" Head line ngayon! Isang bangkay ng sunog na babae ang natagpuan sa isang bakanteng lote! Naku po! Mga kaibigan tama po kayo ng narinig..isang bangkay ng babae ay natagpuan sa isang bakanteng lote pasado alas-diyes ng umaga. Nakita umano ito ng mga batang naglalaro sa nasabing lugar. Nung una inakala na isa lamang itong sunog manequine ngunit napagtanto nilang tao ito ng may makita silang nakausling buto mula sa katawan ng biktima. Ayon sa autopsy ay tila minolestya muna ang biktima bago winakwak ang dibdib. Ang kaawa-awang biktima ay naka-tape pa ang bibig at dinukot ang puso! Talaga naman na kalunos-lunos ang naging pagkamatay ng biktima, matapos halayin ay brutal itong pinatay! Sa ngayon ay patuloy pa ang imbestigasyon para makuha ang pagkakakilanlan ng biktima..ngayon ay dumako muna tayo sa ulat ng panahon! Mang Sonny! Pasok!"
" Grabe naman ang balita na iyan, iba na talaga ang panahon ngayon. Sobrang brutal na ng mga kriminal. Siguro nga panahon na para buhayin muli ang death penalty sa bansa dahil sa mga krimen katulad niyan. " salubong ang kilay at nakapangalumbaba pa si Yannie sa mesa ng opisina ni Thessa. Tutok ang mata nito sa TV. Si Yannie ay ang bestfriend at kasosyo sa negosyo ni Thessa sa gallery. Kaklase niya ito since college. Ito ang humahawak ng online na bentahan at taga-promote ng kanyang mga obra.
" Ang nakakainis pa sa mga ganyan ang bagal ng imbestigasyon para malutas ang krimen. Mga pagong ang mga nasa batas natin para mabigyan ng hustisya ang biktima. Kelan kaya uunlad ang Pilipinas. Tsk!" dugtong nito na tila naghihinaing.
Natawa naman si Thessa sa itsura pati na din sa sinabi nito.
" Try mu mag-rally sa Mendiola para marinig iyang hinaing mo!" natatawang biro niya sa kaibigan.
Tumulis naman ang nguso ni Yannie sa biro ni Thessa.
" Hahaha, nakakatawa. Sa totoo naman ang sinabi ko diba?" pangungumbinsi nito.
" Yannie, wala na tayong magagawa kasi iyan na ang nakamulatan natin. Himala na lang na maabutan ng henerasyon ng apo natin ang pagbabago ng batas dito sa bansa natin." seryosong sagot ni Thessa.
Naantala ang paguusap nila ng pumasok si Jacky ang assistant ni Thessa. May hawak itong isang box. Nakabalot ito ng kulay pink na gift wrap at may pink na ribbon din sa ibabaw.
" Ma'am may nagpadala sa po sainyo." abot nito kay Thessa.
" Kanino daw ito galing?" agad na tanong ni Thessa. Nadala na kasi siya nung may nagpadala sa kanya ng bulaklak para sa patay.
" Ah-eh, Ma'am hindi ko po natanong.. " napapakamot sa noo na sabi ni Jacky.
" Next time Jacky lahat ng ipapadala sa akin maliban kung ako mismo ang nag-order tanungin mo kung saan at kanino nanggaling ang item bago mo i-receive at ibigay sa akin. Maliwanag ba?" walang prenong sermon ni Thessa sa assistant.
" O-opo Ma'am. " mabilis na sagot nito.
" Chill. Bakit mo naman sinisermunan si Jacky? Kasalanan niya ba kung madami kang manliligaw kahit na may prinsipe ka na?" natatawang paninita ni Yannie sa kaibigan.
" Remember iyong nakwento ko sa'yo nung exhibit? Nang may nagpa-deliver sa akin ng bulaklak para sa patay? Gosh! Who knows kung ano pa ang ipadala sa akin gaya nalang ng package na ito!" tense na sabi ni Thessa.
Inabot ni Yannie mula sa kamay ni Thessa ang box. Ito na mismo ang nagbuklat ng card na naka-attached at binasa iyon.
" Para sa pinaka-magandang babae sa aking paningin, isang handog para patunayan ang aking pagmamahal saiyo.." ini-abot ni Yannie ang card kay Thessa at may ngiti sa labi. " Wow ha, may Balagtas pa pala sa panahon ngayon ah. Hmmm. Hindi kaya galing 'yan kay Sam?" kinikilig na sabi ni Yannie sa kaibigan.
" Let see kung ano ang laman ng box na ito. "
Si Yannie na mismo ang nagpunit at nagbukas ng box para kay Thessa.
" AHHHHHHHH! " sigaw ni Yannie matapos mabuksan ang box ng regalo. Inihagis niya iyon at nanginginig na lumayo.
" I told you Yannie! I told youuuu!" naiiyak na sabi ni Thessa, nakatingin silang lahat sa laman ng regalo na nahulog na mula sa box. " Tumawag ka ng pulis Jacky!" utos ni Thessa sa namumutlang assistant niya.
" O-opo Ma'am!" mabilis itong tumakbo palabas para sundin ang utos ni Thessa.
" T-Thessa wala ka bang ibang alam na pwedeng magpadala sa'yo ng ganyan?" tanong ni Yannie. Mabilis na umiling si Thessa.
" Wala Yannie. Baliw lang ang gagawa ng ganyan. " sabi ni Thessa sa kaibigan.
Muli nilang tiningnan ang laman ng box. Isang puso ng hindi nila alam kung sa tao o hayop. Medyo tuyo na ang dugo nito. Ang nakakatawa lang para siguro hindi maamoy ang lansa nito ay inilagay ito sa box na puno ng petals ng bulaklak at may air freshner pa.
*****
" Salamat po Ma'am. Agad po namin itong iimbestigahan para mahuli ang may gawa nito. " pamamaalam ng pulis kay Thessa.
" Anong nangyari dito? Bakit may mga pulis?" humahangos na lumapit si Sam kay Thessa.
" Sam..." yumakap si Thessa sa nobyo at umiyak ng umiyak.
" Ano bang nangyari?" si Yannie na ang binalingan ni Sam para kumuha ng sagot.
" Si Thessa kasi may stalker. " sagot ni Yannie.
" Stalker? Paano?" naguguluhang tanong ni Sam.
" May tumatawag sa kanya at may nagpapadala ng mga weird na mga bagay." paliwanag ni Yannie.
" Gaya ng ano? "
" Bulaklak ng patay at ang nakakatakot ay puso ng tao.." hininaan ni Yannie ang boses pagdating sa dulo ng sinabi niya.
" What?! Bakit ngayon ko lang nalaman ang lahat ng ito?!" hinawakan ni Sam si Thessa para iharap ito sa kanya. " Is it true? Lahat ng sinabi ni Yannie?" tanong niya sa dalaga. Tumango naman si Thessa.
" Bakit hindi mo agad sinabi sa akin? " tanong ni Sam sa nobya.
" Natakot kasi ako. "
" Hindi rason iyan. Paano kung may gawin na siya sa'yo? Hindi ko alam. Eh, di may nangyari na namasama sa'yo at wala man lang akong nagawa. " inis na sabi ni Sam.
" Sorry.." yumakap ulit si Thessa kay Sam at muling umiyak.
" Thessa, alam ko hindi ito ang oras para dito pero sana ikonsidera mo na ang alok ko na magbakasyon ka. Siguro kahit papaano ay makakalimutan mo ang nangyari na ito sa'yo pagmalayo ka sa Manila. " sabi ni Sam sa nobya nakayukyok sa kanyang balikat. Tumigil na ito sa pag-iyak at nakikinig sa sinasabi ni Sam. Maya-maya pa ay nag-angat ito ng tingin at tumingin sa mukha ni Sam.
" Siguro nga kailangan ko ng break mula sa mga ito. Payag na akong pumunta sa province niyo.. " pagsang-ayon ni Thessa sa alok ng nobyong si Sam.