Chapter 6-Protect Her

1551 Words
Aichi Nadala na namin sa clinic si Akari. Tinapos na rin ang duel dahil apat na lang ang maglalaban. Pagkatapos nun ay pinatawag naman kami sa Headmaster's Office. Nang makarating kami ay seryoso kaming tinitigan ni Headmaster. "Headmaster bakit mo po kami pinatawag?",ang panimula ni Sakura. "Kailangan na nating bantayan ng maigi si Akari.",ang sabi ni Headmaster Yuri. "Bakit po?",ang tanong ko. Nagpanggap muna akong walang alam dahil nais kong makumpirma ang mga narinig ko. "Tiyak na darating ang araw na babalik muli si Serpentius upang kunin si Miss Akari.",ang sabi ni Headmaster Yuri. "Serpentius? You mean yung Black Wizard na nabuhay noong apat na libong taon na ang nakakalipas?",ang sabi naman ni Reina,ang genius ng barkada. Hindi pa namin siya napapakilala kay Akari. Masyado kasing busy si Reina sa paggamot sa mga pasyente ng Academy. "Oo.",ang sabi ni Headmaster Yuri. "Pero hindi po ba hindi isang alamat lang ang tungkol sa black wizard na yun hindi po ba?",ang sabi ni Kaito. "Nakikinig ba kayo sa history? Nagbalik siya noong oras na isilang ang bata ngunit hindi siya nagtagumpay dahil di ba pinatakas yung sanggol ni Queen Akane Braveheart?",ang sabi ni Headmaster Yuri. "Anong koneksyon nun kay Akari?",ang tanong ni Jun. "Nakatakda sa Prophecy na ang anak ng Braveheart ay siyang magiging Celestial Prodigy.",ang sabi ni Headmaster na siyang ikinagulat nila. "Ano?!",ang sigaw naming lahat.. "That means ang nawawalang Prinsesa ay si Akari.",ang sabi ni Jun. "Oo. ",ang sagot ni headmaster. The hell! So totoo nga?! Napabaling ang atensyon ko kay Kira na tila hindi nagugustuhan ang nangyayari. "Pero hindi pa naman natin sigurado na si Akari nga ang descendant ni Princess Luna. Like duh, nerd po si Akari, nakabraid ang buhok,at nakaglasses! Anong panama niya kay Princess Luna? Diyosa ang hitsura niya di tulad ni Akari. That means forever nerd na siya!",ang sabi ni Kira.. " Hoy Kira inggit ka lang kasi mas malakas ang powers ni Akari kaysa sa'yo! Dapat nga magpasalamat ka kay Akari lalo na't siya yung nagligtas kay Seiji!!!",ang sigaw ni Sakura. At nagbatuhan sila ng masasamang titig na animo'y sasabog sa sinumang mangangahas na magpatigil nito. "Ang dapat mangyari ay bantayan si Akari. Hindi natin alam baka nasa paligid lang si Serpentius at kumukuha lang ng tamang tiyempo para makuha si Akari. ",ang sabi ni Headmaster Yuri. "Mas gugustuhin ko na lang pudpudin ang mga kuko ko kaysa bantayan ang nerd na yun!",ang sabi ni Kira. Napuno naman ako sa sinabi ni Kira. "Di umalis ka! Di ka kailangan rito! Pinatunayan mo lang na wala kang silbi!",ang sabi ko kay Kira. Halatang nagulat si Kira sa sinabi ko. Tumingin naman ako kay Head master Yuri. "Pero ano po bang pakay ni Serpentius kay Akari?", ang tanong ko. "Sa ngayon, ang alam ko lang ay gustong maging Reyna ni Serpentius si Akari. Lalo na maaaring magbago ang anyo ni Akari katulad ng nangyari sa Arena kanina.",ang sabi ni Headmaster. "Tss. Child abuse talaga si Serpentius. Gurang na nga, gusto pang patusin si Akari.",ang sabi ni Shin kaya agad siyang nabatukan ni Sakura. "Wag mo ngang isipin yan! Iniimagine ko palang kinikilabutan na ako!",ang sigaw ni Sakura. "Okay! Simula sa oras na ito bantayan niyo na siya,maliwanag?",ang sabi ni Headmaster. Naputol ang pag-uusap namin ng biglang sumingit sa usapan si Professor Farhengart. "Headmaster Yuri.",ang sabi ni Prof. Farhengart, ang tatay ng kambal na Farhengart at ang lalaking naging tatay-tayan ni Akari. "Professor Farhengart.Bakit po may kailangan po ba kayo?",ang tanong nito. Halatang kinakabahan si Professor Farhengart.  Pakiramdam ko anumang oras na may sabihin siya ay mapapasabak na naman kami sa panganib. "Nasira ang Jar kung saan kinulong si Serpentius!",ang sabi niya at ngayon ay nakayuko siya. "Ano?!",ang sigaw naming lahat. "Paano nangyari yun?!",ang sigaw ni Headmaster Yuri. "Pagpasok namin kanina sa Cursed Chamber ay basag na iyon. At ang nakita namin ay yung usok niya na patungo sa  Kanluran.", ang natatarantang sabi ni Professor Farhengart. "Nasa kanluran ang Medical Department! Si Akari!",ang sigaw ko at agad kaming nagtungo sa Medical Department. Serpentius Bwisit talaga! Nakakainis dahil sumalampak ako sa sahig! "Aray ang sakit nun.",ang sigaw ko. Kung bakit sumalampak ako sa sa sahig ay dahil kay Yuki na ayaw akong papasukin sa clinic. Buti nga sa kanya! At naramdaman niya ang sakit sa katawan niya na hinahanap niya. Ilang taon rin ang hinintay ko bago makalabas sa letcheng bangang iyon. Hindi ko namalayan na ang sinalampakan kong sahig ay nakapaloob sa isang puting silid. Nilibot ko ang paningin at nakita ko ang isang babae. "Luna." Ang babaeng mahal ko nasa harapan ko na siya. Mahimbing itong natutulog. Hinaplos ko ang kanyang kamay. Sinlambot pa rin ng dati. Bagamat nasa ibang katauhan ka Luna ay ramdam kong ikaw ang nasa loob ng katawang ito. "Namiss kita. Pwede bang gumising ka na?",ang sabi ko. Pakiramdam ko ay lalo akong lumalakas. At agad pumasok sa isip ko ang isang posibilidad. "Hindi ikaw si Luna.. Bagkus, ikaw ang Celestial Prodigy.",ang sabi ko sa isip ko at dahil dun ay napangisi na lang ako. Nawala iyon pansamantala ng maramdaman kong may balak pumasok sa kwartong ito. Pumitik ako upang may pagkalibangan sila. Aichi Lumitaw sa harap namin ang isang Serpent. "Tss. Pasaway.",ang sabi ko. "Kami na ang bahala rito matagal-tagal na rin yung huli nating mission.",ang sabi ni Kaito. "At saka exercise na rin 'to!",ang sabi ni Jun. "Puntahan mo na yung asawa mo!",ang sabi ni Shin. Pakiramdam ko umakyat lahat ng dugo ko sa mukha ko. "A-Ano bang pinagsasabi mo?!",ang sigaw ko at saka tumakbo. Tatamaan na sana ako ng buntot ng Serpent ng biglang tustahin yun ni Kaito. "Wag kang tumingin sa kung saan Ice Prince!",ang sigaw niya. "Tss. Nag-iingat ako Fire Prince.",ang sabi ko at saka pinaulanan ng Ice Phoenix ang Serpent na kalaban namin kaya naman nakapasok ako ng Medical Department. Just wait for me Akari. "I must protect her.",ang sabi ko at saka nagpakawala ako ng Ice Phoenix. Third Person Nabasag ang Ice Phoenix ni Aichi kaya naman nagpatuloy sa pag-atake yung tatlo. Dahil sa kashungan ni Shin ay nahati sa dalawa ang Serpent. Take note nabuhay pa rin ito. "Oww. Shucks. Pwede bang mamatay ka nang Serpent ka?! Wala ka namang gandang lahi nagpaparami ka pa!",ang sigaw ni Shin. Tumalon si Shin upang umiwas sa sunud-sunod na atake. "Earth fist!",ang sigaw ni Shin at saka sinuntok ang Serpent gamit ang nahulmang kamao sa lupa. "Tss. Nagreklamo ka pa eh kasalanan mo rin naman!",ang sigaw ni Akio at saka bumato siya ng wind shuriken.. "Fire Tornado!",ang sigaw ni Kaito at pilit tinutusta ang Serpent. Napaluhod naman si Kaito dahil nahihirapan na siyang tustahin ang serpent. "Ang kapal naman ng balat nito!",ang pinagpapawisang sabi ni Kaito. Tumakbo si Akio sa likuran ng serpent at nag-concentrate siya sa paghanap ng baga at sinimulan nang pigilan ang hangin na umiikot sa katawan nito.  "Ako naman!",ang sigaw ni Akio at kinontrol ang hininga nung Serpent. Nagwawala yung Serpent dahil sa hindi ito makahinga. "Guys! Konting tulong!",ang sigaw ni Akio. "Akio! Kaya mo bang palakasin yung apoy ko?!",ang sigaw ni Kaito. "Oo!",ang sigaw ni Akio kaya naman sinimulang tustahin ng pulang apoy ni Kaito ang Serpent. Dinagdagan naman ni Akio ng hangin ang apoy ni Kaito kaya naman mula sa pigiging pula ay naging asul ito. Mabilis na natusta ang serpent at agad pinatamaan ng Tidal waves ni Jun ang Serpent. Kaagad binalot ni Shin sa pamamagitan ng kanyang Earth chikara ang Serpent kaya ang ending naging istatwa ito. "And that's we called art while fighting.",ang sabi ni Akio na halatang nahirapan. "I think it's now his job.",ang sabi ni Kaito. "What?",ang tanong ni Jun na halatang naguguluhan sa sinabi ni Kaito. "Let' s go!",ang sabi ni Kaito at agad silang pumasok sa Medical Department. Sa isip ni Kaito at Aichi, iisa lang kanilang nasa isip. "Protect Her." Serpentius "Ang bilis naman nila.", ang sabi ko at muli akong pumitik. Nagpakawala ako ng limang Serpent. They must enjoy my pets. " Celestial Prodigy. Gumising ka na. Sasama ka pa sa akin sa Tenebris. Hindi man si Luna ang maging reyna ko. Pero nasa iyo pa rin ang dugo niya kaya ikaw ang gagawin kong reyna.",ang sabi ko hinalikan ko ang kamay niya. Hiniwa ko ang kanyang palad at pinasukan iyon ng itim na mahika. "Balang araw madadala rin kita sa Tenebris.", ang sabi ko. Aichi " Isa't kalahating damuho ka talaga Serpentius!",ang sigaw ko dahil sa nilalabanan ko ang limang serpent na ipinadala niya. "Kaya nga pakawalan mo na ako.", ang sabi ng halimaw sa loob ko. " Shut up, beast. I don't need your help.",ang sabi ko. "What the heck?! Nandito ka pa rin?!", ang sigaw ni Akio. " Anong gusto mong gawin ko?! Banggain 'tong mga lintek na ahas na 'to? Gusto mo bang ikaw ang ipakain ko sa kanila?!",ang sigaw ko. "Chillax! Ang puso mo!", ang sigaw ni Shin. " Asus! Baka nalilimutan mong ikaw ang nagpadami ng mga  ahas na ito kanina?!",ang singhal ni Jun kaya naman napakamot sa kanyang ulo si Shin. "Mag-aaway lang ba kayo jan o isasama ko kayo sa pagtusta sa mga ahas na ito?", ang inis na sabi ni Kaito. " Ito nga po, tutulong na!",ang sagot nung tatlo at nagsimula kalabanin yung mga serpent. Wag na wag mong gagalawin si Akari. Isinusumpa ko, hindi mo gugustuhing makitang magwala ang isang Aichi Hamilton!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD