensya na sa tinuran ng asawa ko. Anong pangalan mo iha?",ang tanong ng Reyna. "A-Akari Farhengart po.", ang nangangatal na sabi ko pero hinawakan ng mahal na reyna ang aking mga kamay. "Aba anak ka pala ni Keima!",ang sabi ng mahal na Hari. Nagkaroon ng question mark ang utak ko. From cold expression ay nalipat kaagad ito sa masayahing part? Wew. Ang cool. Best Actor. Pero agad ko namang sinagot ang tanong niya. "Kilala niyo po si Dad?",ang tanong ko. "Oo naman. Naging matalik ko siyang kaibigan. Noong nag-aaral pa kami rito.",ang sabi ng Hari at pinat ako sa ulo ko. "Ang mabuti pa doon muna tayo sa silid namin.",ang sabi ng Reyna. Nang makarating na kami sa silid na sinasabi nila ay naupo kami sa isang couch. May eleganteng chandelier sa kwarto at White na may design na bulaklak ang wallpaper ng kwarto. Nagising ang diwa ko ng magserve ng Cinnamon tea ang reyna. "Iha magkwento ka naman tungkol sa sarili mo.",ang sabi ng reyna. Hindi ko alam kung bakit ang gaan ng loob ko sa kanila? Nagsimulang pumatak ang luha ko. Anong ikukuwento ko eh puro ka-dramahan ang buhay ko? "Okay lang kahit wag ka nang magkwento.",ang sabi ng reyna at patuloy sa pagpatak ang luha ko. "Ang totoo po niyan di naman po talaga ako totoong anak ni Dad. Lalo na't sanggol pa lang ako ipinamigay na ako ng magulang ko. Minsan tinanong ko po si Mom. Bakit po ako ipinamigay ng magulang ko? Naging masama po ba akong anak? Hindi na po ba nila ako mahal? Pero sinasagot lang ni Mom na, mahal ka nun. Ginawa lang nila yun para mapabuti ang buhay mo. Madalas nga po tinutukso-tukso pa ako ng mga bata na isang sampid. Ampon. Anak sa labas. Sa tingin niyo po? Mahal pa po kaya ako ng totoong  magulang ko?",ang sabi ko at patuloy sa pagpatak ang luha ko. Peste talaga tong mga luhang 'to. Nagulat ang Mahal na Reyna at ang Mahal na Hari sa tanong ko. Hindi sila nakasagot kaagad. Bago pa man sila sumagot  ay agad kong pinunasan ang luha ko. "Paumanhin po pero kailangan ko na pong mag-ensayo para po sa Duel mamaya. Pasensya na po talaga at naabala ko po kayo.",at saka umalis na ako. Nakarating ako sa training ground at nagsimulang mag-ensayo. Pinosisyon ko ang aking sarili upang maging handa sa mangyayari. " Senbonzakura!",ang sigaw ni Sakura at sinimulan kong iwasan ang mga bulaklak niyang sumasabog. Natuto rin akong magback flip dahil sa mga malahalimaw nilang atake. "Whirling Storm! Fire Dance!", ang sigaw ni Kaito at Akio na ngayon ay tinutulungan rin akong mapalabas ang chikara ko. Pagkalipas ng ilang oras ay natapos rin kami. Nanghihina akong napasalampak sa sahig. " Ok pahinga ka na. Mamaya ay sasabak ka na sa Duel.",ang sabi ni Shin. "O ano? Ready ka na ba sa Duel?", ang tanong ni Aichi. " Mukha ba akong ready? Eh halos mamatay na ako sa pagpapalabas ng kapangyarihan ko?",ang sabi ko. "Tayo na sa arena. Magsisimula na ang duel.", ang sabi ni Kaito at inalalayan akong tumayo ganun rin si Aichi. Nang makarating na kami sa  arena ay putok mula sa mga fireworks ang aming narinig hudyat na magsisimula na ang duel. "Mga estudyante ng Chikara Academy nais kong ipabatid na ang Hari at Reyna ng Middle Kingdom ay naririto upang panoorin ang mga duelong magaganap.",ang sabi ni Headmaster Yuri. Sila si Queen Akane at King Daisuke?! "Kinakabahan ako sa maaaring mangyari ngayon lalo na't nanonood ang hari at reyna ng Medius Regnum.",ang sabi ni Sakura na di halatang excited. Napabuntong-hininga na lang ako. Anong gagawin ko? Nauna ang mga Lower Section at pawang nagpamalas ng kakayahan ang bawat estudyante.Nang matapos na ang Lower Class, susunod na maglalaban-laban ay ang mga nasa S-Class. "Ang maglalaban ay  sina Sakura Rouge at Sora Williams ng S-Class!",ang sigaw ng emcee. Agad tumalon ang dalawa sa arena at pawang pa-garbuhan ng entrance yung dalawa. "Let the duel begins!",ang sigaw ng emcee at nagsimula nang maglaban yung dalawa. "Soul sucker!",ang sabi ni Sora. Naglabasan ang mga Phantom. "Protigo Sakura!",at nakagawa si Sakura ng Barrier para maprotektahan ang kanyang sarili gamit ang Cherry blossom. Tumagos sa barrier ni Sakura ang mga phantom. Ngunit ang sunod na ikinagulat namin ay ang isang malakas na pagsabog at kasunod nun ang pagkabalot ng usok sa Arena. Nang mawala ang usok ay nakia naming nakalupasay na si Sora sa sahig. Paano niya nagawa yun? "Floral bombs.",ang sabi ni Aichi. "Huh?", ang tanong ko nang biglang nagsalita si Aichi "Yun yung ginamit ni Sakura para matalo niya ang kalaban niya.", ang seryosong sabi ni Aichi. "Ah. Ang lakas ni Sakura.",ang sabi ko at ibinaling ko ang atensyon sa Arena. "We have a winner! Congratulations! Miss Sakura Rogue!",ang sabi ng emcee. "Congrats!",ang sigaw ng mga estudyante sa kanya. Popular pala si Sakura dito. "Thank you!",ang sabi ni Sakura sabay flying kiss sa mga nanood. "Next is Aichi Hamilton vs. Jun Walker!",ang sabi ng emcee. "O paano? Aalis na ako.",ang sabi ni Aichi sa akin. Hinawakan ko ang kamay niya at ibinigay ko ang charm na nabili ko dati sa tapat ng school. "Mag-iingat ka.",ang nahihiyang sabi ko. "Syempre naman.",ang sabi ko at saka naman nagslide siya pababa sa arena. "Let the duel begin!",ang sigaw nung emcee Nagpalabas ng maraming water needles yung Jun at pinatama lahat yun kay Aichi.Gumawa naman ng ice shield si Aichi kaya hindi tumama ang water needles kay Aichi. Maya-maya nagpalabas ng water octopus yung Jun at binalot niya si Aichi nito. Pero ginawa niya itong yelo kaya nakalabas siya doon. Inatake niya naman ng ice needles yung Jun ang kaso gumawa siya ng water shield. Agad namang ginawang yelo ni Aichi yung water shield. Kaya nakulong si Jun sa loob ng yelo. "And the winner is Aichi Hamilton!",ang sabi ng emcee Dumagundong ang sigawan sa loob ng Arena dahil sa fansclub ni Aichi. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil dun. "And the next duelist is Elle Gregorie vs. Akari Farhengart!",ang sabi ng emcee. Nakaramdam ako ng takot dahil sa makakalaban ko ang babaeng patay na patay kay Aichi. "Tiyak talo na yan sa Queen of Sand!",ang sabi nung isang nanonood. QUEEN OF SAND?! Halos nanindig ang balahibo ko sa narinig ko. Paano ako lalabas ng buhay sa Arena?! "Don't mind them.",ang sabi sa akin ni Aichi na nasa tabi ko na pala. Pagdating ko sa arena. Tinawanan pa nga ako dahil naglakad lang ako papasok ng arena. Required ba talaga dito ang may grand entrance dito bago lumaban?! "It's a small word after all.",ang kanta ni Elle.. "It's world not word.",ang sabi ko. Hindi ko alam kung saang lupalop ako nakakuha ng lakas ng loob para barahin si Elle. "Ang daldal!",ang sigaw niya at pinagalaw niya ang buhangin. "Let's start the duel!",ang sigaw nung emcee. Pinaulanan niya ako ng atakeng buhangin... Sumugod ako at binigyan siya ng isang matinding sipa. Dahil dun agad akong umiwas para di tamaan ng mga atake niya. Nasira yung sleeve ng uniform ko dahil sa sand gust na ginawa niya. Kahit laki ako sa mortal world lagi naman akong nagbabasa ng mga libro kaya alam ko na 'to. Naputol yung panali sa buhok ko. "P're ang ganda niya pala kapag nakalugay ang buhok eh!",ang sabi nung isang lalaki. "Oo nga, paano naman kapag walang salamin?",ang tanong nung isa. "Remove your glasses! Remove your glasses!",ang sigaw nila.. Hindi ko namalayan na tumama sa akin yung atake ni Elle. Napasigaw ako sa sakit at tumalsik ako sa protective barrier na nakapalibot sa amin. Nabasag pa yung glasses ko. No choice ako kundi ang alisin yun. Kaya inalis ko ang glasses at tiningnan siya nang masama. "Kainis wala akong makita!",ang sigaw ko. "Eh di magaling! Nang madali kitang matalo!",ang sigaw ni Elle at ramdam kong may aatake sa akin kaya agad akong umiwas. "Relax you can do it.",ang sabi ng isang boses sa utak ko. "Pero paano?",ang natataranta kong tanong. "Let me manuever it.",ang dagdag pa nito. "By the way, who are you?",ang tanong ko at nilinga-linga ang paligid ko. "Your other half.",ang sabi niya Sa kabilang banda naririnig kong tumatawa na parang isang baliw si Elle. "It's a great oppurtunity na talunin ka! O paano kung patayin na lang kaya kita?",ang sigaw ni Elle. " Nababaliw ka na!",ang sigaw ko. "Of course dear! Baliw na baliw akong patayin ka!", ang sigaw ni Elle. "Mali ka ng kinalaban, Gregorie. Reformabit!",ang sigaw ko ramdam ko ang pagbabago ko at dahil dun nagsimulang bumigat ang talukap ng mata ko. Aichi Napatayo ako sa aking kinauupuan at nakita ko ang pagbabagong anyo ni Akari. "Anong nangyayari?! Bakit ako ang inaatake ng buhangin?! Hindi ko makontrol yung chikara ko!",ang sigaw ni Elle. Nakita ko si Akari yung mga niyang dating brown iyang mata ngayon naging raging blue na ,maging yung buhok niya na dating brown naging ash white na. Nagbago rin ang kanyang suot na damit. Napansin kong may apoy siya sa staff na hawak niya at pinatama niya iyon kay Elle. Tumalsik si Elle sa protective barrier at nabasag ito. Nakita namin ang pagkontrol ni Akari sa buhangin at pinatama niya iyon kay Elle. Napatayo ang Hari at Reyna. "Hikari!",ang sigaw ng Reyna at tumakbo ito pababa ng arena. Napalingon ako ulit sa arena. Itinaas niya ang staff niya at nagcast ng isang atake. "Reigning Lights!",ang sigaw niya at pinaulanan si Elle ng liwanag. May lumabas na Magic circle mula sa taas at doon nagmula ang sandamakmak na Light arrows. Kaya naman nawalan ng malay si Elle. Napanganga ang lahat sa nangyari. "A-And the winner is Akari Farhengart!",ang sabi ng emcee. Bumalik sa dati niyang hitsura si Akari. Pagkalapag na pagkalapag niya sa lupa ay nahimatay si Akari. "Akari!",ang sigaw ko. Agad ko siyang pinuntahan sa arena. "Akari! Ui gumising ka!",ang sigaw ko. "Hikari!",ang sigaw ng Reyna at niyakap niya ito. "Ang Celestial Prodigy.",ang sabi ni Headmaster Yuri. "Celestial Prodigy?",ang sabi ko and reality hits me. No way. Akari sino ka ba talaga? Queen Akane Kumalas ako sa pagkakayakap kay Hikari. Nakita ko na binuhat ni Prince Aichi si Hikari. "Buhay si Hikari!",ang naiiyak na sabi ni Daisuke. "Mahal yung anak natin puntahan na natin siya!",ang sabi ko. At sinundan namin ang mga healer patungo sa Medical Department. Kaya pala parang ang gaan ng loob ko sa kanya kanina. Pagkadating namin sa Medical department ay agad kong kinausap si Dr. Yuki. "Kamusta na siya?",ang tanong ko at hinaplos ang kanyang buhok. Nagbow muna si Dr. Yuki bago siya nagsalita. "Maayos naman po ang lagay niya. Maraming lakas lang ang kanyang nagamit. Marami rin siyang sugat na tinamo.",ang sabi ni Dr. Yuki. Lumapit kami sa natutulog naming si Hikari at saka hinaplos namin ang aming anak. "Matanong ko lang po kaanu-ano niyo po siya?",ang tanong ni Dr. Yuki at tiningnan ko siya. "Kapag sinabi ko ba maniniwala ka?", ang tanong kay Yuri. "Opo,Mahal na Reyna.",ang sabi niya. "Siya ang nawawala naming anak. Ang Prinsesa ng Medius Regnum at ang susunod na Reyna ng mga Celestials. Siya ang itinalaga ng propesiya.",ang sabi ko at nabitawan ni Dr. Yuki ang kanyang clipboard. "Impossible.",ang sabi ni Dr. Yuki. "Alam ko.",ang sabi ko habang umiiyak. Hindi ko na hahayaang mawalay ang anak namin sa amin kahit na nakasaad pa sa Propesiya na magbubuwis siya ng buhay para lahat. Aichi Sinuntok ko ang estatwa dahil sa nalaman ko. Bakit ikaw pa? Paanong ikaw ang Celestial Prodigy? Napasandal ako sa pader sa nalaman ko. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Natatakot ako na sa pwedeng mangyari kay Akari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD